"Gosh! Parang kahapon lang nakita ko ang pagmumuka mo" Sabi ko. Ngumiwi at umirap.

Nagtatakang tingin ang binigay ni Ivan saamin , pabalik balik ang tingin n'ya saakin at doon sa lalaki. Kahit ako magtataka. Sino ba yang lalaking yan at Kung makalapit kay ivan akala mo close!

Hindi sa nagseselos ha . Pero kung close sila paano kaming best friend n'ya. Gusto ko pang gumanti dyan sa lalaking yan no.

"Mag-kakilala kayo?" Pabalik balik na tingin ni Ivan saamin.

"No."Sabi ng lalaki.

"-yes" Sabi ko naman.

"Who's that girl? Ivan? Did you know the fuck  that she do to me?" iritadong tanong ng lalaki.

"Shut your mouth Calihl  it's Lori, my best friend" pakilala n'ya saakin,Hindi inintindi ang galit na lalaki.

"And Lori, this is Calihl my cousin"

"Cousin huh?" Gulat na sabi ko, ngumisi ang lalaki habang pa cool na nagpapaypay ng flyers.

Inins-peksyon ko pa ulit ang nasabing Calihl. Totoo ba hindi halatang pinsan to ni Ivan! Pasinghap kong sabi sa isip.

"Not bad. Mukang fuckboy" Sabi ko nalang at tumalikod.

Ivan knows me well kaya ayos lang yon. Saktong pagharap ko sa daan ay nakatayo si Hanz.

Ang mga ngiti kong mapang asar kanina ay parang usok na naglaho. Napalitan ng gulat at biglaang kaba.

"Pota." Sabi ko, hinahawakang ang dibdib para kumalma sa pagkagulat.

"Are you done?" Tanong nya.  He's not smiling, his aura was cold. Walang emosyon. And I don't know why.

"Bakit?" Pormal na sabi ko.

"You forgot" sabay abot n'ya saakin ng tote bag  ko.

Oo nga pala!

"Thank-s" Sabi ko, biglang naalala ang kahihiyan.

"it's okay. " Sabi nya tinignan saglit ang pinanggalingan ko bago tumalikod ng deretso.

Hindi ko alam pero mejo nabastusan ako sa ginawa n'yang pagtalikod saakin . Hindi ko rin alam kung bakit pero nakaramdam ako ng sakit at lanlulumo sa akto n'ya.

Andami pa namang tao.

Sumunod ako sa kanya kahit hindi ko alam kung saan sya pupunta, ngumiti ako a mga taong nakilala at kakilala ko.

"Kumain na kayo?" Bungad saamin ng daddy n'ya mapadaan kami sa lamesa nila. Muntik pa akong mabunggo sa likod n'ya dahil akala koy deresto lang ang lakad nya. Buti nalang.

Naandoon ang team nila .

Ngumiti lang ako at umiling sa nakangiting lalaki.

Nilingon ako ni Hanz at doon lang nawala ang ngiti ko. Siguro nagtataka sya kung bakit ako nakasunod. Hindi ko rin alam kung bakit.

"Kumain na ako dad. Don lang ako sa sasakyan" Sabi n'ya at muli akong tinignan bago naglakad palayo sa lamesa.

Naiwan akong nakatanga sakanya. Tinitignan ko ang bawat galaw n'ya at bawat pagtingin ng mga taong nadadaanan n'ya.

For the second time naramdaman ko ulit na parang nasaktan ako sa ginawa nya. 

Nagiging emosyonal ata ako sa araw na ito . Hindi ganito yung nakasanayan ko. Iling iling ko sa sarili ko  bago nag paalam sa matandang Velina.

Unang beses akong nag isip tungkol sa trato ng isang  lalaki. Hindi ko alam kung bakit o baka siguro hindi ako pala close sa lalaki? Hindi ako sanay.

Ewan. Maybe he's not in the mood.

String ConsequenceWhere stories live. Discover now