"Ang manyak mo.." sabi ko sa kanya at patuloy lang kaming naglalakad patungo sa classroom namin.

"Hindi pare ha, nagsasabi lang ng totoo. Pangalawa, matalino din si Celeine, may kaya sa buhay. Kung tutuusin ang dami-dami ding nagkakagusto sa kanya pero sayo pa talaga sya nagkagusto, ikaw na walang gusto sa kanya.. Sana sa akin nalang sya nagkagusto eh di ang bebot sana ng girlfriend ko ngayon" Alam ko naman na madaming nagkakagusto kay Celeine eh, pero bakit nga ba? bakit nga ba sa akin sya nagkagusto?

"Araaaay" reklamo ni Jonas ng batokan ko sya, kung ano ano ang sinasabi eh..  

"Bakit ba ayaw mo kay Celeine pare?" ayan na naman, last nalang talaga susuntokin ko na ang lalaking 'to... Na ipikit ko ang aking mga mata at na ikoyom ang mga kamay,

"Alam mo ikaw, tumahimik ka dyan. Baka bukas paglalamayan ka na" sabi ko kay Jonas ng makapasok na kami sa classroom namin, buti naman at natahimik ang loko at nagpunta nalang don sa iba pa naming ka klase.. 

Bakit nga ba ayaw ko kay Celeine? Dahil kaya sa tuwing nakikita ko sya naalala ko ang isang napakapait na nakaraan? O sa kanya ko lang na ibabato ang galit ko sa nangyari dati? Wala namang kinalaman si Celeine don at mga bata pa kami kahit siguro sya hindi na nya natatandaan ang mga nangyari. 

*CHARLES POV 

"Bagong taon, bagong pag-asa" yan ang sabi ng paring nag misa kahapon bago sumapit ang bagong taon. Ewan ko ba hindi naman ako nakikinig sa mga pinagsasabi ng pari sa tuwing nag mimisa pero yung salitang sinabi nya ay tumatak talaga sa akin. 

Kanina pa ako dito sa loob ng kwarto ko at kaharap lahat ng  Captain America na collections ko. Napapaisip talaga ako eh, ano kaya ibigsabihin ng "bagong pag-asa". Bagong pag-asa sa amin ni Ayesha? O bagong pag-asa para simulan ko nang mahalin si Maddy? Put@ng ina naman oh. Bakit ba kasi ngayon pa bumalik si Ayesha.

Ilang taon na din ang lumipas simula ng maghiwalay kami ni Ayesha at nangibang bansa sya, pero inaamin ko sa sarili ko sya lang ang babaeng minahal ko at hanggang ngayon mahal ko pa din sya. Handa naman sana akong magmahal ng iba at kalimotan si Ayesha simula ng ma engage kami ni Maddy. Hindi naman kasi mahirap mahalin si Maddy, pero bakit parang nalilito ako.

Ayaw ko suwayin ang parents ko pero ayaw ko din suwayin ang puso ko. Ngayong bumalik na si Ayesha siguro may ibig sabihin 'to. Alam kong ang bakla nitong gagawin ko pero susubukan ko  lang naman malay natin mag work. 

Humiga ako sa kama ko at ipinikit ang aking mga mata, humingi ako ng sign sa panginoon kung dapat ko bang sundin ang puso ko. Bigla akong napabangon ng tumunong ang phone ko.

Her Yellow Notebook (Complete)Where stories live. Discover now