kabanata 2

9 1 0
                                    

__Marco

Inilabas ko yung ninakaw na papel kay marvin at binuklat, nakita ko yung mga sagot nya sa test kanina at napabilib ako, matalino nga sya dahil natapos lang nya ang gawain ng ilang oras samantalang ako ay iniisip kung ano ba yung tamang sagot sa ikalawang tanong

Kumuha ako ng papel at sinapawan yung saknaya para magaya ko yung penmanship nya, nasa kalagitnaan ako ng pagsusulat ng makarinig ako ng katok sa pinto

"Young master,pinapatawag ka ng iyong ama ,saluhan mo syang mag dinner" nawala na Yung mabigat na hakbang senyales na pumanaog na sya

Napabuntong hininga nalang ako bago iwan yung papel sa lamesa at nag ayos ng damit,pagbaba ko sa hapagkainan ay nandon si papa at isang babae ,nakatalikod sya sakin, maikli yung buhok at balingkinitan yung katawan

Ng makaharap ko sya ay medyo nagulat ako ng bahagya dahil nakilala ko sya , sya yung guro namin sa history ,nakangiti ito sakin ng matamis

Umupo lang ako at nagpanggap na walang nakita, nagsandok ako ng kanin at nagsimulang kumain, may idea na ako kung sino sya at kung magiging ano ko sya yet diko pinapahalata

Timikhim si dad pero diko sya tinignan " dont be stubborn marco, be nice to her"

"Why would i?" Singhal ko at binagsak yung kubyertos, narinig kong tumawa yung babae, napatakip pa sya ng kanyang bibig, napaunta ang atensyon namin ni dad sakanya

"Pareho kayo ng anak ko napaka stubborn" iling nito at bahagyang tumawa

"Why dont you invite him here bechoyda?" Suhistyon ni dad na agad kong tinutulan

"No!" Awat ko

"Yes we can invite him marco" pag didiin ni dad " he can live here if he wants too, after all were gonna be in the same family after bechoyda and i get married" sa sobrang inis ay napatayo ako, dumilim yung tingin ko kay bechoyda na may kaunting ngiti sa labi

"Kung patitirahin nyo sya dito pwes aalis ako" pinal na sabi ko at iniwan sila, nawalan nako ng gana ng makita ko yung babaeng yun

Ng makarating sa kwarto ay tinawagan ko si trace, nababadtrip talaga ako ng sobra, pagod na nilagak ko yung katawan ko sa kama habang may hawak na phone

Nakailang ring nako pero wala padin kaya tinigil ko nalang siguro natutulog nayon or nangbabae, napailing nalang ako

Bibalikan ko yung ginagawa ko kanina at nagpatuloy hanggang sa matapos nako, tinignan ko ulit yung phone ko baka mag message si trace pero wala kaya natulog nalang ako

__Marvin

Napagpasyahan kong isoot nalang yung basang underwear ko ng makita ko naman itong nahulog sa imbornal, binanlawan ko ito ng madaling araw at sinampay ,dipa sumisikat ang araw ay gising nako para tulungan si auntie edna sa kanyang mga gawain, sya ay isang street vendor na kumakayod mag isa, napalapit na yung loob ko sakanya dahil sya yung tumayong ikalawang magulang ko simula ng iwan ako ng aking ina

Tinulungan ko syang maghanda at mag set up ng table , umuuusok yung bibig nya sa lamig pero balewala lang sakanya yon, napansin ko yung nakapatong na mug sa gilid laman nyon ay kape dahil naamoy ko yung aroma mula sa kinatatayuan ko

Nagsimula nang dumating yung mga customer kaya pinatigil na nya ako para ako naman ang kanyang pagsilbihan, umurder ako ng isang platito ng ensaymada at isang basong tubig,kaunti lang yung lamesa ni auntie edna kaya yung iba ay naghihintay lang kung sino yung matapos, sikat ang mga tinitinda ni auntie edna kasi masarap syang magluto, maraming pumupuri sakanya kabilang na don si papa

Matapos mag agahan ay dumiretso nako sa school , agad kong iniuklo yung ulo ko para umidlip pero nagising ako ng makaramdam ng hapdi sa tyan, dipa nagsisimula ang klase at nagsidatingan pa yung ibang kaklase ko, nilingon ko yung seat ni drake pero wala pa sya

Brotherly Affairs( ONGOING) Where stories live. Discover now