Chapter Ten

0 1 0
                                    

||ISYT||


“Anak natin si Seki! We need to protect her no matter what!.”

“Ako si Heather, nakatira ako malapit lang sa inyo.”

“Si Lester, kaibigan ko sya. Tara, pakilala kita.”

“Nakikiramay ako sa pagkamatay ng parents mo, Sek.”

“Kapag may nam-bully sayo, kami ni Heather ang sasaklolo sayo, pahiyain natin sila tsaka paiyakin.”

“Seki, kailangan kong umalis sa university na'to.”

“Nandito lang kami para sayo.”

“Seki...”

“SEEKKIII!!!!!!.”

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Parang tinutusok ang sintido at halos umiikot ang paningin ko. Nanghihina kong tiningnan ang paligid. Gumuhit ang pagtataka sa mukha ko nang mapansing wala ako sa apartment na tinutuluyan ko. Hindi pamilyar ang kwartong 'to sakin.

Akma sana akong babangon nang maramdaman kong may kakaiba. Muli akong gumalaw para pakiramdaman ang sarili, pilit na binabasura ang mga naiisip kong posibleng nangyari.

Tiningnan ko ng masinsinan ang paligid, may kandila sa side table, pulang ipit at mga rose petals. May nakasabit na sinturon sa pader at nakakalat na pantalon. Napalunok ako't pilit na inaalala ang posibleng nangyari nang makita ang sarili kong saplot sa sahig. Naluluha ako't hindi alam ang gagawin.

Nasan ako??

Napayakap ako sa sarili habang pilit na inaabot ang pantaas na panloob kong damit.

Panong...panong nagawa ng putakteng tao 'to sakin?!

Hindi ko napigilan ang sarili't napahagulhol sa gilid ng kama. Anong nangyari? Ba't ako nandito?

Tumayo ako at kinuha ang bathrobe na nakasabit. Suot iyon ay pinulot ko ang gamit kong nakakalat.

Pagbabayarin ko ang sinumang gumawa nito sakin. Alam kong bumigay yung katawan ko kanina pero hindi naman siguro yun rason para pagsamantalahan ako.

Lintek kaseng katawan 'to! Ba't bumigay pa kanina?! Ang hina! Bwesit!!

Dahil sa nararamdamang galit ay habol-hininga akong natigilan nang bumukas ang pinto at bumungad sakin ang isang lalaking nakatapis ng towel, halos mawala ako sa katinuan nang makita ko ang mukha niya.

“Justine?.” hindi makapaniwalang sambit ko.

Tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa, pinipilit kong kumbinsihin ang sarili na hindi sya iyon pero agad ding nawala...nang sandaling makita ko sa upuan ang uniform ng isang Dfui Students.

Muli ko syang nilingon.

“Seki..” untag niya at akmang lalapit pero agad akong umiwas. Pano nya nagawa 'to? Pano nya nagawa sakin 'to?

“Pinagkatiwalaan kita, Justine...pero hindi ka pala worth it para sa binigay kong tiwala!.” tiningnan ko sya kasabay ng pagpatak ng luha ko. “Bakit?.”

I'll See You Tomorrow Where stories live. Discover now