Chapter Eight

1 2 0
                                    

||ISYT||

“Pupunta daw dito yung mga taga-Dfui.” masayang balita ko kay Heather. Tahimik lang syang umiinom ng canned drinks habang nakatingin sa kawalan.

Sabagay, sino ba namang magiging masaya kung makikita mo ulit yung mga nangloko sayo?

“Heather...” untag ko.

“Parang wala kang pino-problema ah.” balik nya sakin.

Natigilan ako.

“Huh?.” sambit ko nang mapansing nagbago ang aura nya.

“You stole the necklace.” ika nya at matalim na tumingin sakin. “Yun ang alam ng lahat.”

Halos umurong ang dila ko. Binabalewala ko ang mga natatanggap kong salita sa labas ng room. Hindi ko pinapansin ang pangungutya nila at kumikilos na parang ayos lang ang lahat.

“Anong ibig mong sabihin?.” naguguluhan kong tanong. Ayos pa naman kami kahapon bakit parang bigla syang nagbago?

“Anong ibig kong sabihin huh?! Simple lang..pupunta dito ang mga Dfui Students to investigate about what happened yesterday. Hindi mo ba alam na galing sa Dfui si Prof Althe? And Janen gave her that necklace!.” sagot nya.

“Janen?.”

“Yes! My ex girlfriend.” matigas na sagot nya.

Para akong nanigas sa kinauupuan ko. Sobrang talim ng titig nya, nakakatakot na parang hindi sya si Heather Hayes na kilala ko.

Tumikhim ako at humugot ng lakas ng loob. “Sa tingin mo ba ako ang kumuha ng kwintas na yun?.”

“I don't know.”

“Heather, may apat pang estudyanteng nanggaling dun bago ako pumasok!.” naluluhang asik ko. Ba't parang pinagmumukha nyang ako ang kumuha ng necklace ni Prof Althe?

“Andyan na sila...”

“Guys, nandito na yung mga Dfui.”

“Oh my goshhh..”

Pinunasan ko ang luhang dumaloy sa mga mata ko at bumalik sa upuan. Ang OA ni Prof..kailangan talagang ipapunta dito yung mga Dfui para imbistigahan yung nangyari kahapon? Ano 'to? Murder Case? Edi sana mga tunay na imbestigador na lang ang kinuha nya, magkaka-foul play pa dito eh. Mga estudyante pa, suss maliban na lang kung may konsensya sila.

Tss, gusto lang kamong ipagsigawan sa buong mundo na nawala ang kwintas nya. Bakit? Perlas ba yun? Kwintas lang naman yun eh, pano naman yung dignidad ko bilang estudyante?

Nagsi-upo ang lahat nang pumasok sa room namin ang mga Dfui students. Tumingin ako sa direksyon ni Heather, gusto ko lang naman ng karamay ba't di nya mabigay sakin yun?

Bumuntong-hininga ako at ibinaling ang tingin sa harapan. Hindi ko kayang iguhit ang ngiti sa labi ko kahit nagtama ang tingin namin ng isang lalaking malapit din sa puso ko.

Ayoko nang umasang may makakaintindi pa sakin, self-comfort na lang.

“Ang gwapo ni Lester.” rinig kong komento ni Gareth.

I'll See You Tomorrow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon