FINALE

0 0 0
                                    


||ISYT||


1 MONTH AND TWENTY SIX DAYS PASSED


Halos lahat na siguro ng lungkot, nasalo ko na ngayong araw. Hindi ko kasabay mag-martsa ang kaibigan kong si Seki, wala ang presensya nya, wala ang boses nya.

It's graduation day, graduate na kami ng college sa wakas! Tinanggap ko ang diploma para kay Seki, ki-nonsider at pinaki-usapan ni Prof Al ang tungkol sa kanya since maganda ang grades naman ni Seki.

Ang totoo nyan dapat managot ang university, dahil isa sila sa mga dahilan kung bakit nagpapakamatay ang isang estudyante. Wala silang ginagawa, they're just watching from afar waiting for that student to give up.

“Congratulations satin.” may lungkot sa boses na saad ni Gareth.

“Buti na lang, wala na sa university na'to si Seki. Makakalaya na sya sa walang kwents na eskwelahang 'to.”

“Corak!.” sang-ayon ni Gareth, ilang sandali ay lumingon sila sakin. “Kailan ba sya uuwi?.”

Ngumiti ako. Matapos kase ang pangyayaring iyon ay dinala sya ng mommy ni Janen sa ibang bansa para doon magpagaling. Tumama ang ulo nya sa nakausling bato pagkabagsak nya, mabuti na lang at hindi napuruhan. Tinatarget nila sanang makauwi sa graduation day para makadalo pero mag-gagabi na, wala pa rin sila.

“Di ko alam.” kibit-balikat ko.

“Ang sad naman, miss ko na sya.” naluluhang sambit ni Gareth.

“Okay lang yan, balitaan mo na lang kami kapag dumating na sya.”

“Sige.” sang-ayon ko.

Bagsak ang mga balikat kong tinahak ang daan papasok sa village na tinutuluyan ni Seki. Dumiretso ako sa apartment na tinitirhan nya at inilapag sa upuan ang diplomang nakabalot sa lihang tela.

Wala pa rin siya, nakasara pa rin ang ilaw. Maagiw, maalikabok at maraming dahon ang nakakalat.

Umupo ako at bumuntong-hininga.

“Ikaw? Ba't di mo'ko iwan?.”

“...dahil kaibigan kita.”

Dinukot ko mula sa pocket wallet ang sticky notes na nakadikit sa backpack ko bago ang pangyayaring iyon.

“Magkita tayo bukas.”

‘Magkita tayo bukas’ pero ikaw ang nang-iwan nang walang paalam.

Tumayo ako, bitbit ang diploma at lumakad palabas ng village.

Hindi ko inaasahang ganito ang magiging epekto sakin matapos mangyari iyon sa kanya, halos hindi ako makatulog sa gabi—palagi ko syamg iniisip kung ano ba ang lagay nya, ayos na ba sya? Kailangan nya ba ako? At kung kakailanganin nya pa ako.

Huminto ako sa paglalakad nang makita kong nakabukas ang ilaw ng bahay. Hindi naman siguro plinano ni Lester na mag-celebrate sa bahay ko, teka...magnanakaw? Hindi naman siguro. Wala naman silang makukuha.

Pumasok ako at isinara ang pinto.

“Heather?.” awtomatikong dumulas ang kamay ko sa pagkakahawak sa doorknob, mabilis na tumibok ang puso ko at halos huminto ang pagtakbo ng oras. Ang boses na yun...

Nilingon ko sya at nakita ang isang babaeng malapad na nakangiti sakin.

“Seki?.” hindi makapaniwalang asik ko. Inilapag ko sa sofa ang diploma at nilapitan sya. “Ikaw ba yan?.” tanong ko.

Napagitla ako nang hawakan nya ang kamay ko.

“Ako 'to...kaibigan mo, si Seki.” sagot nya. Isang mahigpit na yakap ang iginawad nya sakin, masaya ko namang tinugon ang yakap nya.

“Seki..kamusta?.” kawala ko sa yakap. Hinawi ko ang buhok na nakasagabal sa mukha nya at masinsinan syang pinagmasdan.

“Heather..” isinandal nya ang ulo sa dibdib ko at rinig ko ang pagbuntong-hininga nya. Ipinikit ko ang mga mata at ninamnam ang presensya nya.

“Natakot ako nung araw na yun. Ayokong mawala ka, Seki...ayokong mawala ka na hindi ko napaparamdam sayo kung gaano ka kahalaga sakin.”

Sunod-sunod ang pagdaloy ng luha mula sa mga mata ko kasabay ng pagbalik ko sa sariling katinuan.

Walang tao, wala si Seki.

I'm hallucinating that she's with me. Napailing ako saka napaus-dos na napa-upo sa may pintuan.

Nagi-guilty ako sa mga nangyari sa kanya, sa mga oras na kailangan nya aki. Nung point na hindi na nya kaya—wala pa rin ako sa tabi niya para damayan sya. I'm useless, stupid! Napasabunot ako sa sariling buhok at napasigaw dahil sa konsensyang bumabalot sa puso ko. Kung mababalik ko lang ang oras, simula pa lang—gagawin ko ang lahat maparamdam ko lang na hindi sya nag-iisa.

Nanghihina akong tumayo saka umupo sa sofa. Gusot na ang uniporme ko at halos hindi ko maramdaman ang sarili. Maya-maya pa ay sunod-sunod na doorbell ang umalingawngaw na nagpagitla sakin.

Bagsak ang balikat kong tinahak ang daan papunta sa direksyon ng pinto at binuksan iyon.

“Sino po sil—.”

(A/N: Kindly play: Gift of a Friend)


Natigilan ako nang makita ang kabuuang mukha ng dumating. Nanubig ang mga mata ko kasabay ng pagdaloy nito sa pisngi ko. Dala nya ang isang bucket ng bulaklak habang malapad na nakangiti sakin.

Totoo na ba'to?

“Seki?.” untag ko.

“Congratulations, Heather!.”

“Ikaw ba yan?.” paninigurado ko at lumapit sa kanya. Napagitla pa sya ng hawakan ko ang pisngi nya.

“Seki..”

“Ako nga, Heather..” pagyakap nya kasabay ng paglabas nila Lester sa pinagtataguan nila. Napasapo ako sa noo at napangiti.

“Na-late yung flight namin kaya hindi ako umabot sa graduation.” paliwanag nya saka kumawala sa yakap.

“Congratulations satin!!!.” hiyaw ni Lester saka niyakap kaming dalawa. Nakangiti naman kaming pinagmasdan ng nanay ni Janen at ng iba nilang kasama.

Bumalik na sya at totoo na'to.

Masaya akong buo pa rin kaming magkakaibigan. Marami mang sumubok sa pagkakaibigan namin, ang mahalaga kami pa rin ang nanalo.



||THE END||






I'll See You Tomorrow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon