Chapter 19.1: Kiss

Start from the beginning
                                    


"Congrats, Happy?" Sabi ko.


"Oh, bakit parang ang bitter mo naman pakinggan? Don't tell me, crush mo ang boyfriend ko? Nako, baka hindi magustuhan ni Chiro kapag nalaman niya yan." Punyeta! Boyfriend mo ang Boyfriend ko, yun yon! "Pero okay, hanggang crush ka lang naman eh. May asawa ka na kasi." 

"Pwede ba umalis ka na sa building namin? Epal ka dito eh." Sabi ko sa kanya.

"Suit yourself." Tapos naglakad na siya papaalis ng building namin.

***

SUNDAY

CY'S POV

Binraid ko yung buhok ko pagkatapos kong i-blowdry at nag-apply ng konting make-up sa mukha. Tinignan ko ang reflection ko sa salamin at nakita ko ang isang pamilyar na ngiti sa aking labi. 

Tuwing inaaya ako ni Kiel mag-date noon, lagi nalang akong napapangiti tuwing napapatingin ako sa salamin. Sinuot ko yung hikaw na binili ko noon sa New York. Ang cute kasi eh. Parang ako lang ^O^

Hohoho!~ 

Tinignan ko yung watch ko, 11:30 na! 12 kami magkikita ni Kiel sa Movie House eh. Nagdrive ako papunta sa Mall at nagpark sa basement. Pagka-akyat ko ng stairs, Kinuha ko yung phone ko at dinial ang number ni Chiro. Syempre kailangan updated din siya sa nangyayari noh.

"Hello?" -Chiro

"Chiroooo~" -Ako

"Oh, Cy. Bakit parang ang saya mo ngayon?" -Chiro

"Uwaah~ Chirooo! Magkikita kami ni Kiel mamayang 12. Magci-cine daw kami." -Ako

"Talaga? Si Ayumi din magci-cine mamayang 12 kasama si Yanna." -Chiro

Huh? Paano nangyari yun eh hindi pa naman sila bati ni Yanna. Naka-off kaya telepono ng babaeng yun, paano sila nagkausap? Something smells fishy. 

"Bili Bili na po kayo ng Tuna Sandwhich!" -Nagtitinda sa booth.

"Sige Chiro, later nalang ulit. Bye!" -Ako

Nag-hangup na ako. I was wrong all along. Akala lang pala ni Kiel na si Ayumi yung yumakap sa kanya sa likod. Hindi pala ako yung gusto niyang makita ngayon. 

Pero I have to fulfill my mission. 

Nakita ko ang blonde na buhok ni Kiel sa gitna ng crowd. Nakita kong hawak hawak niya yung tickets sa kamay niya. Ngumiti ako at nilapitan ko siya. "Kisses ko!" Bati ko sa kanya.

Napatingin siya bigla sa akin at parang nakakita ng multo. "B-Bakit ka nandito?" Tanong niya.

"Uhh, Duh? Inaya mo kaya akong mag-date." Sabi ko.

"Kelan pa?!" -Kiel

"Ipaalala ko sayo? Wushuu, gusto mo lang ulit ng backhug eh." Sabi ko. "Bakit? Sino ba ang ine-expect mo? Nangangaliwa ka noh?" 

"Would you please go home, Cy?" Sabi niya sakin tapos naglakad siya papalayo.

Magpapatalo ba ako? No way. Hinawakan ko yung braso niya at hinarap siya sakin. Parang baliktad yung eksena namin? XD Diba dapat yung lalaki ang gumagawa nito? Haha!

"Matapos mo akong yayain sa date papauwiin mo lang ako?! Aba, nasaan na ang manners mo Mr. Natividad? Wag mong sabihin bakla ka na ngayon? Should I change it to Ms. Natividad?" Asar ko sa kanya.

"Shut up! Tawagin mo pa akong bakla at hahalikan kita" -Kiel

Napangiti ako deep inside kasi tamang-tama ang timing ni Ayumi. Nasa likod lang siya ni Kiel kaya kitang kita ko ang naguguluhang ekspresyon niya. "Di mo naman kaya eh! Bakla ka! Bakla!" 

"Hahalika--" I used my lips to seal his. Kung magbabanta na rin naman siya, gawin na niya. Wala na dapat paligoy-ligoy. 

I wrapped my arms around his neck and deepened the kiss. Nagulat ako dahil nag-respond si Kiel sa mga halik ko. Kitang kita ng mga mata ko ang naglalakihang mata ni Ayumi. One day, she'll thank me for this dahil itinuwid ko ang baluktot niyang landas pabalik kay Chiro. 

Napansin ko din na pini-picturan kami ng mga tao. Oh Yeah, I forgot. I'm famous.

Pero bakit hindi pinuputol ni Kiel yung halik? Could it be that he still has feelings for me? Pero dahil nasa public kami, pinutol ko na yung halik. "Nasarapan ka ata sa halik ko, Kisses ko." I smirked.

At Doon lang siya natauhan. "What th--" I kissed him again. 

"Shh, wag kang magwawala dito sa Mall, madaming fans ko ang nanonood. Mas malaking skandalo ang mangyayari kapag nagwala ka. Let's watch the movie then leave." I whispered in his ear. 

Tumahimik naman siya. Buti naman at nakikiride ka. "Let's go, Kisses ko!" 

Arranged Marriage From HellWhere stories live. Discover now