Chapter Six

1 1 0
                                    

||ISYT||

Sa oras na makita kita! Humanda ka sakin Heather.

“Ano bang oras ng klase mo't alas nueve ka pa pumasok?.” intriga sakin ng bodyguard.

“Alas-otso po, marami po kaseng project akong ginawa kaya natanghali po ako ng gising.” palusot ko. Sana naman umobra 'to.

“Asan yung project na ginawa mo?.”

Naku po! Ba't kailangan ko pang ipakita?.

Napakamot ako sa ulo at sapilitang ngumiti. “Hindi ko pa po kase tapos.”

Inabot nya sakin ang ballpen at isang record book.

“Oh, lagay mo dito pangalan mo, section tsaka pirmahan mo.” lakas namang makapang-high school 'tong si kuya.

“Sige po.” kinuha ko iyon saka isinulat lahat ng sinabi nya. Naka five minutes pa syang sermon sakin bago ako tuluyang pinapasok.

Tinahak ko ang hallway habang nag-iisip kung ano ang magandang iganti sa mga traydor katulad ni Heather.

Maayos pa naman kagabi eh, pero bakit?

Huminto ako sa tapat ng bintana ng room namin at sumilip. Laking pasasalamat ko nang makitang walang professor sa loob. Sa totoo lang, marami na akong beses na-late pero sa ilang beses na yun palagi kong nache-chempuhan na may professor na pumapasok.

Dali-dali akong pumasok at umupo katabi ni Gareth.

“Uy 'te! Ba't ka na-late?.” tanong nya habang nagkukulay ng kilay. Kung alam mo lang..

“Hindi kase ako ginising ng butiki dun sa kisame.” sagot ko.

“Ay wow! Ang friendly naman ng butiking yun. Pano ka ginigising? Tumatahol?.” biro nya saka humagalpak sa tawa.

“Baliw.” pagtawa ko saka ibinaling ang tingin sa lalaking nakasandal ang ulo sa bintana. Mamaya ka sakin.

“Uy Shekiy, parang naiiba ka.” komento ni Jesse. “Biyernes ngayon di ba? Dapat naka-PE ka. Naku lagot ka kay Prof Al pag di ka pa nakasuot ng PE.”

Hay naku Seki! Asan yung utak mo? Ba't di ka nag P.E?!

Napatingin ako kay Gareth. Sarado ang locker room ngayon at doon ko lang nilalagay ang extra kong P.E uniform.

“Anong tingin yan 'te?!.” ika nya.

“Samahan mo'ko kay Prof Jean.” aya ko.

“Prof Jean? Naku 'te..wag ako..may issue pa ako dun.”

Tiningnan ko si Jesse pero umiling ito. Absent pa naman si Joy.

Mariin akong napapikit at huminga ng malalim.

Si Heather..may atraso sya sakin kaya ito na lang ang ipapabor ko sa kanya.
Sikat sya sa school dahil sa itsura nya at paborito sya ng mga professor kaya alam kong papayagan syang pumasok sa locker room.

Tumayo ako at lumapit sa kanya.

“Heather.” untag ko. Napakunot ang noo ko nang makitang may nanunudyong ngiti sa labi nya. Arghh! Pasalamat ka may kailangan ako sayo!

“Yes?.” sagot nya at umupo ng pande-kwatro.

“Samahan mo'ko kay Prof Jean.” aya ko.

Ngumisi sya saka nilaro ang ballpen sa labi nya. Kadiri 'to! Tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa.

“You know it's friday but you don't wear PE?.” huni ng butiki.

“Nakalimutan ko kase.” rason ko.

“What if I dont want to come with you?.” nanunudyong tanong nya.

“Pag ako pinagalitan ni Prof, anong gagawin ko sayo?.” balik ko sa kanya.

“Well, nothing..beacuse it's not my fault. It's yours.” sagot nya. Isa pa! Sisipain ko na'to.

“Nakakapikon!.” inis kong saad sa kanya.

“O sya! Tara!..” tayo sabay hawak sa magkabila kong balikat at tinulak ako palabas ng room. Sabay kaming lumakad nang tahakin namin ang hallway. Papayag din naman pala, dami pang sinabi.

Huminto kami sa tapat ng office ni Prof Jean. Sya kase ang nagha-handle ng susi sa locker kaya kailangan syang suyuin ni Heather para payagan kaming pumasok. Mahalaga ang gamit sa locker kaya naman hindi sya agad nagpapapasok kapag hindi oras ng pagpunta sa locker room.

Pinahintay ako ni Heather sa labas ng office. Sya na lang daw ang papasok para maki-usap kay Prof Jean.

Habang naghihintay, nilibot ko ang tingin sa kabuuan ng university. Maganda kaya lang mas salbahe pa sa salitang salbahe ang ilang estudyante. May mga judgemental ding mga professor kaya naman maraming estudyanteng lumilipat sa ibang school, may humihinto sa pag-aaral, ang ilan naman...nagpapakamatay.

Natigilan ako nang makita ang apat na estudyante galing sa locker room. Nagtaka rin ako since hindi pinapayagang pumasok ng locker room ang mga taga kabilang campus.

“Tara?.” napagitla ako nang biglang magsalita si Heather. “Okay ka lang?.” tanong nya at tumingin sa paligid.

“Oo naman.” sagot ko at kinuha ang susi sa palad nya. “Ako na lang ang papasok, dito ka lang.”

Tumango sya pero kalaunan ay nagpaalam syang bibili ng tubig sa canteen. Pumasok ako sa locker room at natigilan nang makita ang nakakalat na mga accessories.

Isinara ko ang pinto at pinulot iyon para ibalik sa lalagyan pero laking pagtatataka ko nang makitang sira ang cabinet na nilalagyan nito. Basag ang salamin at punit ang ilang mahahalagang dukomento.

Iba ang pakiramdam ko dito.

Dali-dali akong lumabas ng locker room pero huli na ng makita ko si Prof Althe palapit sa kinaroroonan ko, kasama ang apat na estudyante na kanina. Bakas ang galit sa mukha nya.

Hindi ako makagalaw.

Pano kung pagbintangan nila ako sa nangyari?

Pumasok sila sa loob at rinig ko ang sigaw ni Prof Althe. Pagmamay-ari nya kase ang mga accessories pati ang dukomento kaya naman siguro ganun ang mararamdaman nyang inis at galit sa may kagagawan nito.

Mula sa di kalayuan ay patakbong lumapit sakin si Heather. “Seki..”

Sabay kaming napalingon nang padabog na lumabas si Prof Althe mula sa loob.

“Ikaw ang estudyanteng nandito nang mangyari 'to di ba?!.”

Napaatras ako. Nakakatakot ang tono ng boses nya.

“Opo.” sagot ko.

“Anong nasa kukuti mo para sirain ang lalagyan ng accessories? Di ka pa nakuntento, pinunit mo pa pati mga documents!.”

Taka ko syang tiningnan. “Prof..hindi ako ang gumawa nun.”

“Eh sino? May iba pa bang estudyante dito, maliban sayo?!.”

“Pero hindi ko po yun magagawa.”

“But the thing is...nakita ka ng apat na estudyante na'to.” turo nya sa apat na babae. Mga sinungaling!

“Ms. Althe, mas mabuting maghanap muna kayo ng ebidensya na estudyante ko nga ang may gawa ng binibintang nyo, hindi yung maniniwala agad tayo sa sinasabi ng mga estudyante.”

Sabay-sabay kaming napalingon nang may magsalita sa likuran namin...

Si Professor Al..

I'll See You Tomorrow Donde viven las historias. Descúbrelo ahora