kabanata 3

8 1 0
                                    

__Marco

Araw ng byernes at nagkaklase si maam tungkol sa science, todo paliwanang sya habang may itinuturo sa projector, nawala yung atensyon ko sakanya at nalipat kay marvin na umuuklo nanaman sa desk nya,nakita ko yung ilang  punit ng uniform nya na ginawa ko kahapon,lihim akong natawa

Nagpalipat lipat yung tingin ko kay maam at sa likod nyang maraming punit,muntik nakong sumabog sa tawa ng umayos sya upo at nakita yung ilang tapak sa siko nya, kulay itim yung ginamit na sinulid na madaling makita

Binuksan ko yung bag ko at nilabas yung sinulid at karayom, inihanda kona ito bago pako pumasok sa skwelahan, aakma ko itong ilalapit ng tumunog yung bell

Pumasok yung may katanddaang lalaki na maliit yung katawan,nagpakilala sya at sya yung magiging instructor namin sa pe,inutusan nya kaming lumabas at dalhin yung mga gamit namin

Sa malaking oval ng aming skwelahan ay nagtipon tipon kami at nakikinig sakanya, sinabihan nya kaming mag push up isa-isa tas una yung mga lalaki,tumawag sya ng mauuna at tinuro nya yung isang singkit na lalaki na naka eyeglass

Naka limang push up lang ito bago sinundan ng ilan, tinawag nya si marvin na agad namang nag push ups, naka sampo lang ito bago tumigil, parang walang nangyari na bumalik ito sa kanyang pwesto kanina at kalaunany tinawag nako, hinubad ko yung uniporme ko at basta balng yung binagay kay drake na nagulat pa pero tinagap nman sa huli

Nagsimula na silang magbilang nang magsimula nako,umabot ako ng 50 push ups at nakita kong napabilib sila sakin,hinanap ng mata ko ai marvin pero diko sya makita

Nilapitan ko si drake na agad namang binigay yung uniporme ko,pumasok na kami sa room pagkatapos non dahil dadating na yung next instructor namin, ng isusoot ko na sana yung uniporme ko ay nagtaka nako kung bakit diko masoot, tinignan ko yung collar at nakatahi yon ng mahigpit, nakarinig ako ng mahinang tawa aa unahan

"Hoy ilan yung tinahi mo dito?" Untag ko pero inismiran nya ako "kasing dami ng push ups mo" tumatawa ito ng mahina,ngayon ko lang sya nakitang tumawa at aaminin kong gumagwapo sya kapag nakalabas yung ngipin nya, pero nag mapansin nya yung titig ko agad nawala yung ngiti nya at tumalikod nalang,narinig ko pa yung bulong nya na "ulol"

Nilabas ko yung gunting ko at aalisin na yung mga tahi ng biglang pumasok yung guro namin sa math, natigilan ito ng makita akong nakasando lang sa room " Mr. Guiterez bawal ang ganyang kasootan sa loob ng classroom,magbihis ka" sabi nito at nagsimula ng mag turo

Ngunit kahit anong gawin ko ay di maalis yung tahi kaya wala akong nagawa na lumabas nalang,dumaan ako sa hallway at binuksan yung mga lumang locker nagbabasakaling may makita akong t-shirt or kahit desente man lang na kasootan

Nadaanan ko yung janitor na may bitbit na map at isang balde ng tubig,may nakapatong na maliit na puting towrl sa kanyang balikat, napagpasyahang kong lapitan sya "manong wala ba kayong extra na damit man lang?" Tanong ko, napatingin sakin yung janitor at parang namukhaan ako, nakita ko yung takot sa mata nya at dali-daling tumango, napabuntong hininga ako sa nakita ko

Dinala nya ako sa storage room at may kinuha sa gilid, isang puting shirt na malinis ang kanyang inabot sakin at agad na tumalikod, dina ko nakakuha pa ng pagkakataon na magpasalamat,agad akong umalis pagkatapos non

Pagbalik ko sa room ay nakasarado yung pinto,nakailang ikot nako sa knob pero wala parin,sinenyasan ko yung lalaking malapit sa pinto para pagbuksan ako pero maging sya di alam kung bakit nagkaganon yung pinto

Napakamot nalang ako sa ulo ko at sumilip sa loob, nagkklaklase si sir at parang di nya ako napansin,hinugot ko yung phone ko sa bulsa at tinawagan yung no na almost a year konang di Natawagan

Brotherly Affairs( ONGOING) Where stories live. Discover now