Tinignan ko ang nakatulalang si Pira bago tumingin sa mga damit na mukhang mamahalin. 



"I want you to sell these things and make sure that I'm not going to see them again." ma-awtoridad kong sabi na kinatigil niya. 


Geez! Hindi ko mapigilan ang mga nakagawian kong gawin sa tuwing sa kabilang mundo, pero kapag hindi ko pinakita ang side ko na 'to ay siguradong patuloy akong mamaliitin ng mga katulong dito sa mansion.


"I will never let that happen!"


"Understood, my lady. But what do you want to do with the profit?" tanong nito. Hmm... 



"Donate the money to every charity that needs help. Make sure to do it as low-key as possible." 



Napatango na lang ako sa sariling ideya. Sa Atlante kasi ay laganap ang diskriminasyon sa pagitan ng mga "commoner", "middle class", at "nobles".



Kaya naman maraming mga bata ang hindi nakakapag-aral sa commoner area. Kadalasan na trabaho ng mga ito ay farmer, contruction worker, fisherman at iba pa. 



Sa mga nasa 'middle class" ay kadalasang trabaho na pwede nilang pasukan ay mga may kinalaman sa office works, public servant, at kung ano-ano pa, depende kung may kakayahan ka para sa mas mataas na posisyon. 



Samantala, ang mga nobles naman ang masasabi nating 'high class'. Mas malaki ang pag-asa nilang makakuha ng matataas na posisyon sa bansa na pwede nilang pasukan. Nasa kanila din ang desisyon kung magtatrabaho sila o mananatili lang sa kani-kanilang mga mansyon. 



Well, tutal mayaman naman sila ay pwede na silang tumambay lang sa kanilang mga mansyon. Isa pa, karamihan sa mga nobles ay may mga negosyo at kaniya-kaniyang pinagkakakitaan ng pera. 



"Geez! Kung ako din may maraming pera ay mas gugustuhin ko na lang na humiga sa kama at walang gawin. Ang masama nga lang ay wala akong pera ngayon. Aish!"



Bukod sa nobles, ang pinaka may mataas na posisyon sa Atlante ay ang mga miyembro ng A.R.F. Sa kanila kasi nakasalalay ang ekonomiya ng bansa. Kumbaga, dahil sa kanila ay mayaman at malago ang Atlante kung ikukumpara sa iba't-ibang bansa na meron ang Pangaea. 



Kaya naman iba din ang batas na sinusunod ng mga A.R.F members. May special treatment silang nakukuha since sila ang pinakamayayaman na pamilya sa buong Atlante. 



Well now, talking about charity, the nobles here hold a charity event for show only. Nagpapakitaan lang sila ng pera kung sino ang mas mayaman. And those are the people I despise the most!



Noong mayaman pa kami, laging active ang pamilya namin sa mga charity events. Kung minsan ay kami pa mismo ang dumadalaw sa mga ito para masiguro na matatanggap nila ang pera o 'di kaya'y supplies. Masyadong mababait sila mom at dad at ayaw na ayaw nila ang mga taong mapagmataas. 



"Milady, anong meron? Sigurado ka bang gusto mong i-donate ang pera?" nagtatakang tanong ni Pira. 



Hindi ko rin naman siya masisisi kung bakit ganiyan ang reaksyon niya, dahil si Heavenhell na "naive" kuno ay madalas tahimik lang sa isang tabi. Kaya nakakapagtaka talaga na bigla na siyang magdodonate ng pera nang ganon lang.



"I'm sure about it. Why? Is there something wrong?" Pa-inosenteng tanong ko dito na para bang walang mali sa nangyayari.



"Wala naman, my lady. Nagtataka lang ako sa kinikilos mo, para bang wala ka sa sarili ngayon." Sabi pa niya habang pinagmamasdan ang kabuohan ko. 



Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossWhere stories live. Discover now