Will you remember My Name?

4K 63 23
                                    

Prologue

"Papa..."

Pinipilit ko syang gisingin. Inalog-alog ko ang kanyang balikat, ngunit wala pa rin. Hindi pa rin sya magising.

"Papa, please wake up! I'm sorry, Papa. Please wake up!"

Umaagos na ang luha sa mga mata ko. Nanginginig na rin ang basa kong katawan sa sobrang lamig. Naririnig ko rin ang pagtawag ni yaya kay Mama.

"Papa, please.."

Hindi ko tinitigilan ang pagyugyug sa balikat ni Papa. Papa, ano'ng nangyari?

"Sky!"

Napalingon ako kay Mama. Gulat na gulat ang anyo nya. Tumakbo sya kaagad papunta sa amin ni Papa. Kaagad nyang kinanlong ang ulo ni Papa.

"Sky, didn't I warned you not to touch anyone nor let anyone touch you? Kahit na ang Papa mo?"

"Mama.. I'm sorry. Sinave lang po ako ni Papa." Umiiyak kong sabi kay Mama. Niyakap naman ako ni Mama.

Nahulog kasi ang laruan kong batman na bigay ni Papa sa swimming pool. Pinilit ko itong abutin pero nahulog rin ako. Nakita ako ni Papa at sinagip nya ako. Pero bigla nalang syang nawalan ng malay nang makaahon sya.

"Uuunngg.."

"Papa!" Unti-unti nang dumilat ang mga mata ni Papa.

"Papa! I'm sorry Papa! I won't do it again!" Napahawak ako ng mahigpit sa basang damit ni Papa. Tumingin lang sya sa akin na parang nagtataka. Tapos tiningala nya si Mama.

"Sabrina..." Sambit nya sa pangalan ni Mama. Okay lang si Papa! Yehey!

"Papa.." Niyakap ko sya ng mahigpit. Alam kong katulad ng kanina, yayakapin din ako ng mahigpit ni Papa. Pero marahan nyang kinalas ang pagkakayakap ng mga braso ko sa kanya. Tinitingnan nya pa rin ako ng may pagtataka sa kanyang mga mata.

"Bakit po, Papa?" Kinakabahan na ako. Hinawakan ni Mama ang kaliwang balikat ko. Bakit tumutulo ang mga luha ni Mama? Umiling-iling sya sa akin. Ano ba'ng nangyayari? Napatingin uli ako kay Papa. Nakakunot na ang noo nya.

"Sino ka?"

A/N: Sana kaaya-aya sa inyong mga paningin itong kwento ko.

Comment po kayo. Salamat. :)

P.S.

THIS IS NOT EDITED NOR HAS IT BEEN SUBJECTED TO PROOFREADING. THIS ISRAW AND FULL OF MISTAKES IN THE TECHNICALITIES.

THE AUTHOR HAS NO PLANS OF EDITING THE NOVEL.

READ IT IF YOU WANT.

Will you remember My Name? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon