CHAPTER 10

145 11 1
                                    

Nakakainip sa bahay na mag-isa kaya naman natuwa ako ng makatanggap ako ng message mula kay Shayie at inaaya nya akong lumabas.

Pero bakit bigla naman syang nag-aya? Dati kaya puro si Sword ang lagi nyang kasama. Na-miss ba nya ako?

Nang marating ko ang sinabi nyang pagkikitaan namin ay iba ang awra nya. Bagsak ang mukha nya.

"Shayie, may problema ba?" Biglang nawala ang tampo ko sa kanya ng makita sya. Nalulungkot din tuloy ako dahil malungkot sya.

"V-vrielle, hiwalay na kami ni Sword." Hindi na ako nagtanong pa at hinayaan ko nalang sya na ilabas ang mga hinanakit nya.

Bakit naman kaya? Gusto kong magtanong pero hihintayin ko nalang na sya ang magsabi nun. Ayoko naman syang pilitin na sabihin ang dahilan.

Parang dati ay nakausap ko pa si Sword at kitang kita ko na gusto nya ang kaibigan ko. Pero bakit ganito? Bakit nya sinaktan si Shayie?

"W-wag na wag kang tutulad sa kin kung ayaw mo ring masaktan ah. Natatakot tuloy ako para sayo, Vrielle.. dahil kaibigan ni Sword si Chandler. What if saktan ka rin nya? Kasi diba birds of the same feather, flocks together?" Para akong kinabahan sa sinabi nya. Pero wala naman akong dapat pangambahan, wala namang kami ni Chandler. Pero may point din sya, dahil nasaktan na nga ako ni Chandler kahit na hindi pa kami.

"Hindi ko hahayaang saktan nya ako, Shayie. Wag kang mag-alala. Saka wait lang ah, o-order lang ako ng makakain natin." Iniwan ko muna sya at agad akong nagpunta sa counter.

Parehas namang nanlaki ang mga mata naming dalawa ni Tan ng makita namin ang isa't isa.

Dito pala sya nagtatrabaho.

"Gabi na ah, bakit nasa labas ka pa?" Tanong nya. Napaisip naman ako, concern ba sya? Pero pag ako naman itong concern sa kanya, nagagalit sya.

"Ano naman sayo?" Mataray na sagot ko sa kanya.

"Oo nga naman." Sarkastiko syang tumawa at kinuha nya na ang order ko.

***

"Thank you and enjoy your order, Ma'am." Ni walang buhay nya akong binati. At ramdam ko ang lamig ng pakikitungo nya. Tss. Ano na naman bang problema nya? Ang moody nya eh. Diko na sya maintindihan.

Kumain kami ni Shayie ng tahimik at hindi na talaga sya umimik. Tulala lang syang kumain habang halatang pinipigilan ang pagtulo ng mga luha nya.

Bakit ganun makita ko palang na ganito ang kaibigan ko nasasaktan na ako? Paano kaya kapag ako ang nasa sitwasyon nya? Bigla akong nakaramdam ng kaba sa dibdib ko.

Hindi naman siguro to mangyayari sa amin ni Chandler diba?

"Vrielle, samahan mo akong mag-inom." Yakag sa akin ni Shayie matapos naming kumain.

"Shayie naman, hindi naman tayo umiinom ah saka hindi mo madadaan sa inom ang pinagdadaanan mo." Sagot ko sa kanya.

"Pero di ba bestfriend mo ko? Kaya dapat suportahan mo ako. Samahan mo na ako please..." ilang beses pa nya akong pinilit at wala na akong nagawa kundi ang pumayag sa kanya.

"Pero konti lang ha. Saka ako, hindi ako magpapalasing dahil ako ang mag-uuwi sayo." Tipid syang ngumiti at tumango.

"Yes ma'am! Tara na, Vrielle. Alam mo nae-excite ako, kasi first time ko to eh!" Bigla naman syang sumigla pero halata ko namang pinipilit lang nyang ngumiti sa harapan ko.

***

"Amp! Ang pait pala nito saka gumuguhit sa lalamunan! I-try mo rin, Vrielle." Sya naman kasi ang may gusto nito tapos ay idadamay pa ako.

My Crush is a Mama's BoyWhere stories live. Discover now