" Mae, Mae! Ayos ka lang?" yan ang salitang paulit-ulit kong naririnig.
"Ha?" yun lang ang tanging nasagot ko.
"Anu ka ba naman, lutang ka nanaman ba?" halatang inis talaga na sabi niya.
"Para akong nakikipag usap sa hangin, kanina pa ako nag sasalita dito😥 di naman masakit" lungkot lungkutan pang sabi niya.
"Ah, sorry?" naguguluhang sabi ko. "Hehe okay lang, jinojoke lang kita".
"Hehe ganun ba? Cr muna ako..." hindi ko na siya hinintay na sumagot, umalis na agad ako.
Pero hindi ko pala alam kung saan ang Cr, kaya tinanong ko nalang yung taong nakaupo sa bandang may hagdanan.
"Pwede magtanong?" tanong ko sa lalaki nakaupo nagbabasa habang naka cross legs.
"Nagtanong ka na, anu pa ba ang tanong mo?" sarcastic na sabi niya nang hindi man lang tumingin sa akin.
"Sorry, itatanong ko lang sana kong saan banda ang Cr?" hindi ko nalang pinansin ang tuno ng pananalita niya.
"In the next floor, pagkaakyat ng pagkaakyat mo, you will see the sign kung saan papunta ang Cr" sabi niya.
"Thank you" at umalis na din agad ako. Yun sinunod ko yung sinabi niya, nakita ko nga ang sign. Dumeretso na ako sa loob, kahit may nag ha-hi at hello sa akin wala akong pinansin kahit isa.
Umupo na ako sa cubicle. Ang gulo. "Where am I?" "How did I get here" bulong ko sa sarili. "And who are those people?" dagdag ko pa.
"Hindi kaya....... NAGKAAMNESIYA AKO!?" pasigaw pa na sabi ko at talagang napatayo pa ako. Impossible sabi ng isip ko, paanong nangyaring alam ko pa din ang pangalan ko.
Kailangan kong maliwanagan, sabi ko sa sarili! "Kaso sino naman ang tutulong sa akin?" wala sa sariling sabi ko.
Lumabas nalang ako ng Cr, pumunta sa sink at nag hilas. "Ang gulo!" nasabi ko nalang. "Anong magulo, Mae? Are you okay? narinig kasi kitang sumisigaw sa lo---" "I'm okay." hindi ko na siya pinatapos at nag smile nalang ako sa kanya at umalis.
Bumalik ako kung saan ako dumaan kanina, inaasahan kong makikita ko pa yung lalaking napagtanungan ko, kaso wala na siya pati yung upuan niya.
Dumeretso nalang ako sa classroom kung saan nakausap ko yung babaing alam ang pangalan ko.
Pagkapasok ko....
"You're late, Didn't you hear the bell!?" she said that while staring at me. "I'm sorry ma'am Annie, I forgot to tell you ma'am that Sir. Montes called her to his office."
"Is it true, Mae?" tanong niya sa akin. "Y-yes ma'am..." utal pang sabi ko.
"K. you can sit down." ma attitude pang sabi niya. At thank you nalang ang nasabi ko.
Pumunta at umupo ako sa inupuan ko kanina bago ako pumunta ng Cr. "Anu ka ba, ba't ang tagal mo?" bulong sa akin ng babae na pinagtakpan ako kung bakit ako na late.
"Nag Cr" maikling sagot ko. "Nag Cr? Talaga? Ikaw nag Cr?" at talagang nilapit niya pa ang mukha niya sa akin. "Oo" sabi ko.
"Mae, I know you. Hindi ka nag c-CR sa school. Kaya sabihin muna sa akin" dagdag niya pa.
"Anung sasabihin niya sayo, Jane?" tanong ni ma'am Annie teacher ata namin to sa General Mathematics dahil yun yung book na hawak niya habang may sinusulat sa board, nakataas ang isang kilay niya habang nakatingin sa babaing kausap ko, Jane ata ang pangalan.
"Wala po ma'am, tinanong ko lang po kung anu ang gusto niyang ulam mamayang tanghalian" palusot niya.
"Tsk, hindi mo nga naipasa ang short quiz kahapon, kain na agad iniisip mo!" at humarap ulit siya sa board at nagsusulat. "Hsahshsa" bungisngisan ng mga kaklase namin.
"Quite! Open your book and answer what I know in page 1-2, number 1-15 in one whole sheet of paper!."
"Yes ma'am!" sabay² naming sabi.
KAMU SEDANG MEMBACA
Me or The Other Me?
Misteri / ThrillerIn this life, you can not deny the fact na may mga opportunities na nakabukas para sayo pero ikaw mismo ang nagsasara nito. Why? Dahil ba, hindi ka pa ready? Or is it too much for you at iniisip mo na hindi mo deserve? Natatakot ka? NO. Panigurado h...
