“Pahaitd ka kay Kuya Jonjon” sabi ko. Hindi na ako bumaba ng sasakyan. Tumango siya. “Wag magpapakapagod sa office” dagdag ko pa. Ngumiti lang siya.

“Bye Hon” sabi ko at nagwave na ako. “Bye…ingat.. text mo ko later kung ano oras uwi mo huh?” sabi niya.

“Oo na po…sige na…bye Hon, bye baby” sabi ko at pinaharurot ko na ang kotse.

Nang marating ko ang station ay madali na akong nagpark at patakbong pumasok sa station. “Good morning Sir, nagsisimula na po ang presscon” sabi ng guard.

Madali kong kinuha ang access card ko at pumasok na ako sa elevator. Kabado, pero ganun talaga eh. Ng marating ko ang 15th floor ay palihim akong pumunta sa dressing room at naabutan ko sila Ate Osang na natataranta pa rin noon.

“Ba’t ang tagal mo?” tanong ni Kuya Mark.

“Kasi naglunch-out pa kami ni Kath eh” sagot ko habang nagpapalit ng pangitaas na damit. Mabilis namang inayos ni Ate Che-che ang buhok ko.

“Miss Malou, he’s here na po” rinig kong sabi ni Ate Osang sa telepono at maya maya nga ay pumasok na si Ms. Malou sa dressing room.

“Where have you been? Malinaw ang nasa schedule mo” naiinis niyang sabi. “Pasensya nap o, may importante lang pong nilakad” sabi ko.

“This is important Daniel. Hay, wala akong time para sermonan ka ngayon kaya kung ready ka na pumunta ka na sa conference hall. Now” sabi niya at madali akong tumakbo papunta roon.

Nagalakpakan ang mga reporters ng makita ako. I saw all the cast na. ako na lang talaga pala ang kulang.

“Hi Daniel”

I smiled at madali ng umupo sa tabi ni Patrisha. Hindi niya ako pinansin. “Magandang araw po” sabi ko.

From there ay nagsimula na ang tanungan about sa aming teleserye entitled “MINSAN PA”. Question about kung sino kami sa istorya, kung anong mga dapat i-expect ng mga fans at medyo nailang na ako na ang mga tanungan ay about sa pagtatrabaho namin together. Hindi naman ako maiilang kung wala lang silang parang pinapalabas na parang nagkakamabutihan kami ni Pat offscreen.

Mabuti na lang at narito si Patrisha to answer all their questions patungkol sa mga bagay na iyon.

“Mas importante po ang career” sabi ni Pat.

“Napakasafe niyong sumagot na dalawa” sabi nila at ilang saglit lang ay natapos na ang presscon. Madali akong bumalik sa dressing room at doon na nga ay nagsimula ang sermon ng pari este ni Ms. Malou.

Tahimik lang kami nila Ate Osang. “Ms. Malou, may importante lang po siyang ginawa” pagtatanggol sa akin ni Pat. “Ms. Malou, sorry na po talaga. I know it’s wrong na hindi ako nagsabi. Pasensya na po” ngumiti ako sa kanya.

“Hay nako Daniel Padilla! Last na to huh!” sabi niya at lumbas na. Sanay na rin naman ako kay Ms. Malour, ganun lang yon pagmali ka pero pag maganda naman ang pinapakita mo ay napakabait niya.

LYFNR BOOK 2 - THE REASON IS YOU (KathNiel)Where stories live. Discover now