"Are you hungry?"

Sa isiping yon bigla kong nakalimutan at naalala ang kakaunting pasenya ko sa lalaking kaharap ko. Bubulyawan ko na sana ulit s'ya ng tinawag s'ya ng daddy nya.

Ngingiti ngiting lumapit ang matanda at kinausap sya saglit.

Pag papasensyahan ko nalang siguro ang pasensya ko.

Sabagay hindi ko na naman sya kailangang pagsabihan. Hindi naman kami ganon ka close.

" Wait me here, saglit lang ako"Maya maya'y sabi nya, mejo natauhan ako. Ramdam kong humarap pa s'ya saakin na akala mo ako ang ulila nya.

Tumawa ang daddy n'ya dahil doon na kanlaunan naunang umalis.

Akala ko susunod narin s'ya pero nagtaka ako ng nanatili ang lalaki sa harapan ko.  Hindi kasi ako tumingin sa kanya nung sinabi nyang intayin ko s'ya, sa matandang Velina ako nakatingin, Masyado akong na bibighani sa accent ng boses nya.

Pinilit kong hindi lingunin ang lalaki, pero mukang hindi yata s'ya aalis sa harapan ko.

"Ano pang iniintay mo?" Tanong ko, sa wakas tumingin ako sa muka nya.

Pero pota.

Why is he smiling again?

Anak ba sya ng baliw? O ampon?Napulot sa tae ng-

" Akala ko hindi moko papansinin," Sabi nya nakangisi " sa gwapo kong to" bulong pa nya sa huli.

Nag panting ang tainga ko sa narinig. Kahit siguro ako ipag yayabang sa iba na totoo ang sinasabi nya. Pero hindi. Dahil hindi naman ako ganong tao, hindi naman kami close no! Team lang kami.

"O e eno, umalis kana dami mo pang sinasabi" sabi ko nalang, inirapan sya.

Isang nakakatindig balahibong halakhak ulit ang narinig ko sa kanya. Namula ang pisngi ko dahil don, Hindi ko alam kung bakit!

"Okay. tsaka..."

"Ano?" Tanong ko, pinilit tatagan ang boses.

Tumaas ang dalawang kilay nya bago ulit sumilay ang nakakainsultong ngiti.

"bakit ang hilig mong magmura?, Sayang.." Sabi nya bago tumalikod ng nakangisi.

Potangina. Bakit ganito.

....

Halos magsasampung minuto bago s'ya nakabalik, may bitbit na syang paper bag na hindi ko alam kung saan galing.  At oo inintay ko sya kahit hindi naman kailangan.

Kung tutuusin pwede ko na syang takasan katulad ng naisip ko kanina. Pero.. hindi ko mahinuha sa sarili ko kung bakit nanatili parin ako at inintay sya. Siguro dahil mabait s'ya katulad ni  Ivan, friendly na akala ko nung una e mas masungit pa sa kambing.

"Here" paglalahad nya saakin ng paper bag na dala nya. "Sorry for waiting" dagdag pa nito.

Tinitigan ko ang paper bag na hawak nya pero hindi ko tinnaggap. Tsaka lang ako tumingin sa muka nya na paulit ulit kong na a- appreciate.

"Ayaw mo ba?" Kitang kita ko ang bawat kilos at bigkas ng bibig nya ng sinabi nya yon, ganon din ang pag simangot nito.

Sinundan ko ang pagkilos non bago ko nakita ang ngisi dito tsaka lang ako natauhan.

Agad kong iniwas ang tingin ko para maghanap ng tamang salita. Nakakahiya! Ano bang ginagawa ko!

He grinned like a demon  kaya lalo akong nahiya.

Pota. Mukang walang laban ang bitschesang Lori.

Ilang beses ko bang ipapahiya ang sarili ko pagkaharap ko tong lalaking to?

"I said, Kung ayaw mo ba ng dala ko? O iba yung gusto mo?" Rinig kong sabi nito at sinabayan ng mahinang tawa.

Sana kainin mo nalang ako lupa! Hiyang hiya na ako. Pang ilang beses na ito. Masyado atang malakas ang amats ko sa taong to kung bakit pati kayabangan ko nawala.

Halos magpigil hininga akong agad nyang kinapitan ang baba ko at inangat ito patingin sa kanya. Tsaka inilipat ang kamay sa uluhan ko at tinapik tapik ito ng parang bata! Dzuh!

"Gutom nako" he said, may ngising nakatingin sa  mga labi ko?,o assuming lang ako?

Lumayo akong bahagya at pasimpleng inayos ang buhok. Grabe hindi ko alam na may ganito akong tinatago sa sarili ko!

"Uh.. yes- sure tara don kay ate Che kanina pa nag iinta-y" ngumiti pa ako ng hindi ko malamang ngiti.

Kinabahan ako ng tumitig lang sya sakin, walang expression.

Ano bang ginagawa nya!, Magkakamatis na ang mukha ko!

"Okay" Sabi nya maya maya tsaka naunang maglakad. Habang ako kabadong sumunod sa kanya. 

Grabe. Ganto ba kami ni Ivan nung naging friends kami? Ugh!

_______________________________________________________________________________

:)

String ConsequenceWhere stories live. Discover now