CHAPTER 20

116 9 0
                                    

Hindi ko alam kung gaano katagal na ba kami nakatitig sa isa't isa. Hinihintay nya siguro akong sumagot kaya lang hindi ko naman alam kung ano ba ang dapat kong sabihin sa kanya.

Saka kasi bakit ayaw nya pang diretsuhin ang sasabihin nya sa akin. Gusto ko lang naman kasi ng kumpirmasyon dahil higit sa lahat ayokong mag-assume.

Kanina pa walang umiimik sa 'min kaya naman ako na ang bumasag sa katahimikan.

"Alam mo Tan, kahit kailan ang corny mo. Kung ako sayo, umuwi na lang tayo--"

"Wait lang, Vrielle. Sorry kung ang corny ko, oo ang corny ko nga talaga inaamin ko. Pero kasi, ang hirap sabihin ng gusto kong sabihin sayo." Ako na yata talaga ang maintin ang ulo dahil mauubos na pasensya ko sa kakaintay sa kanya.

"Vrielle ano.. uh--"

"Yung kilala kong Tan, hindi nahihiya sakin saka kung ano man 'yang sasabihin mo, hindi naman kita huhusgahan. Katulad nalang kung aamin ka pa lang bakla ka di ba? Susuportahan kita 'no, kasi mukhang masayang magkaroon ng baklang kaibigan. Saka dahil magkaibigan tayo, tatanggapin ko kung ano ka man." Sinusubukan ko lang namang pagaanin ang atmosphere pero hindi ko man lang sya nakitang ngumiti.

"Pero hindi ganun yung sitwasyon, alam kong may hinala ka na sa kung anong aaminin ko. Kaya lang natatakot akong sumugal, Vrielle. Paano kung layuan mo ako? Paano kung masira yung pagkakaibigan natin?" Napatitig nalang ako sa kanya. Wala na ang Tan na nakangiti pa kanina sa stage habang kumakanta.

Kung hindi nya masabi, bakit hindi nalang ako ang magtanong sa kanya ng diretso?

"Tan, may gusto ka ba sa kin?" Hindi naman sya nagulat sa tanong ko. Nginitian nya ako bago nya sagutin ang tanong kong matagal ng bumabagabag sa isipan ko.

"Yung totoo, hindi ko alam. Sa tingin ko kasi... mas higit pa roon. Sa tuwing kasama kita, hindi ko mapaliwanag yung sayang nararamdaman ko. Kapag kasama mo yung lalaking gusto mo, gusto kong magalit pero wala naman akong karapatan. Nung hinalikan mo ako, halos mabaliw ako dahil sa ginawa mo. Simula pa lang nung makilala kita, Vrielle, ginulo mo na ang isipan ko at ngayon naman pati ang puso ko." Nablanko ang utak ko. Ang bibig ko hindi ko man lang maibuka dahil walang kahit anong salita ang lumalabas.

Ang tanging alam ko lang ay gumaan ang pakiramdam ko sa mga sinabi nya dahil ngayon hindi ko na kailangang mag-assume pa.

"So Vrielle, will you marry me?" Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi nya.

Bigla naman syang tumawa ng malakas.

"Charot lang yun haha. Sa future pa yung tanong na yun eh. Ang gusto ko talagang itanong ay kung pwede ba akong manligaw?" Sa hindi malamang dahilan ay napangiti lang ako.

"Bakit hindi natin subukan diba? Wala namang mawawala eh." Sagot ko sa kanya. Kilala ko naman sya at may tiwala ako sa kanya.

"Talaga? Pumapayag ka?! Ibig sabihin ba niyan mutual ang feelings natin sa isa't isa?" Teka anong sinasabi nya?!

"Ha? Ano?"

"Gusto mo rin ba ako, Vrielle?" Aba, ang confident nya talaga. Ganun na ba agad ang ibig sabihin nun dahil lang sa pinayagan ko sya?!

"Hindi 'no!" Sigaw ko sa kanya. Bumagsak naman ang mukha nya.

"Ang sakit mo magsalita, alam mo ba yun? Alam mo namang gusto kita eh." Nagmake-face nalang ako.

"Eh ano namang gagawin ko kung gusto mo ko?" Pabalang na sagot ko sa kanya.

"Ah wala, sabi ko nga share ko lang." Natawa nalang ako.

"Teka lang, pwede bang wag na muna tayong umuwi?" Muli akong napatingin sa kanya.

"Bakit?"

"Ang aga pa kaya. Ano bang gusto mong gawin natin, babe?" Napairap tuloy ako. Ayan na naman sya sa tawag nyang ganyan!

My Crush is a Mama's BoyWhere stories live. Discover now