Track 14: We Are Never Ever Getting Back Together

28 9 25
                                    

I miss you, Alex. I love you! Let’s get back together again, please!

Natawa ako at napailing ng mabasa ang text na 'yon galing sa ex-boyfriend ko. In-off ko ang aking cellphone at muling itinuon ang paningin sa laptop na nasa harapan ko. Nagpatuloy ako sa pag e-edit ng manuscript na ipapasa ko sa isang publishing company.

I am working as a Process Associate sa isang Insurance Company at sumubok rin sa larangan ng pagsusulat. Kadalasan sa mga isinusulat ko ay tungkol sa mga karanasan ko sa buhay. At ang story na huling isinulat ko at balak ipasa sa publishing company ay ang tungkol sa story namin ng ex-boyfriend kong si Rain, ang taong nagpadala ng message na iyon.

Bakit nga ba gano’n ang text niya? So, let me tell you a story tungkol sa mga pangyayari kasama siya.

Nakilala ko si Rain noong 2nd year college student ako. Isa ako sa kawani ng No Boyfriend Since Birth o NBSB, at hindi ako sanay makihalubilo sa mga lalaki. Hindi ko rin alam ang dahilan kung bakit, to think na ang tatlong kapatid ko ay puro lalaki. Sa sobrang kulit at pursigido ni Rain na mapalapit sa akin ay nakuha niya hindi lang ang loob ko, kung ‘di maging ang puso ko.

“Alex gusto raw makipagkilala sa'yo ni Rain.”

Nakasimangot kong nilingon ang pinsan kong si Yuri. Nandito kami sa field ng University habang nagpapalipas ng oras. Nagbabasa ako ng romance novel habang mag isang nakaupo dito sa isang bench at siya naman ay nakikipag-usap sa boyfriend niyang si Jack sa kabilang bench. Kasama naman ng boyfriend niya ang pinsan nitong si Rain.

Parati kong nakikita si Rain dahil lagi siyang kasama ng pinsan niya kapag nakikipagkita ito sa pinsan ko, pero hindi ko pa siya nakakausap. Ngayon pa lang yata dahil nakita ko itong naglalakad palapit sa kung nasaan ako.

“Hi, Alex. Lalo kang gumaganda, ah,” ani Rain.

Umupo ito sa tumabi ko. Umusog ako nang maramdaman ang pag dikit ng braso niya sa braso ko. Masyado siyang malapit!

“Anong binabasa mo?” pang-uusisa niya.

Nilingon ko siya. “Libro,” sagot ko na ikinatawa niya nang malakas. Kunot-noo ko siyang tinitigan. Ano’ng nakakatawa? Libro naman talaga ang binabasa ko.

Tiningnan ko ang pinsan ko at boyfriend nito pero busy na sila sa sariling mundo. Napabunting-hininga na lamang ako. Mukhang magtitiis pa ako nang kaunting oras sa tabi ng lalaking ito.

“Grabe! Joker ka pala, A.”

“A?” nakangiwing tanong ko.

“Yeah. A for Alex,” nakangiti aniya.

“Ang ikli na nga ng pangalan ko lalo mo pang pinaikli,” sabi ko at umirap.

“Gusto ko ako lang may tawag sa’yo niyan, ha. Nickname ko para sa’yo.”

Nanahimik na lang ako at hindi siya pinansin. Magpapatuloy na sana ulit ako sa pagbabasa nang muli siyang magsalita.

“May boyfriend ka na, A?”

Napairap ako habang nakatingin sa libro bago siya nilingon. Alam ko na ang mga ganitong tanungan. Ganito rin kasi ang mga kapatid ko sa mga chikababes daw nila. Tss!

“Bakit mo tinatanong? Interesado ka sa’kin?” walang paligoy-ligoy kong sagot.

Natulala siya sa akin bago siya napahagalpak ng tawa. Seryoso lang akong nakatingin sa kanya. Doon ko nagawang tingnan ang kabuuan ng mukha niya. Gwapo naman si Rain. Nakikita ko sa kanya ang sikat na hollywood actor na si Zac Efron, pwera sa kanyang kulay dahil kayumanggi ang kulay ng balat niya.

The Story of UsWhere stories live. Discover now