"Tss. Idiot, hindi nag iingat" Sabi n'ya pa bago ako akayin patawid, bumubulong bulong.
Kahit si Ivan ay nagulat sa nangyari, tinanong nya pa ako kung ayos lang ako.
"Okay lang ako. Hehe pasensya na" Sabi ko sabay ngumiti ng nakakaloko. Kung nasa mood ako ay baka sininghalan kona si Calihl sa pagtawag n'ya saaking idiot pero pinalagpas konalang dahil sa hindi ko malamang kadahilanan gusto ko nalang umuwi.
"Malapit na tayo sa inyo gusto mo ba munang kumain? Lori?" Tanong ni Ivan maya maya.
"Hindi.Andito na kaya tayo dzuh!, Tsaka baka may gagawin pa kayo nakakahiya" Sabi ko ulit,mas masigla. Hindi ko pinahalatang gusto konang pumasok.
"Wala naman-"
"Meron nga kaya pumasok kana sa inyo" masungit na sabat ni Calihl.
Binalingan ko siya at sinamaan ng tingin. Naisip ko pa namang mag thank you sa ginawa niya kanina pero. Wag nalang.
Papansin.
***
Lumipas pa ang isang linggo at palaging ganon ang nangyayari. Minsan nakakasama ako sa team nila pero madalas hindi at naasign sya kasama ni Maja. Habang ako naman kina Calihl.
Nung sinabi nyang pupuntahan n'ya ako pagkatapos ay hindi nya nagawa pero sinabi nya saakin kinabukasan ang dahilan na natagalan daw sya dahil inutusan s'ya ng daddy nyang ihatid pa si Maja at ayos lang naman yon dahil wala naman akong karapatang magalit, siguro tampo mayroon.
Patapos na ang candidacy at bukas na ang botohan. Ang huling punta nila dito ay noong biyernes, bukas ay lunes,ang araw ng botohan.
Kahit nasabi na, nag announce padin ang university ng school na wala kaming pasok for almost a month. Kakatapos lang kasi ng finals at magsisimula na ulit ang bagong semester.
Bukod sa botohan, gagamitin din kasi ang school pag nag bilangan na ng votes at syempre maraming estudyante ang nag celebrate pero hindi kaming mga college students, kahit may free pang one month yan ay kailangan parin naming ma complete ang research kahit minor revisions nalang iyon!
"Lalim" sabi ng lalaki sabay hipan sa tainga ko.
"Gago ka ah" Sabi ko at hinampas sa braso ang bwisit na lalaki. Umiilag sa bawat hampas ko.
Nandito sila ni Ivan kasama si Ariel,Hindi ko alam kung anong trip nila at magkakasama silang pumunta sa bahay namin and to my surprise close pala nila si Ariel. My other girl friend.
Hindi sana ako magugulat kung ang pesteng to at si Ivan lang ang pumunta sa bahay dahil nasanay narin ako, actually mas madalas pa silang kasama ko kaysa kay Chloe at Pia , pero ngayong kasama si Ariel don ako nagulat.
It's not that ayaw ko kay ariel. I like Ariel's personality mabait, palangiti mapagbiro pero hindi nakakasakit,hindi gaya ng mga kaibigan kong si Pia at Chloe na kiligin lang e mangungurot na mananabunot pa. Gawain bayon ng matinong kaibigan?
"Tara!" Yaya ni Ariel bago ibaba sa lamesa ang niluto nyang pancake.
Tumayo si Calihl at sinamaan ako ng tingin. Si Ivan naman ay busy ulit sa kanyang cellphone.
Kinuhit ko si Ivan bago tumayo at pumunta sa may bandang kusina namin. Tumango lang sya habang nakangisi sa cellphone. Nasilip ko ito at mukang nanalo nanaman sya sa laro.
"Here" Hindi pa ako nakakalapit at inilahad na agad sakin ni Calihl ang plato na may lamang pancake.
"Ano?" Tanong ko
"Ano?" Ulit tanong nya, Seryong ang boses habang nakalahad parin ang plato sa harap ko.
Umiling ako bago lagpasan sya. Anong trip nito?.
YOU ARE READING
String Consequence
Teen Fiction1/3 Villa Series People are Changing with the different reasons. It's either good or bad. Santiña Lloyora the brave and undecided woman who can fight for many trials, exept for her love ones . What do you think is the sudden changes of her plans...
Chapter 2
Start from the beginning
