kabanata 7

5 0 0
                                    

__Marco

Sinundot ko sa likod si marvin ng mag ring ang bell senyales na tapos na ang klase, para pa itong naalimpungatan ng humarap sakin, pumungay ang mata nito ng balingan ako

"Oh?" Walang ganang bati nito

"Gusto mo mananghalian?, Sabay na tayo" anyaya ko sakanya

"Inimbitahan ka ng girlfriend ko sabi nya gusto ka raw nya makilala" natigilan ito kapagkwan ay kumunot ang noo

"Nandito sya para sayo, anong gagawin ko dun?, Maging third wheel?" May sarkasmo sa boses nito

"Matagal-tagal na tayong magkasama marvin, come on dont be hesitant" sinundot ko sya ulit ng bumalik sya sa pagkakauklo

"Ayaw ko" sabi nito ng di ako nilingon

"Oh come on just this once" napipilitan itong humarap sakin "fine" bumuga ito ng hininga at nauna nang naglakad

__Marvin

Dinala ako ni marco sa isang restaurant kung saan nakita ko nanaman yung babaeng chinita na naghihintay sa isang table, kumaway pa ito samin pero kay marco lang naka focus ang pamingin nito

Ng makaupo kami ay agad na pinakilala ako ni marco sa kanyang kasintahan na hinagod pako ng tingin at tinanguan, she seems nice, she has a lovely smile . Ng dumating ang waitress ay agad na silang nag order, pinag abalahan pa nila akong tanungin kung ano ang gusto ko sa huli sinabi ko nalang na kahit ano, hindi ako sanay sa magarbong lugar na gaya nito sa halip mas gustuhin kopa na kumain sa stall ni auntie edna kaysa dito

Ng dumating ang order ay nagkatinginan pa kaming tatlo bago ilipat ang tingin sa isang bowl ng sabaw na maraming karne, kulay brown ang sauce nito na pinamulatian ng maraming coriander leaves sa itaas, para itong mamhalin at nahihiya akong umuna ng sandok kaya nagulat pako ng kuhanin ni marco ang isang cut ng malaking karne at ilipat sa plato ko gamit ang chopsticks

Napansin kong napatingin ang babaeng chinita sa kanyang ginawa kaya agad kong inagaw kay marco ang karne at ako na mismo ang naglagay sa plato ko "gusto ko non" sabi nung girlfriend nyang denise ang pangalan, nakatingin ito sa plato ko

"Ha?" Baling ni marco dito

"Gusto ko nun" ulit nito nakatingin parin sa plato ko, nabaling ang tingin ko doon at yung karne pala ang timignan nya kaya dali dali ko itong kinuha gamit ang chopsticks

"Heto" akma ko itong ililipat ng pigilan ako ni marco "sayo yan" inusog nya pabalik sakin yung chopstick

"Gusto nya to" turo ko sa karne

"Kahit na sayo parin yan kung kinakailangan mag order ako ay magagawa ko" Di ko sya pinansin at kinuha ulit yung karne at inilagay sa plato ng girlfriend nya

Takam na takam itong kumagat habang nakatingin sakin "thank you" she mouted at tinanguan ko lang sya

"Waiter one order of this please" malakas na tawag ni marco sa waiter na nakaantabay di kalayuan

"Sir magiging mahal po ang babayaran nyo dahil special po yun" Balewalang tumango lang si marco

"Uhm about marco in School did he had a girl-"

"Wala syang naging babae sa school" putol ko sasabihin ni denise

Natigilan ito sa pagnguya "how did you know that im going to ask you that question?"

"He had a girlfriend before" sabi ni marco,napatango tango itong napatingin sakin 

Lumabas na kami at Naunang lumakad si marco at nasa likuran sya kami ng girlfriend nya, inaayos ko yung soot ko ng biglang may kumalabit sakin sa likod at nakita ko ang nakasimangot na si denise "keep an eye for him" nginuso nya si marco

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: May 06, 2021 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Brotherly Affairs( ONGOING) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora