Tatlo: Bahala Na

76 8 1
                                    


"Bahala Na"

Bahala na, dyan tayo magaling sa puro bahala
Puro salita, kulang naman sa gawa.

Sa relasyon pwede bang sabihing bahala na?
Bahala na ang tadhana na magdesiyon,
sa pagmamahalang pinundar natin ng mahigit tatlong taon?
Bahala na ang mga tala sa kalawakan,
na magsabing, tama pa bang magpatuloy kung pareho lang tayong nasasaktan?
Bahala na ang hukuman na maghatol,
kung tama pa bang umasa kung ayaw mo na?
Tama pa ba o mali ng mahalin pa kita?
Bahala na ang mga tao na maghusga kung kakapit pa ba o kailangang bitawan ka na?

Tama bang sabihing sawa ka na?
Sapat na ba ang hindi ka na masya?
Para bumitaw at sumuko,
sa samahang sabay nating binuo.

Sabi nila, 'pag nagmahal ka
Walang hindi kayang gawin
Gaano man kaliit ang lungga ng daga
Gaano man kalayo ang mga bituwin
Kaya itong suungin at abutin
Pero ba't bumitaw ka agad at hindi man lang kumapit
Sana natutunan mo'kong huwag sukuan kahit ilang saglit

Akala ko, kilalang-kilala na kita
Kaya nagpatali ako sa paniniwalang mahal natin ang isa't-isa
Pero sa paglipas ng panahon tila ba nagbago ka na
Puro ka lang pala bahala, walang isang salita
Akala ko, sapat na ang ako para mahalin mo
Akala ko, sapat na ang ipaglaban kita at ikaw ang pinili ko
Pero ngayon, pinagsisihan ko ng nakilala pa kita
Pinagsisihan ko ng minahal pa kita
Simula nang naging masaya ka sa piling niya
Habang ako naghihingalo halos 'di na makahinga.

Sayang, sayang dahil tinapos mo sa isang salita lamang
Ang pinagsamahan natin tila binalewala mo lang
Sinira mo ang mga katagang ako'y sayo at ika'y akin lamang
Nang sabihin mo sa aking bahala na,
bahala na ang diyos na magdesisyon sa ating dalawa
Na 'di ko alam kung susuko o aasa pa ba,
sa pagmamahal mo'y unti-unti ng nawawala.

Para mo na din sinabing wala na
Wala na ang dating masaya pa tayo
Ang dating sabay tayong kumakain sa canteen
Nagkukwentuhan sa may hardin
Nanonood ng horror movie habang magkatabi
Magkahawak ang kamay at magkadikit ang mga pisngi
Wala na ang dating matatamis na ngiti
Magkasama at kayakap sa isang tabi
Wala na ang dating meron tayo
Ang dating ikaw at ako.

Ngayon, isip ko'y gulong-gulo
Gulong-gulo kung ba't mo ako ginago at sinaktan ng ganito
Ang tanga-tanga kong nagpalunod sa mga pangako mo
Pangakong ako lamang at wala ng iba pa
Pangakong tayong dalawa ang magsasama,
sa hirap at sa ginhawa,
sa sakit man o kalusugan
Ako'y iyong mamahalin at pagsisilbihan
Napagod lang ako pero hindi ko sinabing tapos na tayo.

Bago ko tapusin ito
Gusto kong malaman mo,
na magsasawa din siya sayo
Magtatapos din kayo sa salitang bahala na
Hindi na ako masaya sa piling mo
Patawad pero mas mahal ko siya kaysa sayo.

O, di ba ang sakit marinig ito
Kagaya ng sakit na idinulot mo
No'ng sinaktan mo ang puso ko
Pero salamat dahil do'n, natuto ako.

Isang Daang TulaWhere stories live. Discover now