CHAPTER 13

128 9 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

Dilat ang mga mata ni Tan habang nakadikit sa mga labi nya ang mga labi ni Vrielle.

Limang segundo. At lumayo rin si Vrielle ngunit hindi ito umalis sa pagkakaupo sa binata.

"Anong lasa?" Tanong nito kay Tan. Napangisi nalang sya.

"Paano ko malalasahan kung hindi ko naman natikman?" Sagot nito na syang ikinakunot ng noo ng dalaga.

"Anong sinasabi mo--"

"Ganito humalik." Hindi na natiis pa ni Tan ang sarili at sya na ang gumawa nun kay Vrielle. Hindi rin sya marunong dahil si Vrielle palang naman ang first kiss nya pero susubukan nya.

Iginalaw nya ang mga labi nya at napapikit naman ang mga mata ni Vrielle dahil sa kakaiba nyang naramdaman sa ginagawang paghalik ng binata.

'Ganito pala yun?' Sabi nya sa isip nya.

Kung kanina ay dinadama nya lang ang ginagawa ni Tan, maya-maya ay sinubukan nyang tugunin ito. Parehas nilang nagustuhan ang ginagawa nila at ni sinuman ay ayaw tumigil.

Isinabit ni Vrielle ang mga kamay nya sa batok ng binata habang ang isang kamay ni Tan ay nasa baywang nya at ang isa'y nasa leeg nya.

Hindi mawari ni Vrielle ang sensasyon na ngayon nya lang naramdaman, ngunit para sa kanya parang nakakaadik. Kaya pala maraming gumagawa nito dahil masarap pala sa pakiramdam.

Natigil lang sila ng maubusan sila ng hininga.

Natampal naman ni Tan ang sariling noo ng ma-realize nya kung ano ang ginawa nya. Sinisisi nya ang sarili nya dahil hindi nya nagawang mapigil ang nararamdaman. Sana lang din ay hindi nalang sila nag-inom para hindi nangyari ang nangyari.

Iniisip nya kung anong mangyayari kinabukasan? Kung magagalit ba sa kanya si Vrielle o hindi na ba sya papansinin nito ng dahil sa nangyari?

Agad syang napatingin kay Vrielle na kanina pa pala nakatingin sa kanya.

"V-vrielle, I'm sorry kung hindi ko na-control yung sarili ko. Pangako, hindi na mauulit saka ayos lang sakin kung lumayo ka sakin after nito dahil kasalanan ko naman talaga--"

"Bakit ka naman nagso-sorry dyan? Ginusto ko naman to eh! Saka thank you ah, may bago na naman akong experience saka di ako galit, ok? Wait, pwede bang isa pa?" Nagpuppy eyes pa ito pero hindi na muling nagpadala pa sa tukso ang binata.

"Aish, halika na nga uuwi na talaga tayo!"

VRIELLE'S POV

O to the M to the G! H-hinalikan ko ba talaga sya?! Waaaahhh sana panaginip lang yun.

Grabe ang sakit tuloy ng ulo ko! Another hangover na naman. Wait, paano ko kakausapin ngayon nyan si Tan? Nahihiya ako sa kanya baka mamaya isipin nyang isa akong pakawalang babae.

Anong dapat kong gawin?! Pero paano pag di naman nya naalala diba? Edi kikilos nalang ako na parang walang nangyari. Yun! Ganun nga!

Nag-ayos muna ako ng sarili ko saka lumabas ng kwarto. Umaga na ah, nasaan sina Mama? Di ba sila umuwi--

Agad akong nakaramdam ng kaba ng magtama ang mga mata namin ni Tan.

"N-nasaan pala sila?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ka ba nila tinext? Hindi yata sila umuwi kagabi." Tumango tango lang ako. Pinakiramdaman ko sya at sa tingin ko wala syang naalala sa nangyari kasi diba dapat kinulit nya na ako or iniwasan na?

"Tan." Pagtawag ko pa sa kanya. Nilingon nya naman ako.

"May naalala ka ba kagabi?" Seryosong tanong ko sa kanya. Kumunot lang ang noo nya sa sinabi ko.

My Crush is a Mama's BoyOnde histórias criam vida. Descubra agora