kabanata 4

6 1 0
                                    

__Marvin

Nang mag uwian ay diko magawang tumingin sakanya at agad na hinablot ko yung bag ko paaalis, diko na hinintay si drake na matapos,umalis nako pagkatapos

Madilim na ng akoy makalabas sa skwelahan,deretso yung tingin ko sa daan habang may malalim na iniisip, yung nangyari kanina yung pangugulo ni franco at yung pagpunta ni marco sa office at mga sugat nya sa labi, lahat yun diko malimutan

Nadaanan ko yung barbequehan sa gilid,meron pang mga bakanteng lamesa at Abala yung iba sa pagsisilbi sa mga dumarating na custumer, naisipan kong umupo at nag order ng ilang isaw at manok, umurder din ako ng tatlong bote ng sujo. Mabilis na dumating yung inorder ko at agad ko yung nilantakan,tinungga ko yung isang bote ng sujo habang kumakain, nagulat pako ng may umupo sa kaharap kong bakanteng upuan, si marco yun, nilagay nya yung bag nya sa gilid

"Anong ginagawa mo dito?" Diko sya tinignan at pinagpatuloy yung pagkain

"Kakain" tipid na sabi nito at inagaw sakin yung kinakain kong barbecue na dipa nauubos

"Bat yung sakin mo yung kinuha, marami naman jan" kumuha ulit ako ng isa at nilantakan ng agawin nya naman ito

"Sinusundan moba ako?" Deretsang Sabi ko na ikinatigil nya sa pagnguya

"Paano kung oo" parang balewalang sabi nito at kinuha yung nabuksan kong bote ng sujo

Napailing iling nalang ako at di nagsalita kapagkwan ay napunta yung tingin ko sa uniform nyang may bahid ng dugo sa collar, napatigil sya sa pagkain ng mapansing napatingin ako don

Agad kong hinubad yung uniporme ko at binigay sakanya "oh kunin mo" agad nya naman itong kinuha, hinubad nya din yung sakanya at nilagay sa lamesa para sootin yung sakin

Kinuha ko yung sakanya at ako ang nagsoot non " ako ang may kasalanan Kaya ako na maglalaba nito" tumango lang ito at di nagsalita

__Marco

Nakailang bote na ng sujo si marvin at nagkulay pula na yung mukha nya pero kahit ganon ay nababakasan parin ng malamig na aura ang paligid nya, magulo na yung buhok nya ng kunin nya yung paghuling bote ng sujo ng pigilan ko sya

Tumayo nako at Inakay ko na sya, nilagay ko sa balikat ko yung kamay nya at tumingin saglit sa tindero na agad na humarang samin ng papaalis na sana kami, sinabi nitong magbayad Muna kami kaya dumukot ako ng isang libo sa pitaka ko at umalis na kami, dikona pinansin yung tawag ng tindero at sinabi nalang na "keep the change"

Natandaan ko pa kung nasaan ang bahay nila kaya tinunton kona yung daan papaunta don pero habang papunta pa kami don ay di mapermi si marvin at panay kapit sa collar ko nang mahigpit, ako yung nahihirapan saming dalawa kaya nilagay ko sya sa likod ko

Alas nuebe na ng tignan ko yung orasan sa cellphone ko, kaya mindali kona yung pagalalakad, sumasakit na yung likod ko kakabuhat sakanya. Nakarating ako sa lumang gate na kinakalawang at binuksan yun kung saan naabutan ko yung papa nyang naghihintay sa labas at nang makita nya kami ay agad nya kaming sinalubong

"Ano bang nagyari?" Kinuha nya si marvin sa likod ko at sya ang umakay dito, hinubad ko yung jacket ko at ibinigay sakanya na agad nyang tinanggap " nalasing po sya" tipid na sabi ko " ikaw ba kaklase nya?"  Tumango lang ako ng nagpasalamat sya, aalis na dapat ako ng imbitahan nya akong pumasok

Tatanggi pa sana ako hinila nya ako papasok, wala na akong nagawa don, nilagak nya si marvin sa maliit nilang sofa, nakakalat yung ibat ibang wires sa paligid na di ko alam kung para saan "ikukuha ko muna sya ng maligamgam na tubig" paalam nito at umalis, napatingin ako kay marvin na nagkulay pula yung mukha, maghigpit na nakatikom yung bibig nya

Brotherly Affairs( ONGOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon