Chapter Sixteen

0 0 0
                                    

||ISYT||




HEATHER P.O.V.



“Seki!.”

“Noo!!.”

“Si Seki! Kailangan nyo syang iahon!.”

“Gosh! Pag nalaman 'to ni Heather.”

“It's all because of you! Nagpakamatay yung tao because of your false accusations!.”

“Jesse, you witch! Kapag nawala samin si Seki. I'll kill you!.”



Magkita tayo bukas.” lihim akong napangiti nang makita ko ang nakadikit na sticky notes sa backpack ko, mula iyon kay Seki.

I tried to forget her.
I tried to avoid her.
Sinubukan ko, araw-araw—ang hindi sya kausapin at hayaang mag-isa. Hindi ko alam na sobra syang masasaktan dahil sa ginagawa ko.

All students were panicking, asking for help. Someone attempt to jump off the rooftop pero napigilan sya. It's between your life and death, walang buhayan kung mahuhulog ka sa rooftop na ito dahil ang malalim na dagat ang naghihintay sayo sa ibaba.

Hinanap ko si Seki, binilhan ko sya ng makakain dahil narinig ko sa bulong-bulungan na pinaglaruan sya ni Jesse habang nasa loob ng restaurant.

“Buti yun sa kanya! She's a trash and she's trying to steal Heather from me!.”

Natigilan ako. Awtomatikong kumabog ang dibdib, maingay ang lahat ng estudyante. Tiningnan ko ang paligid at nakita ang ilang umiiyak, ang ilan naman ay nakadungaw sa ibaba ng rooftop.

Anong nangyayari?

Sinikap kong makadaan sa nagkukumpulang mga estudyante hanggang sa makita ko ang umiiyak na si Gareth habang pinipigilan ang akmang pagsugod ni Joy kay Jesse.

“Anong nangyayari?!.” untag ko sa kanila.

Bumaling sakin ang atensyon ng lahat.

“Heather..” Jesse murmured.

“Asan si Seki?.” tanong ko at tiningnan si Gareth.

Umiling sya na halos nanghihinang napaupo.

“Tumalon si Seki sa rooftop. She took her own life!.”

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. I automatically dropped the bulging plastic bag. Halos manghina ang tuhod ko at mawala sa balanse. Totoo ba 'tong naririnig ko? Seki..t-took her own life?

Napasinghap ako.

“Sabi ni Prof, suicide is not the solution.”

“Sabi nila ang kaibigan palaging nandyan para damayan ka, dati naniniwala ako sa kasabihang yun.”

“Edi sana pala hindi na ako nabuhay, mawawala rin pala kayong lahat sakin!.”

“She stole the necklace!.”

“Wow! Nakipagtalik pa sa isang Dfui Student!.”

I'll See You Tomorrow Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ