"De-jok tinapos ko yung research ko" sabi ko sa tawang tawa kong tatay.

Aside from being bitch, malabot din ang puso ko sa tao,specially kay papa.

" Kumain kana ba?"

" Hindi pa! Syempre inintay kita pareng Lui!"

Tumawa ulit s'ya at sinabay akong maglakad palabas.

Nothing more, nothing less like a princess of your father.

****

"Lori, anak sumunod ka nalang pagkatapos mo ha!" sigaw ni papa sa baba.

"Opo!, susunod na ako" sigaw ko rin habang inaayos ang pagkakatali ng buhok ko. Suot suot ang isang high waisted jeans at white top na pinaresan din ng kaparehong kulay ng sumbrero at sapatos ay handa na ako.

Isang beses ko pang pinasadahan ng tingin ang sarili ko sa salamin bago hinagilap ang tote bag na p'wedeng paglagyan ng mga flyers para mamaya. Isinilid ko narin ang mini camera ko sa maliit nitong duffle bag.

"Ang ganda ko talaga" sabi ko sa sarili ko habang pababa ng hagdan. Minsan hindi masamang magmaganda kung totoo naman, wag kolang ipaparinig kay Sopia at nako baka mabantukan ng wala sa oras.

Ni-lock ko ang pinto at nilakad ang direksyon ng baranggay hall. Mejo malapit lang naman kaya ayos lang. Ang aga pa pero andami ng taong pabalik balik sa kalsada.

Nakarating ako ng maaga kaya nakatulong pa ako sa pagaayos ng tables para mamayang lunch. Iniintay nalang naming dumating ang mga kumakandidato bilang bagong mayor. Tatlo ang naglalaban laban para sa posisyong iyon at lahat yon ay kailangan naming tulungan. Through lahat naman ng desisyon ay nasa tao parin. It's either boboto sila ng tama o may duya.

But for me? Iboboto ko talaga yung karapat dapat.

We will see.

Umupo ako saglit para magpahinga at para maghanda narin. Dumating na ang unang kumakandidato pero mukang may ina-sign na si papa don kaya hindi nya ako tinawag. Siguro busy din ako nung mga oras na'yon. But now I'm ready and free.

Nag ingay ang banda kung nasaan si papa kaya nilingon ko ito. May kausap syang lalaki na sa tingin ko'y mid 40s na, natatandaan ko rin sya ng minsang nagka event dito,sya yung Isa sa mga judge!, marami din syang kasama iyon siguro ang team nya.

Sumenyas si papa saakin kaya tumayo na ako dala dala ang tubig.

" I'm sorry Mr. Velina siguro ang anak kong si Lori ang nakasagot ng tawag kaya hindi n'ya nakilala." Sabi ni papa at inakbayan ako.

Agad akong kinabahan ng sabihin nya ang pangalan ko.

"This is My daughter Lori, Isa s'ya sa mga papasamahin ko sa inyong mamigay ng flyers" Pakilala saakin ni papa.

Tumawa ang matandang Velina kaya napakunot ang noo ko. Did my dad say something funny?

"Oh. Hi, hija" Sabi ng lalaki pagkatapos tumawa. Binigyan n'ya ako ng isang ngiti na tinugunan kodin ng awkward na ngiti.

Nakakaloko kang mantanda. And .. I know his voice kaya paanong mangyayaring hindi ko nakilala ang boses n'ya. Accent palang.

"By the way I'm sorry too," Sabi n'ya kay papa tsaka muling tumawa

" Kaya siguro hindi n'ya nakilala ang boses ng tumawag, it's because of my son.. I'm busy yesterday kaya si Hanz ang pinatawag ko "

"Po?" Kinakabahan kong utas. Nauna pang sumagot.

"Hanz?" Tanong ko ng nakita kolang ngumiti ang matanda.

"My son. Pinapatanong ko kasi kung pwede ng ipadala ang flyers dito kahapon, pero bakit hindi natuloy?"

String ConsequenceWhere stories live. Discover now