TGF - 22

44 2 0
                                    

THE DNA TESTING.


After days in London, umuwi na ako sa Pilipinas. Nagpasundo lang ako sa isa sa mga driver ni Daddy dahil ayoko na munang mamulabog sa drivers ng Lizares. Always available naman ang drivers ni Daddy kaya kahit short-noticed ang pag-contact ko sa kanila, agad din nila akong sinundo. Kaso hindi lang inaasahan na may sumamang isang driver ng mga Lizares. Siguro natunogan ang pag-uwi ko kaya hinayaan ko na lang. Ang akala rin kasi ng mga Lizares sa susunod na araw pa ang uwi ko. Napaaga lang talaga ang uwi ko ngayon kaya ganito.

I really miss Colly na rin talaga. Hays, kahit kailan talaga, may sepanx ako pagdating sa anak ko. Kahit na I know that he's in safe hands na rin naman pero bilang ina, hindi pa rin talaga maiiwasan na ma-miss mo from time to time ang anak mo.

Lalo na ngayon na may panibagong blessing akong kahaharapin.

I silently caress my belly as I watch the moving view from outside the car I'm in. Pauwi na kami ngayon sa Escalante from the airport. Gaya nga ng sabi ko, drivers at iilang body guards lang ang sumundo sa akin.

"Manong, sinong naiwan sa manor ngayon?" I ask out of nowhere, matapos magsawa sa gumagalaw na tanawin sa labas. Nilingon ko na rin si manong driver, na saktong panandalian akong pinasadahan ng tingin through the rear view mirror.

"Ngayon po, Ma'am? Hindi ko po alam, Ma'am, kung sino-sino. Pero nang umalis po kami kanina, si Sir Siggy lang po ang naiwan sa manor."

"Even Colly? Wala sa manor ngayon?"

"Parang naiwan po yata sa pangangalaga ni Sir Siggy si Sir Colly, Ma'am. Sa pagkakaalam ko po kanina, may emergency na meeting po sina Don at Donya sa Central kaya po biglang umalis. Si Sir Einny naman po ay ganoon din, may importanteng meeting daw na pupuntahan. 'Yong iba naman po ay hindi pa rin umuuwi ng manor simula po no'ng umalis kayo papuntang ibang bansa," mahabang explanation ni manong.

Tumango-tango ako sa mga sinabi niya at muling napatingin sa tanawin sa labas. Although nagulat nga ako na naiwan sa care ni Siggy si Colly. And... anong ginagawa ni Siggy ngayon dito sa province? Nagsawa na ba siya sa Manila o quick visit niya lang ito ngayon?

Oh well, mabuti na lang at nandito siya. Hindi na ako mahihirapang hagilapin siya sa Manila para personal na sabihin sa kaniya ang mga bagong nalaman ko. This is so useful for him. He should thank me later. Ang laking revelation nitong sasabihin ko sa kaniya, ano. Magpasalamat talaga siya sa akin. He owe it all to me. Siggy, you really owe me one.

Kaya nang makarating sa manor, agad akong bumaba ng kotse. Hindi munta inintindi ang mga gamit ko. Agad din naman akong sinalubong ng maids para ayusin ang mga gamit ko.

I ask one of the maids about Siggy and Colly's whereabouts in the manor. Si Colly daw ay nasa playroom, pinapatulog daw ng kaniyang Yaya. Si Siggy naman daw ay nasa malaking living room lang, nanonood ng TV.

Dali-dali pero may pag-iingat akong pumasok ng manor.

"So, here's the tea! The real tea!" pagtititili ko nang pagpasok ko, saktong nakita ko siyang kalalabas lang galing sa direksiyon ng kusina habang hawak-hawak ang isang sandwicgh. I think he's enjoying his afternoon snacks when I came in.

"Umakyat ka nga muna sa kuwarto n'yo?" parang naiiritang sabi niya nang makita ang kabuuan ko.

Sabi ko nga 'di ba na diretso na ako sa kaniya? Mas inatupag ko pa ang pagharap sa kaniya kaysa ayusin muna ang sarili at mga gamit ko. Nasa kamay ko pa nga ang handbag na dala-dala ko, eh.

Nilampasan lang niya ako and didn't mind what I said.

Hindi naman ako sumuko, sinundan ko siya sa paglalakad baon-baon pa rin ang excitement na nararamdaman ko sa sasabihin ko sa kaniya.

The Genteel Flower (Yutang Bulahan Series #5)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin