"Hello?" Sagot ko sa kabilang linya. Ganon ang laging sinasabi ko kapag ako ang sumasagot ng telepono. Sanay narin akong sumagot ng tawag dahil kilala naman ako bilang anak ng chairman.
"Hello?" Ulit ko ng hindi sumagot ang nasa kabilang linya.
Narinig ko ang boses ng lalaki na nagtatanong sa Isa pang tao na kung tama daw ba ang numerong binigay.
"Namali yata ako ng call, I'm sorry" baritonong sabi ng nasa kabilang linya.Tsaka pinatay ang tawag.
Napakunot ang noo ko.
Saglit pa akong tumunganga tsaka pinagpapatuloy ang ginagawa . Hindi ko na inisip yong tumawag dahil baka nga nagkamali lang,tsaka kung taga dito lang ay agad na makikilala ang boses ko.
Baka nga namali ng tawag.
Patapos na akong magsulat ng marinig ko ulit ang tunog ng telepono. Isa sa pinaka kinakinisan ko kapag nandito ako at wala si Papa para sagutin yon. Ang ingay!
"Argg! Sandalee sandale putek" Sabi ko habang kinukuha ang telepono.
" Hello" mejo hindi ko napigilan ang sarili kong taasan ang boses.
"It's a girl, I told you" Sabi ng nasa kabilang linya
Boses yon nung tumawag kanina. Sa pagkakatanda ko.
Hindi ko maintindihan. May kausap ulit ang lalaki na kung sino. Para bang pinag uusapan nila ako.
"Ano? Hoy hello?" Sabi ko. Nawawalan ng pasensya.
" Uh.. I'm sorry miss..may I know..who are you?" Tanong ng lalaki sa kabilang linya.
"Ano?" Napatanong kaagad na sabi ko. Hindi makapaniwala. Kung sino man to ay sigurado akong bago lang s'ya sa baranggay. At tatawag lang dahil may kailangan!
Abay gago to ah. Tatawag tawag tapos tatanungin kung sino ako?.
"Who are you? Bakit ikaw ang simumagot ng tele--"
"E ikaw sino kaba ha?" Inis na sabi ko. Nawala na ang katiting na pasensya.
"Woah! Calm down miss. My name is..Hanz" Tumawa s'ya pagkatapos.
"What?" Napakurap kurap pa ako at kinilabutan sa kanyang tawa. Hindi ko alam kung bakit. I don't know who is this proud man but..my body felt grounded by his sudden action.
"I'm Hanz, so if you don't mind may I--"
" So?," Masungit na sabi ko. "I'm not interested if you're name is Hanz, kahit anak kapa ng Mafia wala akong pakialam,And please mister kung isa ka sa nang titrip sa baranggay namin e humanda kana" Sabi ko at binabaan ng tawag.
Akala naman n'ya kung sino sya! Dzuh anong pakialam ko kung Hanz ang pangalan nya! Tsaka ano bang kailangan ng lalaking yon!,Kilala ko lahat ng kaibigan ni papa kaya alam ko at kilala ko ang boses nila pero yung lalaking yon?
Mukang naligaw ng landas.
Nagpasalamat ako ng wala na muling tumawag pagkatapos non. Natapos ko ang research ko at inayos ang mga gamit. Ngayon ay hinihintay ko nalang si Papa na bumalik.
Saktong bumukas ang pinto at pumasok si papa. Kasunod nya ang ilang tao na may dala dalang kahon ng tubig. Siguroy yon ay para bukas.
"Pa!" Sabi ko at niyakap ang aking ama.
"Lori, kanina kapa ?" Tanong nya matapos akong yakapin din.
"Ah.. opo."
"Buti hindi ka na boring?" Halakhak nito.
"Lagi naman akong boring!" Sagot ko at inakbayan s'ya. Isang bagay na sanay na sanay ko ng gawin. Kahit dalawa lang kami sa buhay hindi ko kailan man naramdaman na mag Isa ako. I have my best friend papa.
YOU ARE READING
String Consequence
Teen Fiction1/3 Villa Series People are Changing with the different reasons. It's either good or bad. Santiña Lloyora the brave and undecided woman who can fight for many trials, exept for her love ones . What do you think is the sudden changes of her plans...
Chapter 1
Start from the beginning
