CHAPTER 18

115 8 0
                                    

"May gusto akong sabihin, tungkol kay Tan." Ano naman kaya yun? Saka dapat bang malaman ko ang kung ano man 'yang sasabihin nya?

"Ay wait lang pala 'sis, I'll just confirm sayo na I don't have any intention na agawin sayo si Tan ha. Di ko type yun, kaya sayong sayo na. Para ko ng kuya yun eh, I'm just fifteen lang kaya." Bakit ba nya sinasabi 'to? Saka hindi nga fifteen lang sya?! Eh mas matangkad pa sya sakin at higit sa lahat nangingibabaw ang ganda at ka-sexy-han nya. Para rin syang chinese at anak mayaman.

In short, walang wala ako sa kanya.

Teka nga, kung fifteen lang sya paano sya nakapasok sa mga part time? Tinatanggap na na ngayon ang wala pa sa legal age?

"You know, mukhang marami kang gustong malaman sa kin but ako muna ang may itatanong sayo." Ano naman? Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kaba sa itatanong nya.

"Do you have feelings for Tan ba?" Nagulat naman ako.

"Ha?! Ano?!" Hindi ko tuloy sinasadyang mapasigaw.

"Ahh, I think you still haven't figured it out." Ano bang sinasabi nya?

"M-mali ka. Wala akong gusto sa kanya--"

"But when I looked at you kanina nung sinabi ko sayo na boyfriend ko sya, you look affected and hurt! And now nalaman ko na indenial ka pa pala sa feelings mo teh!" No. Mali talaga sya ng akala, para syang si Chandler. Oo, malapit kami ni Tan, pero magkaibigan lang kami. Wala akong feelings para sa kanya.

"H-hindi, wag mo ngang ipilit 'yang sinasabi mo, dahil hindi mo naman ako kilala." Iritang sagot ko sa kanya pero ngumiti lang sya at parang hindi man lang naapektuhan sa sinabi ko.

"Alam mo, ikaw ang swerte mo dahil walang kahit anong conflict ang love story nyo ni Tan. Walang kontrabida at walang hadlang." Ang kulit talaga ng babaeng 'to, pinipilit nyang may something sa amin ni Tan kahit na wala naman talaga. Pero nang tignan ko sya, kita ko na may lungkot sa mga mata nya kahit na nakangiti sya. Para syang si Tan nung una ko syang makilala. Ang galing nilang magtago ng nararamdaman nila.

"May ikukwento lang ako sayo cause I don't want you to regret in the end, Vrielle." Parang mas matanda pa syang magsalita kaysa sa akin kahit na ako talaga ang mas matanda sa kanya.

"I liked a guy before, but he never knew about me. I fell in love with him kahit na pinagmamasdan ko lang sya sa malayo. Then I asked myself, if aamin na ba ako sa kanya or what. But I decided not to cause baka mapahiya lang ako, but mas may malala pang naging conflict sa dream love story ko. We were arranged marriage to each other, selfish man kung selfish ako but I was happy that time cause nakiki-ayon sa akin ang tadhana but then kabaligtaran sya nun kasi nagalit sya. Pati sa akin nagalit sya kahit na hindi pa naman nya ako kilala. May mahal syang iba kaya masakit yun para sa kanya na ikasal ako sa kanya which is mas masakit sa akin dahil hindi nya ako kayang mahalin pabalik." Kaya pala malungkot sya. Kung ako sya, baka hindi ko kayanin ang sakit na yun.

"Oh sorry, Vrielle.. naging drama na tuloy ang genre ng kwentuhan natin haha! By the way, balik na tayo sayo. Did you get my point? Ayokong magsisi ka sa huli kaya ngayon palang you should make a move too!" Napahinga nalang ako ng malalim, may point sya oo pero wala nga akong gusto kay Tan!

"Ano ba talagang gusto mo?" Diretsong tanong ko sa kanya. Kasi hindi parin naman nya sinasabi ang tunay na dahilan kung bakit nya ako kinausap.

"Gusto kong pigilan mo si Tan na pasukin ang buhay showbiz. Sa tingin ko hindi pa nya nasasabi sayo na, na-offer-an sya ng isang entertainment kung gusto nya raw mag-artista. Nung una ayaw nya talaga but then ngayon nagdadalawang-isip na sya kasi malaki ang kikitain nya--"

My Crush is a Mama's BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon