Dammmmitt!

Sa isang iglap s'ya ang nakapagtanggal non,halos mawalan ako ng hininga sa ginawa nya. Mabilis pero maingat, yung tipong hindi ka mababastos.

Sa sobrang hiya ay agad agad akong lumabas. Kita ko agad ang mga matang nakapukol saakin galing sa ibat ibang tao pero wala akong pake. Mas importante saakin yung kahihiyan ko. Walastek sana kainin ako ng lupa ngayon!

"Anak. Okay kalang? Where's Hanz? Akala ko magkasama kayo? Ready na ang lunch, mag lunch na kayo" sunod sunod na sabi ni papa pagkapasok ko palang ng hall.May kausap s'ya kanina pero nung makita n'ya ako agad syang tumalima.

Marami ding tao sa loob ibat ibang team. 

"Ah. Pa busog pa ako e. Cr lang ako" sabi ko at hindi na s'ya pinasagot, derederetso akong pumasok sa Comfort Room. Napahilamos ako habang tinitignan ang sarili sasalamin.

I'm look like a mess. Para akong kamatis sa pula ng pisngi.parang ayoko na tuloy lumabas. Pero hindi naman pwede dahil maraming tao at siguradong may gagamit ng banyo!

Napasigaw nalang ako sa frustration. Pero agad din natigil ng may kumatok sa pinto. Ugh! Bakit lahat ng bagay wrong timing!

Tinignan ko ulit ang sarili ko sa salaming nakasabit bago ako lumabas.

" Oh. Ikaw pala Lori"

Si ate Che.

"Ah...e" napangiti nalang ako. Tsaka lumabas at pinadaan s'ya sa pinto. Akala ko makakatakas na ako pero tinanong nya pa ako kung bakit ako sumigaw rinig na rinig daw n'ya. Sinabi ko nalang na takot ako sa ipis kaya ganon, muka namang naniwala sya at mabuti naman dahil ayokong pahabain ang usapan at kung mapunta pa kung saan.

Tatalikod na sana ako ng magsalita ulit sya.

"Ay oo nga pala Lori!, Hinahanap ka ni Hanz " Ngumisi s'ya pagkatapos sinara ang pinto.

Agad akong napapikit sa isiping pag nakita ko palang ang muka ng lalaking yon mahihiya na agad ako. Nakakainis!

Ah! Tama susungitan ko nalang  o kaya nagpapanggap lang akong walang nangyaring kahihiyan. Masyado akong nagpapaapekto sa lalaking yon e muka naman syang walang pakialam sa mundo . Sino ba ako? Dzuh! makakalimutan din n'ya yon for sure.

Pagkatapos kong kausapin ang sarili ko ay taas noo at deretso ang lakad ko. Sakto naman at nakita ko si papa sa direksyon ng sa isa pang tumatakbong mayor, Kaya don nalang siguro ako dederetso.

Hindi agad ako nakaderesto kay papa ng may tumawag saakin.

"Lori!"

Hinanap ko ang pinanggalingan ng boses at hindi ako nagkamali. Agad akong ngumiti at nakikaway kay Ivan bago lumapit, schoolmate ko at the same time best friend. Hindi ko alam na kasama pala sya dito!

Ang daming hadlang pero s'ya lang ata yung naki vibe.

"Uy!" Sabi ko at nakipag fist bump.

"Kasama ka pala? Bat di mo sinabi!" Reklamo ko sa kanya.

"O sige girlfriend ko  next time magpapaalam ako sayo ha?" Sarcastic na biro nya.

Tinawanan nalang namin hanggang sa nagpaalam s'ya saakin ng may matanaw s'ya sa malayo bago pa dumating ang isang lalaki at tumabi kay Ivan. Agad na nagsalubong ang kilay ko ng makita ang pagmumuka ng lalaki. Fudge! Bat nandito to?

"What the-" Sabi ng lalaking may piercing na  katabi ni Ivan.Halatang nagulat din s'ya ng makita ako.

At  In fairness gwapo padin kahit nanlalaki na ang mata. Pero dzuh! Hindi makakalimutan yung pagpapahiya n'ya saakin sa Jeep ano!

String ConsequenceWhere stories live. Discover now