Oo na hindi na kami makipag talo sayo, sige nakita mo siya! Pero saan siya? Diba wala siya dito?

Diko alam, iwan kong bakit tumakbo siya palayo!

Kalimotan mo nalang yon, halikana balik na tayo sa table na natin. Itagay mo nalang yan para mawala na yon sa isip mo ang nakikita mo.

She's a mysterious lady!!

Mysterious talaga! Dahil ikaw lang ang nakakakita! Diman lang namin nakita kong sexy ba siya or matangkad ba?

Kahit nga ako diko nakita ng maayos, pero wag kayong mag aalala mahuhuli ko rin siya.

OTHER PERSON POV..

buti hindi siya nakasunod! Akala ko talaga mabuko na niya ako, thanks to you ha dahil sayo malabo niya akong makilala. Talaga bang palagi sila don? At siya hindi naman halata sa mukha niya ang babaero eh. Sa bagay nga naman baka bait baitan lang sa harap ng ibang babae. Para hindi nila iisipin na babaero ang kumag na yon. Bahala na nga nakakainis uuwi nalang ako baka hinahanap na nila ako don.

Talaga? Buti naisipan mong babalik pa??

Pambihira naman kayo girl's wag niyo naman akong ginugulat. Hihimatayin ako sa inyo eh" bakit kayo napa rito?

Sinundan ka! Dahil may importante kaming sasabihin sayo.

Ano naman yon?

Yong matanda gising na, nag pupumiglas nga kanina dahil akala niya mga kalaban kami.

Talaga?? Gising na siya? Thank God magandang balita yan..

Sayo maganda! Sa amin dimo ba itatanong?

Bakit anong nangyari?

Si Cassy kasi kanina muntikan na, nakatulog kasi siya habang nag babantay sa matanda! Kaya muntikan ng malagutan ng hininga.

Huh?? Bakit? Kumosta naman siya?

Ayon nag papahinga na, wag kang mag aalala kasama naman niya si Faith eh.

Pasensya na kayo huh, pwede bang kayo mo na ang mag alaga sa kanya! At wag niyong hayaang makaalis hanggat hindi pa naging ok ang problema namin?

Wag kang mag alala my queen, alagaan namin siya para sayo.

Hoy umayos ka!

Maayos naman akong nakipag usap sayo my Queen, At yumoko pa nga ako tanda ng respito ko sayo bilang queen namin..

Oo nga, dapat nga pagalitan mo kami dahil di kami nakabati sayo!! Pasensya na po my queen!! Sabay yuko nilang tatlo sa harap ko.

Oh sya tama na yan, tumayo na kayo wala tayo sa lugar kong saan kinikilala niyo akong Queen kaya tayo na..

Napaka bait mo talaga sa amin, di nga kami nag kamaling gawin kang Queen dahil sa malambot mong puso sa mga taong mabubuti.

At matigas na puso para sa taong mapang api, diba my queen??

Nako kayo talaga, tara na nga umalis na tayo para makabalik na kayo kong saan namamalagi.

Yes po my queen,,

FAST FORWARD..

hone saan ka pupunta? Mukhang bihis na bihis ka?

Sa presinto hone, kailangan kong bantayan si karding para makasiguro tayo.

Gabi na ah, ano ba naman yang trabaho mo? Kahit gabi na kailangan ba talagang pumonta ka pa don?

Oo hone mahirap na, baka tulad nong isa wala rin tayong napala.

Ayan kana naman!! Itigil mo na nga yang nasa isip mo. Sige papayag akong pupuntahan mo siya! Pero dapat tawagan mo ako kapag may mangyaring di maganda.

Oo na promise, sige na aalis na ako bye mag ingat ka dito.

Ikaw ang mag iingat don, wag ako pag sabihan mo!

Ito talaga, oo na nga sige bye alis na ako..

SCARLETH POV..

diko alam Kong bakit? Pero iba ang pakiramdam ko ngayon, kanina galing naman ako don nasa mabuti naman siya. Pero bakit gusto kong bumalik? May nangyari kaya? Sana naman wala! Kong mangyari man yon? Talagang mahihirapan ako hanapin" kong sino ang leader nila. Kahit nasa byahe ako papuntang presinto ang isip ko andon lang Kay karding hanggang sa diko nalang namalayan malapit na ako sa presinto. At bumalik lang ako sa katinuan dahil nakarinig na ako ng putok, alam ko Ang putok na yon! At hindi ako nagkakamali galing yon sa presinto. Hindi pwede! Kailangan Kong iligtas ang kaisa isang tao' makapg turo sa akin kong sino ang leader nila.  Pagpasok ko!agad akong bumonot ng baril at hinahanap ko agad ang kulongan ni karding salamat dahil ligtas ito. Naabutan ko pa siyang buhay.

Ma'am, salamat po at dumating kayo!

Anong nangyari? Bakit may putokan? Ok kalang ba?

Ma'am ito na po yong sabi ko sa inyo, hindi nila ako pwedeng ipasuko sa mga pulis ng ganun-ganon lang. Hindi sila titigil ma'am hanggat hindi nila ako mapapatay.

Hindi ako papayag, halika ililigtas kita karding, bilisan mo Ang kilos. Habang nasa loob pa kami ng presinto double ingat ang ginawa ko dahil totoo na ang kutob ko. Hindi siya ang pumatay Kay agent Melody dahil gusto siyang patayin sa mismong kasamahan niya.. karding ilag,, bang bang nag palitan kami ng putok diko makilala ang mukha niya dahil naka suot ito ng bonnet.

Salamat ma'am,, bilisan niyo na ma'am patayin mo sila para maubos na ang mga walang hiyang yan..

Wag kang mag aalala maliligtas Kita mag tiwala kalang sa akin,...

Yes ma'am,

Nakailang putokan pa kami ng mga sendikato, hanggang sa napatay namin ang limang sendikatong sumolong sa presinto. Nag libot pa kami sa labas at loob ng presinto pero wala na kaming nakita pa.

Kumosta kayo??

Ma'am, ok po ang lahat at Walang natamaan, maraming salamat sa pagdating niyo ma'am..

Walang ano man, tungkolin ko rin Ang tulongan kayo, nakilala niyo na ba ang mga yon?

Hindi pa ma'am, di namin sila namukhaan mukhang bagong grupo ito ng mga sendikato, alam namin na sendikato sila ma'am dahil sa kanilang mga suot. ganyan kasi yong mga suot ng laman ng mga balita sa tv Siguro po'y kasamahan nila ang mga ito.

Bakit daw sila sumogod dito? Anong kailangan nila?

Diko po alam ma'am, pero ang nasa isip ko ay yong lalaking nakakulong na si karding. Sigaw kasi ng isang lalaki kanina. Malas mo lang karding Ikaw yong nandito at alam mo Ang patakaran ng grupo natin.

Sino doon? Ituro mo sa akin kong alin sa mga yon ang nag sabi.

Yes ma'am, pero sa pagkakaalam ko ma'am ay wala dito ang lalaking yon dahil medyo malaki Ang pangangatawan non. Hindi gaya nila maninipis lang.

Ang ibig mong sabihan may isa pang nawawala?

Yes ma'am, pero pinapahanap ko na po sa mga kasamahan natin..

Si karding? Karding asaan ka?

Ma'am, bakit po?

Hanapin nalang natin siya Karding nasaan ka mag pakita ka sa akin. Diba sabi ko sayo' wag kang lumayo sa akin? Sabi ko dito kalang sa tabi ko dahil ligtas ka sa akin karding nasaan ka..

Ma'am may tao doon oh, si karding ma'am, siya nga.

Karding hindi,, wag kang mamatay ano kaba! Lumaban ka karding kailangan pa Kita sa misyon ko ano ba..

Sorry ma'am pero diko na magawa yon, mag iingat po kayo ma'am noon paman kilalang Kilala mo na ang leader  namin... Pagkatapos magsalita si karding tungkol sa leader nila ay nalagutan na ito ng hininga..

Thank you for reading 🧡💙❤️

WRONG MOVE part2 ( on-going) Where stories live. Discover now