CBH 2: Chapter 11

Start from the beginning
                                    

Sarap ng tulog mo mahal ko, pero sana gumising ka na at mahawakan mo muli ang kamay ko. I can't imagine my life without you.

Sa sobrang pag iisip di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Nagising na lang ako sa ingay na naririnig ko. Si Chynna at Kathrina.

"Oh Rhian, gising ka na pala. Heto kape. Alam kong puyat ka." Abot ni Chynna sa akin.

"Since alam ko na andito ka buong gabi at wala kang balak umuwi para maligo man lang, ito pinaayos ko sa maid niyo mga kailangan mo para dito ka na maligo at magbihis. Kumain ka na muna bago ka maligo" sabi ni Kathrina sa akin.

Talagang maasahan tong dalawang ito.

"Salamat sa inyo ah" sabi ko sa kanila.

"Nako wala yun. Basta para kay Glaiza. Oo nga pala kamusta yan kaibigan namin?" Tanong ni Chynna sa akin.

"Wala ganun pa din. Tulog pa. Pero sabi ng doctor normal lang daw. Pero magigising na siya today. We just have to wait" I told them.

So sabay sabay kaming kumain ng almusal habang pinagmamasdan si Glaiza, di nila akalain na hahantong si Glaiza sa ganito.

"Tsong gising ka na diyan. Huwag mo na kaming pag-alalahanin. Pati si Rhian" sabi ni Chynna.

"Oo nga. Pagkagising mo humanda ka talaga sa akin. Babatukan kita ng malakas" pagbabanta naman ni Kathrina sa kanya.

Alam ko naman kung gaano nila kamahal si Glaiza. Mabait tong kaibigan, maasahan, pasasayahin ka, hindi ka pababayaan at hindi ka iiwan.

"Oh siya Rhian. Alis na kami ah. May trabaho pa kasi eh. Gusto sana namin mag leave na lang sana muna kaso hindi pwede. Busy din kami sa school. Basta tawagan mo kami at update mo kami lagi kay Glaiza ah. Mag ingat ka dito" sabi ni Chynna sa akin bago sila umalis ni Kathrina.

Pagkaalis nila ay agad kong nilinis mga kalat namin, ayoko naman na makita pa to ni Glaiza. Simpleng pag pulot ko sa kalat di ko pa magawa. Kaloka.

Ilang oras na ang nakakalipas pero hindi pa din gising si Glaiza, pero siguro ganun talaga. Kailangan lang namin mag antay.

Nitong mga lunch binisita kami ni Alchris at nagdala ng food ko. Buti na lang kasi gutom na ako. Pero wala pa din progress kay Glaiza.

Gabi na pero wala pa din mejo kinakabahan na ako.

"Hindi pa din pa nagigising si Ms. Glaiza?" Tanong sa akin ni Doc bigla siyang pumasok.

"Wala pa din doc. Ayos lang po ba yun?" Tanong ko sa kanya

"To be honest hindi, dapat kanina pa siya gising. Pero sana magising na siya today dahil kung hindi magkakaroon ng problema ang pasyente." Sabi nito sa akin. Agad naman akong kinabahan.

"Pero don't worry, magiging okay din siya." Pagsisigurado nito sa akin.

Glaiza please wake up. Hindi ko na alam ang gagawin ko please wake up.

"Sige po ma'am, tawagin niyo na lang po ako or ang mga nurses kapag may kailangan or kung gising na ang pasyente" sabi nito sa akin bago umalis.

Iyak ako ng iyak, hanggang sa di ko namalayan na naka idlip na pala ako.

Nagising na lang ako dahil bigla kong nahulog yung remote.

Buti naman at nagising na ako. Pero si Glaiza hindi pa.

"Glaiza, please gising na. Gusto ka na namin makasama. Gusto na kitang makasama. Please lang. I want to see your eyes and your smile. I love you so much Glaiza, please wake up. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala ka pa sa akin. I can't. Hindi ko na kakayanin. Pleasee wake up and be with me. Ang dami nating gustong gawin diba? Yung magkaroon tayo ng sariling pamilya. Simpleng pamumuhay sa tabi ng dagat. Yung mag rerelax lang tayo, at walang masyadong iniisip. Diba yun ang gusto mo? Kaya please gising na" humagulgol na ako sa iyak dahil ang bigat na ng nararamdaman ko.

"Iyak ka ng iyak. Alam mo naman na ayaw kong umiiyak ka" bigla akong napatingin sa narinig kong boses.

"G-Glaiza?!"

"Hi. Sorry kung nag-alala ka." She said.

Agad ko siyang niyakap at patuloy sa pag-iyak.

Agad naman akong nagtawag ng nurse at sinabi ang magandang balita.

"Salamat at gising ka na." Sabi ko sa kanya.

"Actually kanina pa ako gising. Kaso nakita kitang tulog kaya tinulog ko na lang din. Narinig ko na lang yung may nahulog tapos bigla ka na lang nagsalita kaya nagtulog-tulogan mo na ako. Hehe" what?! So narinig niya mga sinabi ko?! Nakakahiya. But who cares totoo naman.

"Glaiza naman eh! Lahat kami nag-aalala sayo!" Sabi ko sa kanya.

Ilang saglit lang ay pumasok na yung nurse and doctor niya. May mga pinagawa lang sa kanya kung ganto ba o ganyan.

Agad ko naman tinawagan ang mga kaibigan namin at ang family niya para ipaalam yung magandang balita.

---

HELLO GUYS! May update ulit! Sinipag eh. Hahaha. Di patay main character natin! Don't worry.

So don't forget to vote.

And btw. Next chapter.. Will be the last chapter.

May balak akong asahin na story, mej first time kong gagawin yung ganung genre. Hindi siya puro romance and hindi din siya RASTO/JATHEA pero sana suportahan niyo pa din. 😊

Salamat sa pag aantay at pagbabasa 😊

-A.B

Come Back HomeWhere stories live. Discover now