kabanata 1

19 1 0
                                    

__Marco

"kailangan mong lumipat ng school marco" Sabi ng butler ng papa ko na si noel, naka formal ito sa soot na polo at slacks,makintab din Ang soot nitong sapatos na itim

"No" maikling sambit ko at humikab, pasado alas syete pa mg umaga ng akoy kanyang ginising para sa bagong pasukan, diko kailanman na ginusto na lumipat mg bagong paaralan dahil nagsasayang lang iyon ng oras

"Pinapasabi ni general na sa ayaw at gusto mo ay papasok ka young master, naihanda kona yung mga gamit mo para-" naputol yung sinasabi nya ng tumayo ako at iniwan sya, pumunta ako sa kwarto ko at kinuha yung phone ko na bagong bili ko kahapon, yung girlfriend ko na pangit madaling mapikon nakasanayan na namin na magbasag ng telephono kapag kami ay nag aaway.

Tinawagan ko si trace yung babaero kong kaibigan na walang inintindi kundi puro babae pero kahit ganon magkasundo kami sa ibang bagay

"Balita dude?" Bungad nito sa tawag ko, napantastikuhan akong tumingin sa pinto ng marinig ang katok ni noel na tinatawag ako sa labas

"Dad wants to transfer me to another school " amin ko at tinapunan ng tingin yung mga gamit na nakalatag sa kama, nandon yung polo na may halong navy blue at white at pares na slacks sa ibaba

Nakahanda na din yung bag na may laman na notebook at ibang kagamitan na maayos na nakapatong sa gilid

" San yan dude para mabisita ka namin ni aldrin" tukoy nito sa isa naming kaibigan

"Sa San louis yata" di ako sigurado kung tama ba yung nabangit ko pero sa pagkakarinig ko kay dad ay parang yun nga

" Tatagal ka kaya don" may pagbibiro yung tono nya na binuntunan ng mahinang tawa

" Ewan ko" Kibit balikat ko at kinuha yung towel para maligo, nagpaalam nako kay trace para maligo at maghanda para sa pasukan

Ng matapos nako ay binuksan ko yung pinto at nakita si noel na naghihintay sakin, agad nitong kinuha yung bag ko at giniya papunta sa labas, nadaanan ko si dad na nagbabasa ng dyaryo at nagkakape, tumigil ako sandali

" Did you have your breakfast?" Di man lang nya ako tinignan habang busy sya sa kakatingin sa dyaryo

"Yes dad, i gotta go " paalam ko at umalis, sumakay nako sa sasakyan at nagpahatid sa skwelahan

Sa class 27-A ako naka assign at medyo nawala ako kasi maraming floor yung skwelahan na pinapasukan ko, nandon sa first floor yung map at diko kabisado yung lugar

Sa paghahanap ko ay nabangga ko yung lalaking naka back pack na wala sa direksyon ang tingin, medyo gumiwang ako at muntik ng matumba buti nga lang napasadal lang sa locker sa gilid

Umahon yung galit sa loob ko ,ni kahit sino walang naglakas ba bangain ako, isa syang tanga na maputla na tulala na tumungin sakin ng walang buhay, nakasuksok sa magkabila nyang bulsa yung kamay nya

Akma nya akong lalampasan ng hinigit ko sya at sinandal sa locker, di man lang nagbago yung ekspresyon nya ,nanatili paring walang buhay na parang nakatingin sa walang kwentang bagay

Hinigit ko yung kwelyo nya at diniin sya lalo sa locker, nanginig yung magkabilang kamay ko habang hawak hawak ko sya

"Sino ka para bangain ako!" Angil ko, halos magdikit yung noo namin sa lapit at wala akong pakialam

Walang buhay nya akong tunapunan ng tingin at marahas na inalis yung kamay ko sa kwelyo nya at umalis

Napasabunot ako sa aking buhok at galit na inayos yung bag ko dumulas sa siko ko, sa matagal kong pagahanap ng walang tulong ng iba ay nahanap ko rin yung class ko yun nga lang pagsilip ko nag start na pala, nakatalikod yung guro at may sinusulat sa pisara kaya kinuha ko yung pagkakataon para umupo sa bakanteng upuan sa likod

Brotherly Affairs( ONGOING) Where stories live. Discover now