Track 9: ivy

31 8 9
                                    

"Baka matunaw ako niyan."

Napangiti ako nang marinig ko siyang magsalita habang nakapikit. Nakahiga sa tabi ko ngayon ang lalaking pinakamamahal ko. Ikinawit niya ang braso sa akin at hinila ako kaya naman lalo akong napalapit sa kanya. Niyakap niya ako ng napakahigpit at dinama ko iyon na para bang iyon na ang magiging huling yakap namin sa isa't isa, na ito na ang huli naming pagsasama, ito na ang huli niyang halik sa akin. Dahil ang mayroon kami ay bawal hindi lang sa mata ng tao, kung 'di maging sa mata ng Diyos.

Nasasaktan ako na ganito ang sitwasyon namin. Nagmahalan sa maling pagkakataon. Pero wala kaming magawa kung 'di ituloy ang mayroon kami, dahil kahit mali ang relasyon namin ay masaya kami sa isa't isa. Dama ko sa puso ko ang sobrang kasiyahan kapag kasama ko siya, kapag kayakap ko siya at tuwing nakikita ko siya.

"Anong paalam mo sa asawa mo?" tanong ko habang nakaupo sa kama at pinapanood siyang nagsusuot ng longsleeve niya.

Sunday ngayon kaya walang pasok sa trabaho at hindi ko alam kung paano siya nakaalis sa bahay nila. Nagtext ako sa kanya kanina na magkita kami dahil namimiss ko siya kahit kakikita pa lamang namin kahapon. Nagbabakasali lang naman ako, kaya naman sobrang saya ko ng magreply siya ng 'I'm on my way'.

Hindi ko alam kung naghihinala na ba si Kaye- ang asawa niya sa madalas niyang pag-alis, o masyadong matatag ang tiwala nito kay Luigi kaya nagiging malaya pa rin si Luigi na gawin ang gusto niya tulad ng pakikipagkita sa akin.

"Biglaang meeting. Basta umalis akong naka-office attire okay na roon," ani Luigi habang hirap na hirap na nagsusuot ng necktie.

Tumayo ako at nilapitan siya. Tinulungan ko siyang mag ayos ng necktie. Binitawan niya iyon at inilipat ang mag kamay sa aking bewang.

"Hindi siya nagtaka kung bakit may meeting gayong Sunday?"

"Hindi naman." Matagal siyang tumitig sa akin. Bago kunot-noong pinagpantay ang aming mukha. "Bakit ganyan ang mukha mo? May problema ba?"

Tinapos ko ang ginagawa bago ko siya tingnan. Tinitigan ko siya at nag uumapaw ang pagmamahal na nararamdaman ko habang nakatingin sa kanyang mukha, pero napakasakit rin na kailangan naming maging maingat sa bawat kilos dahil sa maling ginagawa.

Kailan ba kami magiging malaya? Kung pwede ko lang sabihin sa kanyang tumakbo na kami at magpakalayo-layo.

Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago ako ngumiti ng pagkatamis tamis para hindi na siya mag alala pa. "See you tomorrow?" tanong ko at tumango naman siya bago ako halikan sa labi.

Pagkaalis niya sa apartment na eklusibo lang para sa aming dalawa ay naglinis na ako. Pagkatapossa paglilinis ay ako naman ang naghanda para sa pag-uwi.

Pagkauwi sa bahay ay walang ibang laman ang isip ko kung 'di si Luigi. Umiinom ako ng wine habang nag iisip. Paano kaya kapag sinabi ko sa kanyang magpakalayo layo na kami? Papayag kaya siya? Pero ang tanong ko rin sa sarili ko, kaya ko ba?

Kinabukasan ay nagkita nga kami. Pero hindi na sa apartment, sa office dahil pareho kaming nagta-trabaho sa isang Insurance Company. Kapag nasa trabaho ay natural na magkatrabaho lang ang turingan namin. Halos lahat ng nasa office ay alam na may asawa na siya. Isang tao lang ang nakakaalam ng tungkol sa relasyon namin, ang bestfriend niyang si Von na katrabaho rin namin

"Balita ko naghiwalay na kayo ng boyfriend mo?" pang-uusisa ko sa officemate ko na si Alex. Magkatabi lang ang cubicle namin. Naglalagay ako ng lipstick sa labi. Siya naman ay nakaharap sa kanyang laptop.

"Natanggal ang helmet kaya natauhan," natatawang biro niya habang nakatingin pa rin sa laptop. Hula ko ay nagsusulat na naman iyan ng kwento sa isang reading platform.

"Anong bago mong isinusulat?"

"Ivy," aniya at nakangiting humarap sa akin. "Pero hindi ikaw, ha, Miss Ivy Faye," natatawang dagdag niya.

"Anong Ivy? 'Yung halaman?" Natawa siya sa sinabi kong iyon. Ibinalik ko ang mga make up sa aking bag bago humarap sa kanya. Maaga pa kaya nagagawa pa naming mag chikahan.

"Eh, ano pala?"

"Inspired lang ito sa bagong kanta ni Taylor Swift. Alam mo naman ako, love na love ko si Taylor," wika niya.

"So, tungkol saan nga?" pang-uusisa ko pa.

"Ito, pakinggan mo." Tinanggal niya ang suot na headseat sa kanyang tenga bago iyon iabot sa akin. Isinuot ko iyon sa tenga ko at narinig ang malumanay na kanta. "Tungkol ang kantang 'yan sa babaeng nagmahal ng ibang lalaki kahit kasal na siya. Kaya nagkaroon siya ng affair."

Pinakinggan ko ang kanta habang patuloy sa pagsasalita si Alex. Hindi ko alam kung anong mararamdaman habang sabay na pinapakinggan ang sinasabi niya at ang kanta.

Parang sinasaksak ang puso ko sa mga salitang binibitawan ng singer ng kanta. Hindi dahil masakit ang kanta, kung 'di dahil para iyong isinulat para sa akin. Naalala ko si Louie, ang asawa ko. Naalala ko kung paanong ang relasyon namin ni Louie ay unti-unting naging malamig. Hanggang sa dumating sa buhay ko si Luigi at sa kanya ko muli naramdaman ang pagmamahal na inaasam. Naalala ko ring kahit siya ang kaharap ko ay si Luigi ang naiisip ko.

Nang maging kami ni Luigi ay para akong nabuhay muli. Ipinadama niya sa akin ang kaligayahan na dati kong nararamdaman kay Louie. Sobrang saya ko tuwing magkasama kami. Pero naroon ang takot na lagi kong dala sa puso ko. Iniisip ko kung paano kapag nalaman ni Louie ang tungkol sa kataksilan ko. Pero handa akong harapin ang lahat ng takot , makasama lang ang taong mahal ko.

Ito ang dahilan kung bakit hindi ko magawang sabihin kay Luigi na lumayo na kami, dahil ayoko ring tuluyang masira ang relasyon namin ni Louie. At alam kong hindi rin siya papayag dahil sa asawa niya. Kaya naman masaya na ako sa kung ano kami ngayon.

Bigla kong nakita si Luigi na nakangiti habang nakatingin sa akin. Nakatayo siya 'di kalayuan sa'min at kausap si Von. Habang nakatingin sa kanya ay nasabi ko sa aking isip ang salitang narinig sa kanta. "It's a war. It's the goddamn fight of my life. And you started it."


THE END

The Story of UsWhere stories live. Discover now