"Uh... -"

"Pahinga kana, Sayang hindi ka naka assign" sabi nya. Bumaling aakin. Ngumiti pero hindi ko alam kung nabulag ako ng makitang malungkot na ekspresyon n'ya na bigla ring nawala ng dumating ang isang babae.

"Hanz ! Magsisimula na!" Lumapit ang babae at kumapit sa braso ni Hanz.

It's Maja

One of my old enemy.

Sya yong nakaaway ko noon sa Cooking Contest. Naging okay kami pero hindi tulad nung dati. And if I am not mistaken s'ya yong nagkakalat na sipsip ako sa professor namin.

Bitch for short.

"Oh. Hi Lori" ngiti nito saakin. She even rolled her eyes afterwards hindi ngalang nila nakita. Pero ako kitang kita ko ang kaplastikan nya.

Pero anak yata talaga ako ng aktres kaya mas magaling akong umarte kaysa sa kanya.

"Hi? How are you!" Ngumiti ako ng pagka ganda ganda. Pero alam kong plastic lang din yon.

Nakita ko sa gilid ng mata ko na nakatingin saakin si Hanz. Kaya bigla kong tinikom ang bibig ko. Ayokong makipag plastikan kaya magpapaalam na ako.

And I don't even know kung bakit pakiramdam ko nagseselos ako.

As a friend.

"Oh! I'm fine-"

"Uwi na pala kami, ingat ka" putol ko sa sasabihin ni Maja, Ngumiti ako kay Hanz na nakatingin lang saakin. He look bothered.

"Ikaw din, puntahan kita mamaya" Sabi n'ya na nagpagulat saakin sandali. Alam kong ganon din si Maja.

Of course we're friends just like Ivan's doing .Pagpapakalma ko sa sarili ko.

Pero hindi yata yon acceptable sa akin bilang kaibigan. He's different. His tone was different parang may ibang dahilan. O ako lang yung assuming?

"Okay" Sabi ko nalang. Ngumiti s'ya bago pasya hilahin ni Maja na masama na ang timpla. Nagpahila sya at tuluyan ng tumalikod. Hindi nya manlang inalis ang pagkakahawak sa kanya ni Maja.

So si Maja pala ang ina-sign ni papa kay Hanz.

Nice. Bagay naman sila.

"What now?" Natigil ang pag iisip ko ng magsalita si Calihl. He's holding his phone too gaya ni Ivan. Hindi sya nakatingin saakin.

"Sorry, natagalan" Sabi ko. Totoong apology.

Tumigil saglit sa pag ce-cellphone tapos may kinalikot saglit bago binaba at binalingan ako.

"It's okay" Sabi nya. His voice are sweet but his face is dangerous. It's like kaya nya akong patayin ngayon. Nakatakot ang pagkabadboy ng itsura nya.

"Let's go!" Tuwang tuwang ibinaba ni Ivan ang kanyang cellphone. like he won a mega jackpot in a lottery that can bring him in heaven.

"Nanalo ka?" Tanong ni Calihl sa kanya. Nagsimula na kaming maglakad habang nag uusap ang dalawa sa kung ano.

Habang ako kung saan saan nanaman napunta ang utak.

Nadaaanan namin ang maiingay na tao, nakita ko rin ang team nila na namimigay ng flyers. Nandon ang daddy n'ya para pangunahan ang pangangampanya and of course hindi na ako nagtaka ng mahagip din sya ng mata ko. He's holding a plastic bottle while smiling at Maja.

Hindi ko alam kung anong pinag uusapan nila at kung ano ang sinabi ng babae para mapangiti sya. Something stabbing at my system and I don't know how to name it.

Nasanay lang siguro ako.

Deretso ang lakad namin hanggang sa malampasan ang team nila. Lutang akong sumunod sa kanila pero alam kong tumawid kami sa pedestrian, yun ngalang hindi ko naisip na muntik na pala akong masagi ng tricycle kung hindi lang ako nahila ni Calihl sa braso.

String ConsequenceWhere stories live. Discover now