Where I should belong

61 2 1
                                    

Sinuri ko ng maigi ang kahon at mukha nga itong antique. Inalog alog ko ang kahon.
Sinubukan kong buksan pero nakalock. Napansin ko rin na may lock at kailangan ng susi para ito mabuksan.

Padabog na pumasok ng kwarto ko si Auntie.

"Tala! Kanina pa ako sigaw ng sigaw sa baba! ANO?! DI KA PA BA GAGALAW DIYAN SEÑORITA?! MAGLUTO KANA SA BABA NG DINNER! Padating na mga pinsan, wala ka pang naluluto!"

Ang sabi ni Auntie Clarise atsaka pabagsak na sinara ang pintuan ng kwarto ko.

"Mamaya nalang muna." Kausap ko sa sarili ko.

Tinago ko na muna ang kahon sa ilalim ng unan ko bago ako tumayo. Kailangan ko munang sundin ang inuutos ng aking Auntie kasi kung hindi, baka hindi na naman ako makakakain ng Dinner.

—-

"...Ang sagot para sa iyong mga katanungan. Maligayang kaarawan sayo, Tala. "

Bigla kong na alala ang sinabi ng misteryong estrangero sa panaginip ko.

"Anong ibig niyang sabihin?"

Nang matapos ko na tapusin ang lahat ng gawain ko ay umakyat na ako sa attic at agad kong kinuha ang misteryosong kahon.

"Anong meron dito?"

Umupo ako sa study table habang ine-inspeksyon ko ang hawak kong kahon.

"Paano ko naman ito mabubuksan? Wala naman akong susi nito."

Hindi ko alam pero bigla akong napahawak sa kwintas ko na may nakasabit na susi.

Hindi naman siguro ito kakasya diba? Alam kong imposible pero...

Hinubad ko ang suot na kwentas ko at sinubukan kong ipasok ang susi sa lock ng kahon.

Itong kwintas ay bigay ng papa ko noong nag 6 years old ako. Ang sabi nito ay regalo daw dapat ito ng aking Mama.

Sinubukan kong buksan ang kahon gamit ang susi na bigay ng aking Mama.

Laking gulat ko na nagkasya ang susi at nabuksan nga nito ang kahon.

Lumilikha ito ng magandang tunog...

" Music..box?"

Hindi ko mapigilang maluha sa musika  na naririnig ko mula sa music box.

Habang pinapakinggan ko ang musika ay napatingala ako sa langit.
Napakadaming bituin sa langit na halos mapuno ang kalangitan at kumikinang.

"Tala.."

Hindi ko alam pero parang naririnig kong tinatawag ako ng langit...

Tinignan ko ang Music box at sinuri ulit ito.

"sagot para sa iyong mga katanungan"

Napansin kong may maliit na drawer sa loob ng music box at agad ko itng binuksan.

"Gintong singsing?.."

Tinignan ko ang nakaukit sa loob ng singsing

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tinignan ko ang nakaukit sa loob ng singsing.

"Inari Ōkami..?"

Singsing ba ito ni Mama?...

Sobrang gulong gulo ng utak ko sa lahat na nangyayari sa akin ngayon.

Hindi ko alam pero may nag uudyok sa akin na suotin ang singsing ni Mama.

" Ang ganda... "

Pagkasuot ko ng singsing ay biglang kumikinang ang aking balat na para bang isa akong bituin. Para akong lumulutang... Nag-iinit ang katawan ko. Hindi ko maiintindihan pero parang nararamdaman ko ang init ng yakap ng Mama ko...

——

"Kailangan mong bumalik sa lugar kung saan ka nararapat. Mag hihintay kami sa iyong pag babalik." 

Naririnig ko ang boses ng lalaking estrangero sa aking panaginip. 

 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



---------------


To be continued.

I became a living GodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon