PHONE RINGING..
Sino ba Itong estorbo!!
Hello po sir!!
Angelo? Kumosta ang trabaho? Matagal na kayo diyan siguro naman may balita na kayo?
Sir magandang umaga nga po pala! Masamang balita sir! Hanggang ngayon po ay wala pa kaming nahanap.
Ano? Dalawang linggo na kayo diyan, di niyo parin nahanap si roman? Nag tatrabaho ba kayo? Oh nag papasarap lang diyan sa hongkong?
Di naman po sir, ginawa po namin ang trabaho namin pero wala po talaga kaming mahanap. Magaling po yong nakakuha sir dahil malinis na malinis ang trabaho nila.
Pinupuri mo pa putang ina ka!! Isang linggo pa ang palugit niyo sa akin angelo pero kapag di niyo pa nahanap ang roman na yan?? Alam mo na kong saan kayo pupulotin maliwanag?
Yes po sir, gagawin namin ang trabaho namin ayaw naming madismaya kayo.
Wag puro satsat" gawin mo nalang kapag wala pa kayong magandang balita? Ako na tatapos sa buhay niyong lima..
Sige po sir, pasensya po
Anong sabi? Naniwala ba si sir rain?
Hindi, kaya mag tatrabaho parin tayo kasi kapag di natin mahanap ang roman na yon? Baka tayo ang mapapatay ni sir rain kaya walang pahinga² nagka intendihan tayo,?
Oo naman, kilala namin si sir di yon basta-basta bibitaw ng salita kong di niya tutuhanin, demonyo yon eh.
Sinabi mo pa.
Pagkatapos nagpa tuloy ang grupo ni angelo sa paghahanap kay roman, at don mag tagpo ang kampo ng queen at kay angelo.
Oyy pare mga sexy lady oh ang gagandang binibini. Pwede naman siguro mag pakilala mona tayo.
Alam niyo na ngang may problema tayo e yan pa inatupag niyo!!
Ngayon lang naman ito e kaya sige na pumayag kana angelo.
Oo na pero kailangan mag madali kayo para hanapin na natin si roman.
Oo naman,, tayka lang ako ang lalapit..hi girl's pwede bang makipag kwentohan sa inyo?
Oo naman diba girls? Tanong ni myra sa kasamahan niyang dalaga.
Shempre basta gwapong tulad niyo walang problema, hali kayo inuman mona tayo para naman makilala namin kayo. Puna naman ni Cassy sa mga lalaking gusto silang makilala.
Talaga? Kayo pa ang nag yaya? Baka pagsisihan niyo?
Ang alin? Prangkang tanong naman ni faith sa lalaking kaharap niya.
Wala naman, oh boys ano pa hinihintay niyo? Mamili na kayo ng partners niyo.
Sige ba deal kami, at ng kanya-kanya na sila ng partners! Umpisa na ang inoman sa bawat panig puro malalakas ang sekmura nila dahil wala pa ni Isang nag papakitang nalasing..
Sige lang inom pa kayo, Cassy tawagan mo mona si queen.
Oo sige tayka lang, labas mona ako mga boys may tatawagan lang ako saglit.
Sino naman? Tanong ni angelo mukhang may tama na sa iniinom na alak.
Mama ko lang angelo, baka nag aalala na yon sa akin alam niyo na? Di ako nag papaalam e sige ha mabilis lang ito.
Ok, sige bilisan mo lang para naman may partner na ako habol ko pa kay Cassy na naging partner ko sa inoman.
Oo na,, ilang sandali pa ako sa labas para tawagan si queen kaso hindi niya pa sinasagot ang tawag ko, pero di ako tumigil muli ko namang tinawagan ang number niya. At buti nalang sumagot na ito sa tawag ko.
My queen,
Hello oh bakit Cassy?
Andito na po ang pinapahanap mo sa amin my queen, silang lima ang nag hahanap kay sir roman.
Mabuti!! dalhin niyo sa lumang bahay ngayon din aalis narin ako dito para pupunta don.
Sige po my queen, asahan niyo pong gagawin namin ang inuutos niyo.
Mabuti, bilisan niyo lang kasi nangangati na ang kamay ko ngayon parang gusto ko ng manakit ng taong masasama.
Masusunod my queen. Pagkatapos naming mag usap agad akong bumalik at nag sign language ako sa mga kasamahan ko. Ganito kasi kami para di mahalata ng kausap namin kong may pinag usapan kaming lima. Tulad ng dati agad naman nilang nakuha ang punto ko kaya madali naming nagawa ang plano. Oo kahit babae lang kami alam namin kong anong kahinaan ng mga lalaking tulad nila. Matagal na kaming nag manman sa kanila kaya nong nakita namin sila? Agad kaming nag handa sa unang plano. Hindi kami basta-basta nakipag usap sa mga tao pero dahil utos ni queen sa amin ang limang to. Wala na kaming nagawa kundi kausapin at lasunin sila madali lang pala lukohin ang mga lalaking to..
Kinaumagahan pagka gising ko diko alam ang lugar kong nasaan kami? Pariho kaming nakagapos at ang ulo ko parang mabibiak sa subrang sakit yong mga katawan ko parang diko maigalaw ng maayos. Anong nangyari? Bakit kami nandito? Bakit ganito ang nararamdaman ko.?
Araay ang sakit ng ulo ko, ano bang nangyari?
Ikáw din dave? Masakit din ang ulo mo?
Oo angelo ng sakit parang mabibiak, bakit tayo nakagapos?
Diko alam! Wala akong maaalala e.
Patay paano na to? Kailangan natin makawala dito may trabaho pa tayo diba?
Buti naalala mo pa dave, ito na nga ba sabi ko e. Gisingin mo yang tatlo para makahanap tayo ng paraan para makatakas dito.
Wag kanang magalit diko naman alam na mangyayari ito sa atin!.
Sige na gawin mo nalang ang inuutos ko!
Good morning boy's! Kumosta ang tulog niyo? Tanong ng mga babaeng nasa banda ng pinto.
Kayo?? Tayka lang naaalala ko ang mukha niyo? Angelo diba sila yong kainoman natin??
Oo kami nga, pero dina kami masaya e kaya ginapos namin kayo.
Pakawalan niyo kami, sino ba kasi kayo? Anong kailangan niyo sa amin? Di namin kayo kilala.
Kagabi nga lang tayo nag inoman nakalimotan niyo na kami? Ang saklap naman girl's.
Hoy lalaking malaking bunganga wala kaming kailangan sa inyo pero ang queen namin meron!!
Sino? Nasaan siya?
Andito ako!! Ako ang may kailangan sa inyo. Bakit may problema ka?
Kami? Magka problema? Mga babae lang kayo at mga lalaki kami baka nakalimotan niyo kaya naming lima ang pag lulumpungin kayo. Lalo kana babae ka! May pa suot² kapang maskara!!
Hoy ayusin mo ang pakipag usap sa queen namin kong ayaw niyong bangkay kayong lalabas dito.
Easy girl's, tinakot mo ba ako? Pwes tikman mo to! Ano? masarap ba? Suntok lang yan ng Isang babae diba? Tapos ano ka ngayon??
Thank you for reading 🧡💙❤️
YOU ARE READING
WRONG MOVE part2 ( on-going)
General FictionP.S basahin mo na ang series#1 WAG MO AKONG MAHALIN para mas maintindihan ang series#2.. Maling galaw mo lang, habang buhay mo nang pag sisihan. Wag kang mag kamaling kalabanin ako, kong ayaw mong sa hukay ang bagsak mo..
chapter 10
Start from the beginning
