Agad akong kinabahan. Hanz? Iyong makulit na tumawag kahapon at nagtatanong kung sino ako?

Napahinga ako ng malalim ng tumawa ulit ang matanda at tinawag ang sinasabing Hanz.

Halos manginig ang kalamnan ko ng nilingon ko ang pinto at doon nakita ang isang gwapong lalaki. Maputi, maganda ang hubog ng katawan, maganda ang korte ng labi. Halos lahat. Dagdag pa ang pagiging malinis sa sarili. Naka puting t Shirt lang sya na may tatak na Velina, pinaresan ng pantalon at puting sapatos. Teka.. bakit koba iniinspeksyon ang lalaking to?

Iw.

Pumikit ako at yumuko para mawala ang isipin.

"What?" Sa boses nito halatang naiinip na s'ya. Iyong iyon din ang boses na narinig ko kahapon.

"This is Baranggay Chairman Lui and his daughter" doon ako nagmulat pero hindi ko inangat ang tingin ko. Hindi ko rin alam kung bakit ako kinakabahan!

"Nice to meet you po" nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagkamay ni papa sa lalaki.

"Naku , ijo pasenya na sa nangyari kahapon ha. Ang anak ko kasing to ang nakasagot" Paumanhin na sabi ni papa kahit hindi naman n'ya alam kung anong nangyari kahapon nang tumawag ang lalaking yan.

"It's okay po. Mabait naman po ang anak nyo sakin kahapon" sabi ng lalaki at naramdaman kong bumaling s'ya saakin. Ewan ko pero ako lang ata ang nakaramdam ng pagiging sarkastiko ng boses n'ya.

" Actually nga po, kaya hindi nakarating ang flyers kahapon kasi--"

" Nice meeting you" ngiti ko sa lalaki at pinutol ang sasabihin n'ya. Halatang nagulat s'ya pero kanlaunan nakipag kamay din. Tinitignan ko talaga s'ya sa mata at sinasabing mahimik na s'ya. Isang mapang asar na tugon at ngisi lang ang binigay nya. Lalo akong napapaisip.

Tumawa ang matandang Velina kaya binaba ko agad ang kamay ko. Bigla akong tinamaan nahiya pero bahala na kaysa naman sabihin n'ya ang ginawa ko.

"Sige na Lori. Samahan mo na sila para makarami kayo" tapik ni papa sa balikat ko at niyakap ako.

Tumango nalang din ako at yumakap pabalik.

"Ingat ka, pa" Sabi ko bago bumitaw. Humarap ako sa mag amang Velina .

They we're watching us.

And what the? Is the younger Velina smirking at me?!

Alam kong gwapo ka pero--

"By the way Son, si Lori ang isama mo sa pamimigay ng flyers " parang hanging sabi ni Mr Velina sa lalaki. Tsaka sinabi sa iba na mag sisimula na.

Gusto kong matawa kung bakit ako pa ang kasama ng lalaking to.

Nag paalam na rin si papa dahil sasabihan n'ya pa daw ang ibang kasama namin, aaasikasuhin din daw n'ya ang huling darating.

Napahilamos nalang ako sa sarili ko ng humarap sa lalaking malaki ang ngiti saakin. Parang akala mo close kami.

"Tara" pairap na utas ko at tinalikuran s'ya. Titingin tingin ka pa dyan dzuh!

...

Wala pa kami sa kalahati ng baranggay ay pawis na pawis na ako. Sobrang init kasi ng panahon ngayon. Maingay ang kalsada at marami ring tao.

Umupo ako sa glutter ng kalsada para mag pahinga. Pinaypay paypay ko ang flyers na hawak ko at tinanggal din nag sumbrero. Iniwan ko nalang sa hall ang camera dahil akala ko ay si papa ang kasama ko. Nakapag take naman ako ng kaunting pictures, pwede na iyon.

"Wohh--"

"Here " napatingala ako ng may mag abot sakin ng bote ng mineral. Ang pesteng lalaking Hanz

String ConsequenceWhere stories live. Discover now