Isipin mo Marlon, para malaman ko kong sino ang isusunod niya!
Scarleth, oo scarleth nga ang pangalan na lagi niyang binabanggit ma'am.
Bakit ako?? I,, I mean bakit si scarleth?
Dahil noon paman daw ay malaki na ang gusto niya sa babaeng yon, kaya nga lagi daw siyang nag pupunta sa club kong saan nag tatrabaho bilang dancer yong scarleth na yon. Yan lang ang paulit ulit naming maririnig sa kanya kapag nalalasing siya.
Sinong kasama niya? Tanong ni scarleth na may namumuong hinala mula sa nakaraan..
Diko na alam ma'am, basta ang sabi niya sa pag-babalik daw niya hindi na siya papayag di makuha ang scarleth na yon.
Pwede ko bang malaman kong sino ang boss mo? Panginginig na tanong ni scarleth kay Marlon.
Si boss rain po, ang leader ng mga sendikato at siya din ang gumawa ng patakaran na kapag kumalas sa grupo namin? Ay papatayin niya kahit sino paman sa amin.
Si rain????? Buhay siya? Bakit?? Paano? Halos mabingi si scarleth sa nalaman ang taong matagal ng patay ay biglang mabuhay.
Ma'am samantha ok lang kayo? Ma'am anong nangyari sa inyo? Kilala niyo po ba si boss?
Paano nangyari yon? Nakita kong nakalibing na siya at ilang taon na ang nakalipas simula nong nawala siya. Pero bakit ngayon? Buhay siya? Paano nangyari yon?
Ma'am samantha,, ma'am ok lang kayo?
Huh,,, O.. oo Marlon ok lang ako may iniisip lang.
Ganon po ba ma'am, sigurado po ako ma'am na siya ang pumonta sa bahay namin para patayin ang mag ina ako.
Siguro nga, wala sa isip na sagot ni scarleth kong totousin makilala niya si rain kapag makita niya ito. Dahil nandon siya para iligtas ang mag ina.
Pasalamat tayo dahil ligtas kayo pariho.
Dahil po yon sa inyo ma'am! Nag papasalamat ako sa inyo dahil ligtas ang pamilya ko at pati narin ako. Utang po namin ang buhay namin sayo ma'am kaya kong may gusto pa kayong malaman? Tungkol sa sendikato? Sabihan mo lang ako ma'am.
Sige-sige marlon pero sa ngayon uuwi mo na ako baka hinahanap na ako ng asawa ko. Mag iingat kayo dito wag na wag kayong mag lalabas, kompleto na ang pagkain niyo diyan lahat ng kailangan niyo. May mga gamit din naman dito pwede niyo yan gamitin bahala na kayo dito ha, mag uumaga na baka hinahanap na ako don sa bahay.
Salamat po ulit ma'am, asahan niyong na sayo po ang tiwala ko ma'am..
Salamat Marlon, sige mag ingat kayo yong pamilya mo ingatan mo yan.
Yes po ma'am,,
Kailangan kong makauwi agad, kailangan tong malaman ni lucas, paanong nangyari yon? Paanong nabuhay si rain? Yan ang gusto kong malaman kong bakit? Buhay pa ang demonyong yon. Dina siya pwedeng mabuhay ulit napaka sama niya wala na siyang lugar dito sa mundo. Anak ko nga dina nabuhay dahil sa kanya! Tapos ito siya? Buhay na buhay? Di ako papayag kong kailangan kitang patayin ulit rain gagawin ko yon. Gusto ko sa kamay ko mismo malagutan ka ng hininga gago ka rain. Bakit na buhay kapa?? Ahhhhhh humanda ka sa akin hahanapin kita kahit saang sulok kaman ng mundo ng tatago. Tandaan mo buhay ng anak ko ang kinuha mo, ngayon ako naman ang papatay sayo walang hiya ka rain.. pag sisigaw ni scarleth sa subrang galit niya.
Pagka-rating ni scarleth sa bahay nila, agad niyang hinahanap si lucas at doon niyakap at umiyak sa bisig ng asawa. Para siyang Isang batang inagawan ng laruan dahil ng gigil pa ito sa galit. Pinag susuntok pa niya ang dibdib ng asawa. Kahit nabigla si lucas sa ginawa ni scarleth, di siya pumalag sa ginawa sa kanya sa halip niyakap niya lang ito para malaman ng asawang andiyan lang siya lagi handang dumamay sa kanya. Nakalipas ng ilang minuto si scarleth na mismo ang kumowala sa pagka-yakap sa asawa.
Ok kalang? Pwede mo namang sahihin sakin kong anong problema!!
Pasensya kana hone diko lang kasi napigilan ang sakit, yong sakit na dating nakabaon dito s dibdib ko. Dahil sa nakaraan ko ay biglang bumalik at mas matindi pa ngayon huhuhu. Ang sakit hone akala ko nakalimotan ko na ang lahat? pero bakit sa tuwing naririnig ko ang pangalang pumatay sa kanya! Bumabalik parin yong sakit huhuhuhu bakit nabuhay pa siya hone? Bakit?
Tayka nga hone! Sino ang buhay? Sino ang tinutokoy mo? Ang pagkaka-alam ko yong sakit na binaon dito? Ay yong anak natin na nawala diba? Pero alam naman natin patay na ang gumawa non sa kanya?
Hindi hone dahil buhay na buhay pa Siya., Bumalik siya para mag higanti sa atin siya pa yong may ganang gumanti! e siya na nga yong may kasalanan!..
Si rain? Buhay siya? Paano? Saan mo nalaman? Sahihin mo sa akin hone paano mo nalaman?
Pasensya kana kong umalis ako, kahit des oras na ng gabi. Pero kasi kailangan kong hanapin yong hustisya sa pagkamatay ng kaibigan kong agent. Pero ito ang nalaman ko, ang matagal na nating kaaway ay malaking buhay pala. At dati paman Siya na ang may gawa ng gulong nangyari dito sa lugar natin.
Kong ganon, Siya ang may gawa sa pagkamatay ni agent melody? At sa nangyari pa? Paano kong Siya rin ang dahilan kong bakit nawala si daddy.
Si daddy roman nga, nasaan na nga kaya Siya hone?
Pariho tayong walang alam pero may inutosan na akong hanapin siya. Saan mo nalaman hone na buhay pa si rain?
May nahuli ako, isang membro ng sendikato pero naging kakampi ko ito don ko nalaman sa kanya ang bagay na yan.
Saan mo siya dinala?
Don sa lumang bahay natin, sila ng pamilya niya kaya nga naging kakampi ko Siya dahil sa pag-tulong ko sa kanya at sa mag ina niya.
Mabuti naman kong ganon hone, ngayon alam na natin kong sino talaga ang kalaban natin. May sa pusa talaga yang rain na yan sisiguradohin kong pag-sisihan niyang nabuhay pa siyang muli..
Natutuwa ako dahil kilala natin yong kalaban hone! pero ang laking tanong? Kong bakit? Bakit nabuhay si rain? Bakit di siya nahuli ng mga pulis kong dati pa ito buhay?
Yon ang alamin natin pariho, wag kang mag aalala tutulongan kita dina ako papayag na mag isa kalang sa laban mo.
Salamat hone, siguro don lang mo na yong mga bata para makakilos tayo ng maayos..
Thank you for reading 🧡💙❤️
YOU ARE READING
WRONG MOVE part2 ( on-going)
General FictionP.S basahin mo na ang series#1 WAG MO AKONG MAHALIN para mas maintindihan ang series#2.. Maling galaw mo lang, habang buhay mo nang pag sisihan. Wag kang mag kamaling kalabanin ako, kong ayaw mong sa hukay ang bagsak mo..
chapter 14
Start from the beginning
