"Berno!!! " natatawang sigaw ko pabalik. Inirapan niya muna ako bago umastang hahalikan ako sa labi. Siraulo.

"Hey." sabay na sabi nila Aiden, Thor at Zyren. O-kay???

"Don't kiss her. Even if you're gay I will punch you." banta ni Aiden na agad tinanguan ng dalawang lalake. Napatingin ako kay Genevieve ng humahikgik siya.

"They're so funny, haha." usal niya habang pinipigilan ang tumawa ng malakas.

"Ay, wow, may mga papabols ka pa lang kasama. At fyi ha?! Hindi ko naman hahalikan 'yan! Like, eww." nandidiri pang sabi nito. Aba, choosy.

"Ikaw pa ang nandiri ah? " nakangiwing usal ni Zyren. Natawa naman ako at inawat sila sa kanilang sagutan. Baka kung saan pa kami abutin nito.

Niyaya ko sila papasok sa aming bahay. Hindi naman ito masyadong malaki hindi rin naman sobrang liit. Tama lang para sa amin.

"Ma!" sigaw ko dahil wala sila sa sala. Si Papa baka nasa site.

"Ate?Ate!" bumaba mula sa hagdan ang mga kapatid ko saka ako mahigpit na niyakap. Ginantihan ko din sila ng yakap at hinalikan ang tuktok ng kanilang ulo.

"Ang baho nyo." biro ko. Sumimangot si Mara, ang sumunod sa akin. 12 years old na siya at 9 years old naman si David na bunso namin.

"Ate, sino sila?" tanong ni David at ngumuso sa likod ko.

"Mga... kaibigan?" alanganin kong sagot.

"Bakit 'di ka sure?" natatawang tanong ni Zyren.

"K-kaibigan ko daw sila, sabi nila." natawa na lang sila sa akin pero hindi na kumontra. Pinatuloy ko na sila saka pinaupo sa aming sala. Kasya naman sila 'don.

"Ma? Ma!" tawag ako ng tawag sa kusina pero walang sumasagot. "Mara, nasaan si Mama?!" sigaw ko mula sa kusina.

"Nag-grocery po yata." sagot naman nito.

"Buti na lang may stock pang tira." bulong ko ng silipin ko ang mga estante ng mga pagkain at de lata.

"Are you going to cook?" napatalon ako ng may magsalita mula sa aking likod.

"Putek ka, Genevieve! Maaga talaga ako mamamatay sa inyo, 'e." kasama niya ang kaniyang kapatid na magka-krus ang mga braso sa dibdib nito at nakatingin sa akin. Ngumiti siya kaya ngumiti ako pabalik. May pagka-weird talaga si Aiden. Tuwing titingin kasi ako sa kaniya lalo na sa mga mata niya ay nakikita ko ang kamatayan ko, charot.

Ang dami kasing sinasabi ng mata niya. Kahit hindi siya palaging nagsasalita tumingin ka lang sa mata niya ay magkakaintindihan na kayo.

"What are you going to cook ba?" pukaw muli ni Gen sa atensyon ko.

"Ano ba gusto nyo?"

"Can you cook adobo?" tumango ako at lumiwanag naman ang mukha nila. Ngayon lang ba sila nakakita ng marunong magluto ng adobo?

"Hindi pa ba kayo nakatikim 'non?" tanong ko habang hinahanda ang mga rekado.

"Before, when our little..." napatingin ako sa kaniya ng tumigil siya sa pagsasalita.

"Little?" kunot-noong tanong ko.

"When our little sister is still with us. W-we usually eat adobo because that's h-her favorite food. Tapos 'nung nawala siya nawalan na ng gana si Mommy magluto niyan. "

"Sorry." nilapitan namin siya ni Aiden para patahanin. Yumakap siya sa kaniyang kuya na hinahagod lamang ang kaniyang likod.

"I-im fine. Um, can I help you, Donna? I want to learn to cook adobo too." pilit siyang ngumiti. Hindi naman ako nagdalawang isip na patulungin siya. Kahit si Aiden ay nakisali na din sa amin kahit taga-halo lang siya.

Nang matapos kami magluto ay tinulungan rin nila ako maghain. Tinawag namin sila Zyren sa sala.

"Kain na tayo." aya ko sa kanila. Nangiti naman sila saka tumayo.

Papasok na sana kami sa kusina ng may mag-doorbell. Sinenyasan ko lang sila na mauna na tsaka ako dumeretso sa pinto.

"Teka!" nagmamadali kasi amputa.

"Sino ba---" naputol sa ere ang sasabihin ko ng bumungad sa akin ang langit! Literal na langit dahil wala namang tao! Shuta, baka na-engkanto na ako.

Isasara ko na sana ang pinto ng may humawak sa kamay ko.

"Putangina!" nakapikit kong sigaw. Dumilat lang ako ng makarinig ako ng halak-halakan. Nanlaki ang mata ko ng nakilala ko sila.

"Bakit nandito din kayo?!" gulat na usal ko.

"Bakit sila pwede, kami bawal?" nakangusong saad ni Perse. Kasama niya syempre ang kambal niya.

"H-hindi naman sa bawal kayo, gago. Ang sakin lang 'e paano nyo nalaman?!" naiinis pa rin ako dahil sa pananakot nila. Itong grupong talaga ang papatay sa akin, tangina.

"Genevieve texted him." baliwalang sabi ni Perse na ininguso ang kapatid niyang nakatingin lang sa akin. Nagulat pa ako ng bahagya itong ngumiti.

Idinampi ko sa noo niya ang likod ng palad ko. Agad namang siyang umiwas na parang may nakakahawang sakit ako.

"What?!" inis na tanong niya.

"Wala! Akala ko lang may sakit ka at nagbabait-baitan ka riyan! Tss, tara na pasok!" kunwaring galit na ani ko pero sa loob-loob ko ay masaya ako dahil magkakasama kami ngayon.

Endless Love (Amity Series #1) UNEDITEDUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum