Doon din nagsimula ang pagkahilig ko sa martial arts na parang naging obsession ko na. Minsan nga pumupunta pa ako ng ibang bansa para lang pumasok sa mga training school. Kaya hindi maipagkakaila na marami akong nalalaman pagdating sa pakikipaglaban. 


At isa nga 'yon sa mga rason kung bakit wala akong naging kaibigan. Masyado raw akong wirdo dahil kababae kong tao ay mahilig ako sa mga panlalaking gawain. 


Tsk! Hindi ko naman sila sinabihan na gustuhin nila ako, kaya wala akong pakialam sa mga sinasabi nila. 



"I hate mediocrity, okay?"



Masaya ako sa ginagawa ko, kaya bakit ko sila papakinggan? Hangga't kaya ko at masaya ako sa pagti-training ay walang makakapigil sa'kin. Natigil lang naman 'yon nang mabaril si daddy dahil kailangan namin ng pera. 



*Sighs* So yeah, ayoko ng pag-usap ang nakaraan dahil lalong sumasakit ang brain cells ko. 



Makalipas ang limang oras na pagti-training ay hindi man lang ako nakaramdam ng pagod. This is weird! I thought Heavenhell's body was frail. Don't tell me... my endurance and stamina as Carnelia are with me already!



"This is crazy!" Hindi ko makapaniwala kong sabi sa sarili, pero mas minabuti ko na lang na itago ang pagkatuwa. 



Sa ngayon kasi ay hindi ko pwedeng biglain ang katawan ni Heavenhell, kaya mas mainam na magpahinga na muna ako. Ang mahalaga ay may importante akong impormasyon na nalaman. It looks like my characteristics as Carnelia are combined with Heavenhell's knowledge. 



"Hehe! This is so great! I can't wait to go out and leave this place!"


Napaupo na lang ako sa kama at nag-isip ng mga pwedeng gawin kapag nakalabas na ako ng probation room. Sa ngayon ang nangunguna sa listahan ko ay ang pagwawalang bisa ang engagement contract na meron kami ng male lead ng nobela na si Vile. 


Like duh? Para siyang bangin na kapag nahulog ka, patay ka! O 'di kaya'y lubid na sasakal sa'yo kapag siya ang minahal mo! Ganon na ganon ang nangyari sa lahat ng nagmahal sa male lead. Tignan mo si Heavenhell nasa impyerno na ngayon! Aiya. 


Nauna pa siyang namatay kay Mitchel ahh. Geez! Kaya rin siguro napunta ang mabait kong kaluluwa sa katawan ni Heavenhell ay dahil sa hindi pa dapat mamamatay ang bruha ngayon. Sa pagkakatanda ko ay si Trider ang papatay sa kaniya at hindi ang lason na ininom niya! 


"Problema! Problema! Layuan mo 'ko! Shit ka!"


Napatigil lang ako sa pag-iisip nang pumasok ang isang katulong dala ang mga pagkain. Sa hula ko ay siya ang isa sa tauhan na pinadala ng bruhang si Mitchel. Yawa talaga ang babaeng 'yon. 



Gusto pa yata akong gawing "killer", dahil mapapatay ko talaga 'to kapag pinaandaran niya ako ngayon. Lumapit ang maid sa'kin at padabog na nilapag sa lamesa ang pagkain. 



"Pagkain mo." Nakangisi nitong sabi na halatang nang-aasar. Hindi ko siya pinansin at tinignan ang hinanda nito. Hmm.. So this is my lunch? 



"Tsk! Are you stupid or what? Do you think I'll eat that shit?" Kalmado kong tanong habang nakasandal sa upuan. 



Ngayon kasi ay dinalhan niya ako ng pagkain na hindi ko malaman kung pwede ba talaga siyang kainin. Kahit kaning baboy ay mas maayos pang tignan kaysa dito!

Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossWhere stories live. Discover now