Memory 13

829 23 12
                                    

Alison's POV

Naghihikab ako habang naglalakad papuntang eskwelahan. Hanggang sa isang kanto lang kasi yung jeep na sinakyan ko. Wala naman kasing jeep na direkta ang biyahe papunta sa Saint Anthony's.

Pwera na lang kung magta-taxi ako. Eh wala naman ako'ng pera kaya nilalakad ko na lang. Dyahe nga eh, kasi umulan kaninang madaling araw kaya may mga tubig-ulan pa sa kalsada. Todo-iwas naman ako.

Ayoko ngang mabasa ang sapatos ko. Kakabili lang to ni Mama last month eh. Baka masira agad kapag nabasa.

Ayun, dahil sa todo-iwas ako sa tubig sa kalsada, hindi ko namalayan na may nakasunod pala sa aking sasakyan. Nung nasa gilid ako ng mala-mini pond na tubig-ulan, bigla na lang humarurut yung sasakyan palampas sa akin dahilan para matalsikan ako ng maraming tubig-ulan.

Splaaaaassshh!!

Napapikit na lang ako nang pati mukha ko ay mabasa. Shocks! Sino'ng demonyo yun?!

Ang matinis at mapanuyang tawa ni Fiona ang narinig ko nang magmulat ako habang pinupunasan ng panyo ang mukha ko. Nakatunghay sya sa akin mula sa loob ng sasakyan.

"O ano? Masarap ba ang paligo mo? Huwag ka nang magpasalamat sa akin. Free naman yan eh. Haha!" Maarte syang nag-wave sa akin bago pinasok ang ugly nyang face sa loob ng bintana at pinaharurut uli ang sasakyan. Pinakain nya naman ako ng usok! Leche flan! 

Huhu! Panu na to? Ang dungis-dungis ko na! Talo ko na ang taong grasa na palibut-libot sa kalye namin habang may hila-hilang sako ng mga basura! Hindi na ako pwedeng umuwi kasi male-late na ako! Waaaahhh!

Bahala na nga! Hmmp!

Sky's POV

Namumungay pa ang mga mata ko habang nagmamaneho ng sasakyan. Ewan ko ba't antok na antok ako ngayon! Siguro dahil umulan kaninang madaling-araw kaya medyo malamig at ang sarap itulog.

Napasobrahan pa nga ata ako eh! Kaya ayan, nanganganib ako ngayong ma-late. Hindi na nga ako nakapag-almusal eh. Dumaan na lang ako sa McDo at nagtake-out.

Ngumunguya nga ako ngayon ng french fries. Dahan-dahan lang ang pagpapatakbo ko sa sasakyan. Baka kasi may matalsikan ako ng tubig-ulan na nagkalat sa daan.

Dire-diretso lang ako sa pagda-drive nang may mapansin akong mukhang taong-grasa na lulugo-lugong naglalakad sa gilid ng daan. Hindi ko na sana papansinin kaso napansin kong parang uniform ng Saint Anthony's yung suot nya.

Kailan pa nagkaroon ng estudyanteng taong-grasa ang University?

Nilampasan ko sya pero tinignan ko ang mukha nya sa side mirror ng sasakyan ko. Baka kasi kilala ko. At bigla ko namang naapakan ang preno ng sasakyan ko!

Fvck! 

Hindi ko napigilang magmura! Ano'ng trip ng babaeng to? Inis na inatras ko ang kotse ko papunta sa kanya at agad na binuksan ang bintana.

"Ano'ng trip yan?" Sita ko sa kanya na nanlaki ang mata pagkakitang ako ang nasa loob ng sasakyan. "Nagswimming ka sa tubig-ulan nang hindi naka-bathing suit?" Naaasar ako sa kanya. At hindi ko alam kung bakit!

"E-eh, a-ano kasi eh..." Parang maiiyak sya na ewan habang sinusubukang punasan yung basa at nanlilimahid nyang uniform. "S-si Fiona kasi! Sya ang may gawa sa akin nito!!! Waaaaaahhhh!!!!"

Napapikit naman ako nang magsimula syang ngumawa. Aiisshh!! Ansakit talaga sa tenga!

Tinignan ko sya ng masama."Get in the car."

Napahinto naman sya sa pag-iyak ng marinig ang sinabi ko. "Huh?"

"Papasok ka sa kotse o papaliguan uli kita ng tubig-ulan?" Para namang takot na daga na mabilis pa sa alas kwatro na lumapit sya sa kotse. Bubuksan na sana niya ang pinto sa likod nang pigilan ko sya.

Will you remember My Name? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon