Siyam: Kayo

26 4 0
                                    


"Kayo"

Hindi ko makalimutan no'ng una tayong nagkita
Ang mga sandaling ako'y napatulala bigla
Nanlaki ang mga mata at hindi makapagsalita
Nang ako'y iyong lapitan, tila nabubulol na.

Sinong mag-aakala,
nasa 'di inaasahang pagkikita
Sa dinarami-rami ng mga lalaking nakasalamuha,
sayo pa ako tinamaan ng sobra-sobra.

Sinong mag-aakala,
na magugutuhan natin ang isa't-isa
Nang ganoon ka bilis,
gaya ng pag-ibig ko sayo'y walang kasing tamis.

Pero kasing bilis din ng pag-ibig mo,
ang pagguho nito
Kay bilis mo lang tinapon ang lahat ng meron tayo
Na para bang ni minsan, walang ikaw at ako.

Teyka, meron nga bang tayo?
Kasi sa pagkakaalam ko,
kahit kailan hindi ko narinig mula sa'yo ang salitang tayo
Dahil ni minsan, 'di mo naman sinabing mahal mo din ako.

O, di ba, ang tanga-tanga ko
Nagpakatanga ako sayo
Naniniwala ako sa mga pangako mo
Nahulog ako sa mga pagpapanggap at pagmamahal mo na kunwari'y totoo.

Binigay ko sayo ang sarili ko ng buong-buo
Pati pamilya ko iniwan ko para sayo
Binuhos ko ang buong atensyon sayo
Inalagaan kita ng husto, mas inuuna pa kita kaysa sarili ko.

Pero anong sinukli mo?

Biruin mo, apat na taon
Apat na taon nang magkaroon ng tayo
Pero sa loob ng mahabang panahon na iyon
Wala pala ni isa doon ang totoo.

Apat na taon mo na pala akong ginagago
Pinapaikot sa mga salita mo,
salitang mong tumatagos hanggang puso
Na animo'y parang totoo at hindi biro.

Kaya naman, 'di ko mapigilan ang sarili ko,
ang sarili kong mahalin ka ng husto
Mahalin ka ng higit pa sa inaakala mo
Mahalin ka ng mas higit pa sa sarili ko

Ngayon puso ko'y nagdudurugo at naghihingalo,
nagdudurugo ang puso kong ito,
na kahit isang daa't libong gamot pa ang inumin ko
Tila wala paring epekto.

Naghihingalo ang puso ko sa sakit na idinulot mo
Na hanggang ngayon hindi parin mabigyang lunas at mawala-wala
Pilit akong hinahatak at binabaon pababa
Tila para bang wala ng katapusan ang pagdurusa kong ito.

Sakit na kailanma'y hindi na mabubura sa ala-ala
Sugat na nakaukit nasa puso ko't kaluluwa
Kahit anong pilit kong kapit sa pag-asa
Tila wala ng saysay ang buhay kong 'to at halaga.

Kahit anong pilit ipikit ang mga mata
Mukha mo ang laging nakikita
Kahit gustong-gusto na ng puso kong kalimutan ka
At kahit anong pang-iiwas ng isipan kong hindi maalala.

Pero ba't, hindi ko parin magawa?

Hindi ko alam kung saan magsisimula at pa'no babangon
Pero isa lang sigurado ako ngayon
Wala ng ikaw at ako, kahit kailan hindi na magkakaroon ng tayo
Dahil ang meron nalang ngayon ay, kayo.

Isang Daang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon