Gusto ko sanang sungitan s'ya pero dahil mainit at nauuhaw narin ako ay inabot ko yon. Ramdam kong umupo s'ya sa tabi ko at nagpaypay ng flyers .

Sa pag lalakad, ako ang laging nauuna sa kanya. Sumusunod lang din naman ako sa mga kasama namin pero bakit saakin s'ya sumusunod, pwede naman syang makisalamuha sa iba naming kasama pero bakit saakin parin sya nakalapit!, Ni hindi n'ya manlang kinakausap ang iba!

Hinayaan kolang yon hanggang sa magtangghali na. Naisip ko rin na baka maarte ang lalaking to at ayaw makipag usap sa ibang tao, siguro kapag namimigay lang to ng flyers tsaka nagsasalita.

Dumating ang isang Van na maghahatid saamin pabalik sa hall ulit. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa ng sasakyan e kaya namang lakadin pabalik.

"Sige na mauna na po kayo, susunod nalang ako" Sabi ko kay ate Che, isa ring kasama sa Team.

Nag -aalinlangan pero tumalikod na s'ya at nakisabay sa ibang pasakay ng van.

"Bakit hindi ka sasabay?" Nagulat ng marinig ang boses ni Hanz sa likod ko. Akala ko umalis na'to kanina? Nakita ko syang papunta sa Van ah?

" Ano bang pakialam mo?" Sabi ko nalang pagkaharap. Umupo ako sa nakita kong upuan.

Saglit syang tumitig saakin bago lumapit sa aakin at nakapamaywang na tumayo sa harapan ko. Naiilang ako sa presenya n'ya dahil hindi naman kami close kung maka asta sya.

"Bakit nga?" Ulit tanong nya.

Bakit ang kulit ng lalaking to? Hindi marunong maka sense na ayaw ko s'yang kausap!

"Bakit ba? E sa gusto ko" Sabi ko at pinanood ang mga taong abala. Nakikita ko rin ang ilang kaedad ko na tumitingin sa direksyon ko. Malamang dahil nandito ang Hanz na'to! ,Kung hindi n'ya lang napapansin kanina pa sya tinitignan ng mga tao!

"Sungit" Sabi nalang n'ya at akala ko aalis na sya pero may kinuha s'ya don sa lalaki tapos humarap ulit sya sakin.

"Let's go" sabi nya pinakita ang isang susi ng sasakyan tsaka ako hinila kaya napatayo ako sa upuan ko.

***

Tanaw tanaw ko ang bintana habang umaandar ang sasakyan. Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako.

Nabigla lang siguro ako sa ginawa n'ya. Hindi kami magkakilala dahil ngayon kolang din naman sya nakita. Kaya dapat hindi ako basta basta nagtitiwala at nagpapadala.

"What are you thinking?" Nanlaki ang mata ko  sa gulat. Mabuti nalang at nakaharap ako sa bintana .

"Wala!" Sabi ko at agad na tinakpan ang bibig bago  tumingin sa kanya.Masyadong malakas! 

"S-orry" Sabi ko . Ngumiti lang sya. Gusto kong sampalin ang sarili ko  dahil  sa dinami dami ng nakita kong gwapong lalaki ay ngayon lang ako namangha. At sa kanya pa!

Akala ko ba Isa akong bitchesa!

Ngumisi s'ya habang deretso ang tingin sa daan  kaya nagkunwari nalang akong nag ayos  ng hindi ko namalayan ang sarili kong tumitig na pala sa kanya.   Bigla akong nailang sa sarili kong ginawa!

At ng makita ang labas, Andito na pala kami!

Para akong tangang binuksan agad ang pinto at nang aalis na ako ay  kinabahan ako ng di ako makaalis sa inuupuan ko!

"Hey. What are you doing? Chill" Sabi n'ya pa. Sinabayan ng nakakatindig balahibong tawa.

Namangha ulit ako sa tawa n'ya. Hindi ko inakalang mas masarap palang pakinggan yon kung sa harapan.

Namula ako lalo na ng tignan nya ang dibdib ko!

Kaya agad agad kong tinignan ang sarili ko at  doon kolang na realize na naka seatbelt pa pala ako!

String ConsequenceWhere stories live. Discover now