Nakangiting muka ni Ariel ang sumalubong saakin sa kusina. She's preparing three plates na alam kong para saamin.

"Ako na ang magdadala nito " Prisinta ko at hinigit ang tatlong platitong walang laman, pinatong ko muna saglit sa sink, inayos ko ang buhok ko at tinali. Masyadong mainit ang panahon. Dumeretso ako sa mini ref namin para maisabay narin ang juice sa pagdala.

Akmang mukunin kona ang juice ng may humigit sa damit ko sa likod.

Nagulat ako ng panandalian at gusto kong singhalan ang taong gumawa non kung hindi kolang nakita ang seryosong muka nito. Si Calihl.

His badboy aura was hallucinating, Brows furrowed while intently looking at me.

"Ako na" Sabi nya at kinuha ang pitchel at naunang umalis. Natulala ako sa ginawa at natauhan din dahil sumigaw sya.

"Bilisan mo hoy! Tinutunganga mo dyan? Andito nako masyado kang halatang may gusto sakin!" Sigaw n'ya at rinig kong humagikhik ng tawa si Ariel.

"Anong sabi mo?!" Sigaw ko rin. Namula ang pisngi ko dahil sa sinabi nya. Hindi ako makapaniwalang napatulala ako sa kanya kanina!

Nilakad ko ang direksyon ng sink at nakitang wala narin don ang platito, Siguro nadala na ni Ariel, Kaya dineretso ko na ang labas ng kusina. Nakangiti sakin si Ariel. Habang si Calihl naman ay inaayos ang mga platito sa lamesa, at Alam mo yung nakakairita? He's damn smirking while doing that!

Iniwas ko ang tingin ko at pasalampak na umupo sa isahang sofa. Katapat ni Ariel.

"Hindi ako makapaniwalang nakailang punta nako dito tapos--"

"Tigilan mo" Sabi ko agad. Inagaw ang tinidor sa kanya.

Ilang beses na nyang sinasabi at nirereklamo na nakailang punta na daw sya dito tapos hindi pa daw ako nakaka move on sa kagwapuhan n'ya. Like dzuh! Saan ba pinaglihi ang lalaking to, bakit ang kapal ng muka.

"Sinasabi ko lang naman" ngisi nya.

Inungusan ko ang lalaki bago mag kumuha ng para saakin. Humagalpak pa ito pero hindi ko na pinansin

..

Pagkatapos kumain deresto ang lakad namin papuntang San Phoebe- bahay nitong mag pinsan. Ayoko sanang sumama dahil may bago nanaman kaming project na dapat gawin pero naisip ko rin yung pag punta nila dito saaamin.

Hindi ko alam kung anong gagawin namin doon basta nag aya lang si Ivan sa kanila. At ano panga ba. Nakakahiya kung tatanggi pa.

Nakalabas na kami ng village at patawid na sana kami sa kabilang baranggay ng huminto saglit dahil nakita nanaman ng street foods si Ariel! She really likes food from the streets kaya pinagbigyan na.

Halos magkatapatan lang ang mga arko mga baranggay, katapat namin ang San Phoebe, sa malayong dulo magkakatapat naman ang ibat iba pang baranggay. Malayo ang mga pagitan kaya kailangan pa talagang i-tricycle kung sakali. Buti nalang kalsada lang ang pagitan ng San Phoebe saamin.

Kailangan mo talagang lumabas sa pinakang arko para lang mapuntahan ang kabilang baranggay. No shortcuts.

Napatigil ako sa pakikipag kwentuhan kay Ariel ng tumabi saakin sa paglalakad si Calihl. patawid na kami sa kalsada. Nasa unahan namin sila kaya kapansin pansin ang paglipat nya sa tabi ko.

"Ano?" Tanong ko, tinaasaan sya ng kilay.

Hindi sumagot ang lalaki pero ngumisi s'ya ng pagkalaki laki, dahilan kung bakit ako siniko ni Ariel.

Pati paglalakad namin nahinto!

"Ano nga?" iritang tanong ko sa kanya. Nakakainis yung muka nya! He's grinning while eating!

String ConsequenceWhere stories live. Discover now