Dalawampu't Walo: Paubaya

67 1 0
                                    


"Paubaya"

Mahal, naaalala mo pa ba?

Dati-rati nagbabangayan pa tayo
Mortal na magkaaway at palaging 'di magkasundo
At kahit 'di sinasadya, tayo'y pinagtatagpo
Kagaya ng lagi mong ginagawa, ako'y iyong pinagtutulakan palayo

'Di ko alam kung ano ang aking nagawa
At bakit gano'n nalang ang 'yong galit at sama
Nasa sa t'wing magkikita, nakataas ang dalawang kilay
Masamang nakatingin at para bang naghahamon ng away.

At nang magkatunggali't magkalaban tayo sa matematika
Mas lalo mo'kong kinainisan nang matalo kita
Gusto ko sanang sabihin na "patawad, 'di ko sinasadya"
Sa t'wing ika'y lalapitan pinangungunahan ako ng takot at kaba
Kaba na baka magalit ka't sampalin mo'ko sa mukha.

Dumaan ang isang linggong hindi ka nagpapakita
Nagulat, nagtaka, at nabahala
Ganito lang umiikot ang aking nadarama
Sa bawat araw na lumilipas na 'di kita mahagilap
Natakot na baka ikaw'y mawala sa isang iglap.

'Di ko alam kung bakit ganito nalang ang pag-aalala ko sa'yo
Tila 'di ko mailarawan ang nararamdaman 'tong aking puso
At bakit ganoon nalang ka gustong makita ka ng husto
Pero isa lang ang nasisiguro kong hindi biro
Nasisimulan na kitang mahalin ng totoo.

Oo, mahal kita simula pa no'ng una tayong nagkita
Malimit kitang pinagmamasdan habang naglalakad at nagbabasa
Nakatuon ang mga mata sa isang librong, wala ka ng balak bitawan pa
Kung kaya't binangga kita ng 'di ko man lang inisip ang 'yong mararamdaman
Basta mapansin mo lang ang likas kong kagwapuha't makuha ang 'yong pangalan.

Pero sinunggaban mo'ko agad ng iyong kasungitan
Ako'y iyong pinagmumura't pinagbabatukan
Doon nagsimula ang ating malalim na alitan at awayan
Na sinundan pa ng 'di mabilang na bangayan
Pagtatagpo na mauuwi lang sa pagtatalo't 'di pagkakaunawaan.

Pero okay lang, saktan mo man ako ng paulit-ulit
Pagtabuyan mo man ako kahit masakit
'Di ako titigil hanggang ang puso mo'y mapasaakin
Hanggang ang puso ko'y iyong maangkin
At nang ako'y tuluyan mo ng iibigin.

Sa paglipas ng panahon
At marami nadin ang nagdaang pagkakataon
Pagkakataong magtapat sayo't magpakatotoo
Ang sinasabi ng damdamin at sinisigaw ng puso
Salamat sa diyos at nagkaroon din ako ng lakas na sabihin sayo.

Mga mata'y nanlaki sa sobrang gulat
'Di makapaniwala't tila walang ulirat
Nang sagutin mo'kong "Oo" mundo'y nag-iba't nagbago ang lahat.
Pinunan mo ng saya at indayog
Itong puso kong sayo lamang nahuhulog.

'Di ko inakalang aabot tayo hanggang sa'ting panglimang anibersaryo
Sa gabing iyon inalok kitang magpakasal at 'di mo naman ako binigo
Tumayo ako at niyakap ka ng husto
Doon napagtanto na ako talaga'y mahal na mahal mo
Na wala ka ng ibang mamahalin kundi ako.

Dumating ang araw na aking inaabangan
Ang maglakad ka sa gitna ng simbahan
Nakatakip ang mukha ng belo't nakasuot ng kulay puti't mahabang damit
Hawak ang puti't isang dosenang rosas ng iyong kamay na malambot at marikit
Mga mata'y nakatuon lamang sa mukha mong kaakit-akit.

Hinawakan ko ang kamay mo't humarap tayo sa altar at nagsimula na ang seremonya
Sa sandaling tinatanong ka ng pari at sinabi ang mga katagang ito
"Camille, tatanggapin mo ba si Oliver bilang iyong kabiyak?
Sa hirap at sa ginhawa, sa sakit man o kalusugan hanggang kamatayan."

"Di ka makaimik at tila ba napatulala
Inulit uli ng pari ang tanong niya
Ngunit 'di ka parin makapagsalita
Hanggang sa tumulo na ang luha sa'yong mga mata
Sabay sambit "patawad, mahal ko ngunit 'di ko kaya."

Tumalikod ka't tumakbo palayo
Iniwan mo'kong luhaan at ang puso'y naghihingalo
Nasa pag-iwan mo, 'di ko alam kung may bukas pa ba ako.
Sa tingin ko, wala na dahil wala ka na sa piling ko
Para saan pa ang bukas kung ang mundo ko'y isang malaking kalbaryo.

Mahal, anong nangyari sa'ting dalawa?

Sa totoo lang, ang dami kong tanong sayo ngunit mas pinipili ko lang pigilan
Dahil ayaw ko ng ungkatin ang lahat at baka lalo ka lang masaktan
Dahil sa huli, iniisip ko parin ang 'yong kapakanan
Kahit masakit sa kalooban ang bitawan ka
Kahit mahirap sa puso ang pakawalan ka
Kailangan kong gawin kasi do'n ka lang magiging masaya.

Katulad ng linya sa kanta, ako ang nauna pero 'di ang wakas
Nasa paggising mo sa umaga, 'di ako ang iyong bukas
At sa mga susunod na araw na lilipas
Magkasama habang buhay hanggang sa tayo'y kunin na ni bathala
Pero tanging ala-ala nalang pala at 'di na kailanman magkatotoo pa.

Mahal...
Pinapatawad...
Pinapalaya...
Pinapaubaya na kita sa kanya.

Isang Daang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon