"Tatawid po kase" Sabi nya, kahit may nginunguya nagawa pa ulit ngumisi.

"Ano naman? Takot ka bang tumawid?" Tanong ko ulit nawalan ng gana sa pagkain dahil sa pagmumuka nya, pero nung ma realize ko yung sinabi ko ay agad din akong napangisi. Kahit si Ariel at Ivan natawa lang sa sinabi ko.

Dszuh! Bakla takot tumawid!

Nawala lang ang ngisi ko ng hawakan nya ang kamay ko. Sabay pang nang asar ang dalawa.

"Ano kamo? Takot akong tumawid?" Sabi nya humalakhak, but that's not funny for me mas naramdaman ko sa sarili ko ang bigla.

"Oo bakit?" Agad na bawi ko sabay higit ng kamay. Pero Hindi nya binitawan! Hinigit ko ulit, yun don lang natanggal pero worst diko alam kung bakit lalo syang tumawa!

" Tara na nga Ivan, pamental mo na'yang pinsan mo, nasobrahan ata" Sabi ko, inirapan ang lalaki.

"Tara na nga Ivan pamental mo na yang pinsan mo" he mimicked me! While holding his laugh. Umayos pa s'ya ng tayo sa tabi ko. Iniintay akong maglakad patawid ng kalsada.

Umirap nalang ako.

Dapat hindi na ako sumama!

"Binantayan lang kitang tumawid, tanga ka pa naman" Sabi ni Calihl pagkatawid namin ng kalsada. Tapos sumabay na ulit s'ya kay ivan

"What?" Diko Alam kung patanong na galit yon o gulat. Is he concerned? Suddenly I remember that day kung bakit ako napapaisip non at kung sino yung iniisip ko.

Si Hanz.

****

Ilang bahay lang ang nalagpasan ay natanaw kona ang bahay nina Ivan. It's big but not as.

Yung tama lang.

Nakapunta na ako dito pero hindi ko parin makalimutan ang sobrang kalinisan at kagandahan ng bahay. The floor...the little chandelier even their furnitures, simple pero alam mong pinag isipan ang pagpili.

Pinapasok kami ni ate Ivee- ivan's sister, malalaki ang ngiti nito habang pinapaupo kami sa sofa. Sumalampak ng upo si Calihl kaya napatingin ako sa kanya. Akala mo ay bahay nila kung maka asta. Gusto kong mag react sa ginawa n'ya pero nakita ko namang mukang ayos lang yon kay ate lvee.

"What?" Ungos nito ng makita akong nakatingin sa kanya.

"What?" Panggagaya ko sa kanya ng nakataas ang isang kilay.

May sinabi n'ya na hindi ko naiintindihan pagkatapos ngumisi saakin. Umirap ako at tumingin sa malaking flat screen TV pagkatapos kay ate Ivee na nakatingin pala saakin at nakangisi?

Kahit nagtataka ay ngumiti ako ng maliit. She's two years older than me kaya mas galang na galang ako sa kanya. Mukang mataray pero okay naman pagnakilala.

"Anong pinag uusapan nyo?" Tanong nya saakin, At syempre! Saakin sya nakatingin ei! Si Ariel naman ay kausap si Ivan.

" Wala lang yon ate" ngiti ko, pero ngumisi lang s'ya at nagkibit balikat bago nagpaalam na ipaghahanda kami ng meryenda kahit kaka-kain lang namin sa daan!.

Wala pang ilang minutong tutok ako sa tv ay may umeksena na agad. Tinignan ko ang lalaking papansin kahit kailan.

Si Calihl.

"Ang init!" Walang hiyang sigaw nya- hindi pinansin ang nanlilisik kong tingin sahalip walang habas na hunubad ang suot nyang t-shirt!

Potangina.

Namula ako sa sarili kong nakita. Kahit sina Ariel ay napatingin at nakiita ko rin ang mabilisang pag iwas nito ng tingin.

Anong kagaguhan to!

String ConsequenceWhere stories live. Discover now