CHAPTER 5

230 19 0
                                    


In-advice nung nurse na magpahinga raw muna ako bago ako umuwi. Habang nakaupo ako ay may narinig akong pumasok.

Posible kayang binalikan ako ni Chandler?! Kinabahan naman ako at inayos ko pa ang gulo gulo kong buhok mula sa pagkakahiga ko kanina. Sinubukan ko pang ngumiti hanggang sa pumasok na sya.

Bumagsak ang mukha ko nang hindi sya ang makita ko.

"Bakit ka ba kasi tumatakbo? Ayan tuloy nadapa ka." Napairap tuloy ako. Sya naman kasi ang may kasalanan nito eh hinahabol nya ako.

"Ba't mo kasi ako hinahabol?"

"Ba't mo rin ako tinatakbuhan?" Tanong naman nya. Napalunok tuloy ako. Sasabihin ko ba.

"Eh bakit mo ba kasi ako sasabayang umuwi ha?! Hindi naman tayo close eh." Napapikit naman sya at parang naiinis ang itsura nya.

"Hindi ba ako pwedeng makipagclose? Sige alis na lang ako, tutal lahat naman ng tao ayaw sa kin." Paglabas nya ay parang na-guilty ako. Hindi naman sa ayaw pero kasi ang kulit nya.

Pinilit kong maglakad at hinabol sya.

"Wait! Uy! Saglit lang sabi eh!" Tumigil na ako nang seryoso nya akong lingunin.

"Ba't mo ko hinabol? Alam mo namang hirap na hirap ka ngang maglakad tapos hinabol mo pa ko." Inis nyang saad.

"Wag kang feeling dahil hinabol kita ah. May gusto lang akong sabihin.. Hindi naman sa ayaw kitang maging close pero kasi syempre may alinlangan sa akin dahil ngayon lang naman tayo nagkakilala saka kasi ano..." hindi ko alam kung pati ba yung sinabi ni Shayie ay sasabihin ko.

Mapait syang tumawa.

"Parang alam ko na yang sasabihin mo.. Dahil ba yan sa bali-balitang isa akong f***boy? Tss." Nakagat ko tuloy ang labi ko. Hindi ko alam ang mararamdaman ko pero ang tanging alam ko lang ay naging malungkot ako dahil sa sinabi nya. Parang tinamaan ako roon kasi pati ako naniwala doon diba?

"B-bakit hindi ba totoo yun?" Lakas loob na tanong ko. Nag-iwas sya ng tingin.

"Kahit naman sabihin ko ang totoo wala namang maniniwala--"

"Ako! Kaya nga kita tinatanong eh kasi gusto ko munang malaman bago makipagclose." Nagshrug lang sya.

"Ano ba! Makikinig ako dali! Promise, di kita ija-judge!" Tumingin muna sya sa taas at tila pinag-isipan ang sinabi ko.

"Umupo ka muna." Kinuha nya ang isang silya roon at inalalayan nya akong makaupo doon.

"Short story lang naman 'to, wag kang mag-alala para di ka ma-bored. Nag-umpisa lahat yun nung makulong yung tatay kong ang kaso ay rape. Sabi ng iba, like father like son daw kaya lahat ng tao nilalayuan ako. Isa pa, may mga nagkakagusto sa aking mga babae tapos kapag ni-reject ko sasabihin nila sa iba na katawan lang daw ang habol ko sa kanila. Grabe, ayoko sanang magalit pero ang kakapal. Ni hindi ko nga man lang sila tinignan tapos maririnig ko nalang sa iba na naikama ko na raw sila sabay tapos na kanila na parang basura." Bakit ba may mga judgemental talagang mga tao? Saka isa pa, hindi rin nya ginusto na ganun ang tatay nya. Hindi kasalanan ng anak ang kasalanan ng magulang no.

Hindi ko alam ang mga tamang salita para mapagaan ang loob nya. Kita ko sa mga mata nya ang lungkot at pagiging mag-isa. Hindi ko namalayang naiiyak na pala ako.

"Oh? Uy! Bakit ka umiiyak? Baka akalain ng iba na ako na naman ang may kagagawan nyan!" Pag siguro sa akin nangyari iyong sinabi nya baka di ko kayanin.

My Crush is a Mama's BoyWhere stories live. Discover now