Memory 22

704 22 31
                                    

To my snow angel. XD. yuki_angel.

Yuki means snow. Hahaha. 

Enjoy reading! XD

===============================================

"Bestieee!!!"

Bahagya akong napalundag at nahulog ang isusubo ko na sanang slice ng apple nang biglang may dumamba sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Medyo napangiwi pa nga ako kasi naipit yung naka-cast na braso ko.

Nakita ko ang mga nakangiting mukha ng mga kabarkada ko sa dati kong school at kumaway sya sa mga ito bago niyakap din ng mahigpit si Colleen.

"Bestieeeee! Bruha ka! Kung hindi pa kami tinext ni Sky, hindi pa namin malalaman na na-ospital ka pala!" Napangisi na lang ako. Guilty eh! 

"Kamusta ka na, Ali?" Tanong sa akin ni Hanna na umupo sa paanan ng kama at sa kabilang gilid ng kama naman ay sina Barbie at Pauline. Sina Greg, Daryl, Jun at Rico naman ay nandun sa sofa at nakikpagkwentuhan kay Sky.

"Okay na ako. Okay na okay na." Sabi ko sa kanila ng nakangiti. Nakapout naman si Colleen. 

"Walking disaster ka talaga. Ang clumsy-clumsy mo."

"Wow, Cols, talagang gagaling kaagad si Ali sa sinabi mong yan." Sarcastic na sabi rito ni Barbie na binelatan lang naman ni Colleen.

"Kasalanan nya to no. Hindi sya nag-iingat. Akala nya walang mag-aalala sa kanya?" Nakasimangot si Colleen sa akin kaya napangiti na lang ako.

"Oo na. Kasalanan ko na. Don't worry. Hindi na ulit mangyayari yun." Bungisngis ko sa apat.

"Dapat lang!" Medyo napangiwi pa ako sa lakas ng pagsang-ayon ng apat pero pagkatapos nun ay sabay-sabay na rin silang nagtawanan.

"Uy! Ano'ng nangyari sa inyo dyan? Nabubuang na ba kayo?" Nakatingin na pala sa amin yung limang lalaki at puro nakakunot ang noo, maliban kay Sky na nakangiti sa akin.

"Wala ka nang pakialam dun, Rico."

"Oo nga!"

"Mind your own business."

"Hindi ka kasali rito."

At sabay-sabay kaming nagtawanan na ikinamangha na naman nung apat habang nakisabay sa pagtawa namin si Sky.

"Uy, pare! Sa amin ka dapat kumampi. Ba't nakikitawa ka sa kanila?" Tanong ni Rico kay Sky na nanlalaki pa ang mga mata.

"Pasensya na pare. Masaya lang ako kapag masaya si Alison. At dahil natatawa sya, eh di natatawa na rin ako." Parang baliw na sagot ni Sky kay Rico na bakas sa mukha na naguguluhan.

"Uyy!! Kayong dalawa ha! May something na kayo no? Aminin!" Kinikilig-kilig pang sabi ni Colleen na sinundan din naman ng iba ko pang mga kaibigan. Nangantyaw na sila ng nangantyaw. Blush na rin ako ng blush. Ngiti lang naman ng ngiti si Sky.

"Wow! Ano'ng meron?"

Nabaling ang atensyon naming lahat sa tatlong bagong dating. Sina Jin, Jay, at Tears na kararating lang galing sa St. Anthony's. At as usual, absent na naman ako. Tatlong araw na. Dinamayan din ako ni Sky. Sya kasi ang nagbabantay sa akin. Hindi maiwan ni Mama yung trabaho nya eh. Kaya sa umaga si Sky ang kasama ko.

"Jin, Jay, Tears. Mga kaibigan ko nga pala dun sa dati kong school. Sina Greg, Daryl, Rico, Jun, Barbie, Pauline, Hanna, at ang bestfriend ko, si Colleen. Guys, kapatid nga pala ni Sky, si Jin at ang boyfriend nya na si Jay. Si Tears naman pinsan nila." Pagpapakilala ko sa kanila. Nagkamustahan naman sila at ilang sandali pa ay nagresume ang pangangantyaw nila sa amin ni Sky, nang umupo si Sky sa gilid ng kama ko at inakbayan ako.

Will you remember My Name? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon