Kamisama go to school

Start from the beginning
                                    

" Andito na tayo! Hoshi-chan, excited ka na ba sa mga bago mong kaklase?"

" Medyo kinakabahan po ako Akane Sensei." Sagot ko.

Ngumiti ulit ito.

" Kapag may problema ka, wag kang mahiyamg magpunta sa office ko. Maliwanag?"

" Hai. Sensei." Atsaka huminga ako ng malalim.

" Ako muna ang papasok. Okay?" Anito atsaka binuksan nito ang pintuan ng classroom at naiwan ako sa labas ng room.

Nang makapasok sa loob ng classroom si Akane Sensei ay agad itong lumapit sa isang guro na nagsasalita sa harap.

"Excuse me, Narumi Sensei. May gusto akong ipakilala sa klase. May bago tayong estudyante galing sa ibang bansa." Rinig kong sinabi ni Akane Sensei.

" May bagong lipat?
" Foreigner?"
" Sana lalaki!"
" Sana chiks!"

Halos marinig ko ang bulong-bulungan sa loob ng classroom.

" Hoshi-chan. Halika." Tawag sa akin ni Akane Sensei.

Nahihiyang lumapit ako kay Akane Sensei.

Rinig na rinig ko ang mga nagbubulungan na mga babae at mga lalaki kong kaklase.

" Hoshi-chan, pwede mo bang ipakilala mo ang sarili mo sa klase?"

Humarap ako sa kanilang lahat at nag simula akong magpakilala.

" Ako si Hoshi Ōkami Villa. 16 years old. Nang galing ako sa Philippines. Dozo yoroshiku onegaishimasu." Atsaka nag bow ako.

Buti tinuruan ako ng tito Mikage kung ano ang dapat kong sabihin o gawin.

Ang mga kaklase kong mga babae ay halatang hindi ako gusto dahil sa mga tingin na ibinibigay nila sa akin. Habang ang mga kalalakihan naman ay nakangiti naman sa akin.

" Good. Please take good care of her students." Ang sabi naman ni Akane sensei at nag paalam na itong lumabas ng classroom.

" Okay Hoshi-san, ako nga pala si Narumi Sensei. Ang History teacher at Advisory ng klase na ito." Pagpapakilala naman ng guro na kasalukuyang nag sasalita kanina.

" Yes, Sensei. Nagagalak po akong makilala ka."

" Kailangan mo ng umupo. Teka..." Anito habang nag hahanap mg bakanteng upuan.

" Ahh. Hoshi-san, doon ka umupo sa tabi ni Mikage-san. Yung lalaking natutulog, yung malapit ang mesa sa bintana. "

Mikage?

Napatingin ako sa bandang bintana kung saan banda ako itinuro umupo.

At diretso akong umupo sa respective table ko.

Bigla akong napatingin sa lalaking mahimbing na natutulog sa tabi ng bintana.

" Mabalik tayo sa usapan, kaming mga faculty teachers ay , magkakaroon kami ng faculty meeting para sa gaganaping school activity ninyo na gagawin next week. Class Officers, kayo na muna ang bahala dito. Walang lalabas ng classroom habang hindi pa nag be-bell para sa break time." Ang sabi ni Narumi Sensei bago ito lumabas ng classroom.

Napabuntong hinga ako.

Napalingon ako sa mga kaklase kong babae na nagkukumpulan sa tabi habang binibigyan ako ng masamang tingin.

I became a living GodWhere stories live. Discover now