Labing Apat: Pagbabalik

20 2 0
                                    


"Pagbabalik"

Nandito na naman ako nakadungaw sa bintana
Hinihintay ang iyong pagbabalik sinta
'Di na ako makapaghintay ikaw'y makita
Makapiling sa araw-araw at umaga

Sa bawat pagtingin ko sa mga numero sa kalendaryo,
Ni minsan hindi naisip na sayo'y sumuko
Sa bawat pag-ikot at pagtigil ng oras,
Ikaw ang naaalala't 'di tumataliwas.

Sa bawat espasyo, ikaw ang laman
Sa bawat lugar, ikaw ang daanan
Kahit saang banda tumingin, walang nakikita kundi ikaw
Kahit na sa pagtulog pangalan mo ang sinasambi't sinisigaw.

Bawat pagkurap, ika'y naiisip
Pagtanaw sa daan at konting pagsilip
Pagsilip sa saradong pinto na pilit binubuksan
Sa pag-asang ako'y iyong babalikan.

Bawat tibok ng puso, ikaw ang dahilan
Na kahit mahirap, pinipilit kong lumaban
Sa kakarampot na pag-asang ika'y masilayan
Nang ang mga mata'y muling magningning kagaya ng mga tala sa kalangitan.

Sa bawat dasal ika'y pinapanalangin
Lumuluhod at nagmamakaawa, sana nama'y dinggin
Na sa pag-uwi mo ako'y nananabik
O, diyos ko, salamat at ang mahal ko'y nagbalik!

Isang Daang TulaWhere stories live. Discover now