CHAPTER 11

133 11 1
                                    

Ay ang grabe naman sobrang sakit ng ulo ko. Ah! Di na talaga ako iinom next time. Kamusta na kaya si Shayie? Mai-text nga sya.

"Nak, ayos ka na ba? Kung gusto mo wag ka munang pumasok." Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi ni Mama. Anong ibig sabihin nun? Alam nila?

"Ok lang naman yun, Vrielle. Malaki ka naman na at saka sinabi naman ni Tan na kasama mo raw ang mga kaibigan mo. Mabuti nalang at kasama mo sya kaya nakauwi ka ng ligtas." S-sya ang nag-uwi sa akin kagabi? Luh eh diba nasa work sya nung mga oras na yun? Paano nya nalaman kung saan ako pumunta?

Eh hayaan na nga. Magte-thank you nalang siguro ako mamaya. Sana nama'y wala akong ginawang kung ano kagabi. Diko naman siguro sya nasukahan no? Ay bahala na nga.

Buong araw ay humilata lang ako sa kama dahil hindi ko talaga kayang gumalaw dahil super sakit ng ulo ko. Pinakain ako ni Mama ng soup pang alis daw ng hangover.

Maya-maya ay lumabas din ako ng kwarto ko sa pagbabaka-sakaling makita si Tan. Nasaan kaya yun? Baka pumasok siguro.

"Hinahanap mo si Tan, 'nak?" Tanong sa akin ni Papa. Tumango naman ako.

"Hindi pa nga umuuwi mula nung ihatid ka eh, nag-aalala na kami sa batang yun." Napaisip naman ako saan naman kaya sya nagpunta? Sa trabaho? Hmm.. siguro.

Puntahan ko kaya sya doon sa may fast food chain?

"Ma, Pa! Alis po muna ko!" Paalam ko at agad na tumakbo palabas ng bahay.

Habang naglalakad ako papunta sa pinagtatrabahuhan ni Tan ay nakasalubong ko sa daan ni Sword at nagtama ang mga tingin namin. Hindi ko naman alam kung babatiin ko pa sya.

Ngumiti sya pero hindi ko sya pinansin. Alam ko wala kaming problema sa isa't isa pero sinaktan lang naman nya ang kaibigan ko at sinaktan ako ng kaibigan nya.

Muli ko na naman tuloy nakita ang senaryong may kahalikan si Chandler na lalaki sa isipan ko. Agad ko namang iwinasiwas iyon sa isip ko. Pero kasi hanggang ngayon, hindi ko maisip kung bakit nya ginawa yun? Bored sya? Or dare ba sa kanyang humalik ng lalaki o ano? Bakla ba sya? At trip lang talaga nya ako.

Pero napagtanto kong wala namang kami at tama pala talaga ang una kong desisyon na walang mapupuntahan ang kung anong meron kami. Hindi na kami dapat nag-ayos pa para sana... hindi nalang ako nasaktan.

Ay kailangan ko pa palang puntahan si Tan! Muntik ko ng makalimutan kung bakit ako lumabas.

Wala pa ko sa may fast food chain pero nakita ko sya sa may convenience store kaya naman agad ko syang tinawag at nilapitan.

"Uy Tan! Bakit daw pala di ka umuwi? Saka wait bakit ganyan ang itsura mo? Hindi ka ba natulo--"

"S-sige umuwi ka na, uuwi na rin ako pero may kailangan pa kong daanan." Malamig na tugon nya. Nauna na syang umalis at naiwan naman ako sa kinatatayuan ko. Ano na naman ba yun? May problema na naman sya sakin?

Iniiwasan nya ba ako?

***

Hindi rin sya pumasok kaya naman sa bahay ko kinulit si Tan na pansinin ako.

"Tan, pakiabot nga nung kanin." Sabay kaming kumain ng tanghalian pero ni hindi nya man lang ako tinignan at kinausap ni isang beses.

Bakit ba hindi nya ako pinapansin? At bakit naman ba hindi ako mapakali?!

"Tan, alam mo yung assignment sa math? Tapos ka na? Pwedeng pakopya?" Saglit nya lang akong tinignan at pumasok na sya sa kwarto nya. Siguro ay nasa isip nya ay makapal ang mukha kong makikopya ng sagot nya. Wala na kasi akong maisip na sabihin eh.

My Crush is a Mama's BoyWhere stories live. Discover now